-17: Plans to his prey

117 16 3
                                    

-Unedited

~•~

J E N N I E

Kasalukuyan akong nagbibihis ngayon sa kwarto ni Taehyung. Kakaligo ko lang din at paalis nako. Kung tinatanong mo kung saan ako pupunta eh malamang, saan pa ba? edi uuwi na.

Ano ako?. Lakwatsera?.

Sinuot ko ulit ang uniform pang school na damit ko pa nung mga araw na dinala ako rito ni Tae. Syempre, di naman maaaring umuwi ako na ang suot ay iba na at panlalaki pa. Heler. Naka boxer lang kaya ako kahapon.

"Jen. Are you done?." Sigaw saakin ni Taehyung mula sa taas.

"Ah...wait lang, malapit na!."

Nagbihis nalang ako ng mabilis at ayokong paghintayin pa siya, kilala ko yun, mainipin. Ng matapos ako magbihis ay dali dali akong bumababa at sakto namang nabungaran ko siya sa may sala at nanonood pero nakabihis na siya.

Galing noh?. Mag-isa lang siya dito sa condo niya at dinaig pa neto ang laki ng normal na bahay. Di na ata condo 'to eh. Bahay na.

Tinitigan niya muna ako ng masinsinan bago siya tumayo. Ang hilig niya talagang manitig. Nakakailang.

Pinatay niya muna yung tv bago siya nagtungo sa kinaroroonan ko.

"Let's go?." Sabay lahad niya ng palad niya sa harapan ko.

Dali dali ko nalamang itong hinawakan at pareho kaming lumabas patungong sasakyan niya.

Nang makasakay na kami ay siya na ang naglagay ng seatbelt saakin. Kung nakakamatay lang ang kilig, siguro kanina pa kong tigok dito.

Pinaandar na niya na ang sasakyan at bumyahe kami ng ligtas.

Nakarating kami sa bahay nila Lisa na sarado pa ang gate. I forgot, 4:23 am palang ng madaling araw ngayon kaya medyo madilim pa ang paligid. Maaga kaming nagising dahil baka mag-alala na ang mga naghahanap saakin kapag tinanghali pa ako ng uwi.

Inihinto niya ito sa harap ng gate nila Lisa at nauna siyang bumaba ng sasakyan sabay umikot siya papunta sa front door na nasa gilid ko at pinagbuksan niya ako.

Nginitian ko nalang siya atsaka nagdiretso sa gate at agad na nag doorbell.

Maya maya lang ay may narinig kaming pagbukas ng pinto ng bahay kasunod ang yabag ng paa papuntang gate. Agad na nagbukas ito at iniluwa non si Lisa na halatang puyat na puyat pa.

Nginitian ko lang siya pero sinalubong niya agad ako ng yakap. Exaggerated kung baga.

"Bwisit ka. Pinag-alala mo kami Jennie." Sabay batok niya saakin. Ang cute niya nga lang tingnan.

"Ngayon, wala ng dapat ipag-alala saakin dahil nakauwi naman na ako ng ligtas." Paliwanag ko. Sinimangutan niya lamang ako atsaka itinuon ang pansin sa likuran ko.

Agad niyang binigyan ng matatalim na tingin si Taehyung kaya't napahimas batok nalamang ito. Si Lisa talaga.

"Hoy ikaw!. Siguraduhin mong wala kang ginawang masama sa kaibigan namin kung hindi, tatadtarin kita ng buhay!." Banta niya kay Taehyung na ngayon at nag-iba na ang ekspresyon na kanina lang masaya na ngayon ay balik to cold person na ulit.

"Lisa. Wala naman siyang ginawang masama eh. Tumigil ka nga."

"Kaya nga diba sinisigurado ko lang. Papatayin talaga kita kapag sinaktan mo 'tong nini ko, tandaan mo." Sabay pameywang niya. Nagmukha tuloy siyang lola sa itsura niya.

Force Love BK 1 || TAENNIE COMPLETED✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon