Unrealistic 14

230 9 4
                                    

"Evionna Plione Nimendez, kapag hindi ka pa bumangon d'yan hindi na kita pinsan,"


Hindi ko alam kung galit ba sa 'kin ang mundo, kung ano bang ginawa ko para maranasan 'to at hindi ko rin alam kung gaano karami ang kasalanang ginawa ko sa buong buhay ko. Hindi ko alam kung bakit walang araw na walang sumisigaw sa labas ng kwarto ko para maging alarm clock ko sa araw na 'yon.


Pilit kong pinikit ang mga mata ko dahil inaantok pa talaga ako. Gusto ko lang naman matulog na walang kumakatok sa pinto ko na para bang gusto na niyang sirain 'yon.


"Putangina, 30 minutes pa!" inis na sigaw ko kay Ariell nang kumatok-katok pa ulit siya. Nilock ko kasi ang pinto para hindi siya makapasok at mahila ako papuntang banyo para maligo. Tingin ko ay masamang ideya iyon dahil mas nakakabwisit ang pagkatok at pagsigaw niya mula sa labas ng kwarto ko.


"Anong 30 minutes?! Late na! Ang usapan natin 10am. 10:30 na, gago!" sigaw niya mula sa labas ng kwarto ko. "Iiwanan talaga kita kapag nainis ako!" sigaw pa rin niya.


Inis akong nagpapadyak sa kama ko. Nahulog na ang iba kong mga unan dahil pinagsisipa ko sa inis. Bakit ba hindi ako makatulog ng payapa?! Ganoon na ba karami ang kasalanan ko at pinagkakaitan ako ng sapat na tulog? Kahit isang araw lang, please!


"Saan ba tayo pupunta?! Sabado ngayon, walang pasok! Hibang ka ba?! Tigilan mo nga ako," inis na sigaw ko kay Ariell nang tumayo ako para buksan ang pinto. "Ano ba?! Gusto ko lang naman matulog," inis na sabi ko nang buksan ko ang pinto.


"Anong oras ka natulog? Mukha kang puyat, gago! Anong nangyari sa 'yo?" tanong niya sa 'kin bago walang paalam na pumasok sa kwarto ko.


"Bakit ka ba nandito? Pati kapag sabado, ginugulo mo 'ko!" inis pa rin na sabi ko. Alam kong magulo ang buhok ko at mukha akong ewan pero wala na akong pakialam. Sinarado ko ang pinto at humiga ulit sa kama ko.


"Huwag ka na matulog! Late na tayo," sabi naman sa 'kin ni Ariell habang niyuyugyog ako. Tinignan ko siya at bihis na bihis siya.


"Saan tayo pupunta?" inaantok na tanong ko sa kanya.


"Grocery. Sleepover natin mamaya, tanga! Magbihis ka na kasi paniguradong mainit na ang ulo nila Lizzie," sagot naman ni Ariell. Para namang tumigil ang mga braincells ko. After 5 minutes ay bumangon ako at dumeretso sa banyo.


"Bakit hindi mo sinabi sa 'kin agad?!" sigaw ko pa kay Ariell nang nasa banyo na ako.


"Anong hindi? Tangina ka ba?!" sagot naman niya sa 'kin. "Kanina pa nga kita kinakatok na bobo ka," inis na sabi pa niya.


"Huwag kang magmura! Bawal palamura rito. Susumbong kita," pananakot ko sa kanya pero inirapan niya lang ako.


"Dalian mo na riyan. Hinihintay na nila tayo," sabi naman niya kaya nagmadali na ako.


Nagsuot lang akong white boxy crop top, shorts at sandals dahil sa grocery lang naman ang punta namin. Minamadali pa ako ni Ariell habang nagboblow dry ako ng buhok.

#1: Unrealistic Voices of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon