Unrealistic 37

188 9 2
                                    

I shrunk into my seat and couldn't look at Jacen. Pakiramdam ko ay malaking kasalanan ang nagawa ko. Alam ko naman na medyo naging insensitive ako sa part na 'yon.


"Aside from not respecting people's privacy, what else can you do?" tanong pa niya habang diretsong nakatingin sa 'kin.


Nainis naman ako kaagad. Siguro nga ay naging insensitive ako pero hindi naman yata tama na iparamdam niya sa 'kin na para bang sobrang sama ko. Hindi ko lang naman napigilan ang sarili ko na magtanong.


"You know nothing." I said with a serious tone.


Nakita ko nalang ang sarili ko na nag-walk out matapos kong kunin ang bag ko. Kunot ang noo ko at halata ang inis sa mukha ko nang lumabas ako at sumakay ng elevator. Pagdating sa kotse ay saka ko lang na-realize na nakalimutan ko ang sinuot kong damit kanina at suot ko pa rin ang damit na pinahiram sa 'kin ni Jacen.


"Bwisit. Bakit ba parang sobrang sama ko naman sa paningin niya? Hindi ko alam kung may galit ba siya sa mga journalist o sa 'kin mismo." pakikipag-usap ko sa sarili ko. Gaano ba ka-espesyal si Tanya sa kanya na parang kaya niyang gawin lahat para lang protektahan siya?


I sighed and starts the engine of my car. Tumingin pa ako sa side mirror ng sasakyan ko at natanaw si Trina. Anong ginagawa niya rito? Napa-iling nalang ako at hindi na pinansin 'yun. Baka lang naman may trabaho siya. Masyadong masama ang araw ko para pagtuonan pa siya ng pansin.


Pagdating ko sa condo ay kaagad kong tinawagan si Kiel. Inilapag ko ang bag ko sa may sofa at umupo roon habang hinihintay si Kiel na sumagot sa tawag ko. Dalawang tawag pa ang ginawa ko dahil ayaw niyang sumagot.


"Oh, Epione, napatawag ka?" tanong niya kaagad nang sagutin niya ang tawag. "May kausap ako na kliyente kanina." sabi pa niya.


"Anong oras mamaya?" I asked. Nagtaka pa siya noong una pero na-realize niya rin kalaunan ang gusto kong sabihin.


"10pm. Bakit nagbago ang isip mo? Akala ko bang busy ka?" tanong naman niya sa 'kin.


"Sunduin mo ako, ah?" sagot ko lang at ibinaba na ang tawag.


Pagkatapos ay dumiretso na ako sa banyo para maligo ulit. Inilagay ko sa laundry basket ang damit na pinahiram sa 'kin ni Jacen at balak na labhan 'yun kinabukasan para mai-balik ko sa kanya kaagad.


Text nang text sa 'kin si Kiel habang nagbibihis ako. Mukhang naiinip na siya kakahintay. Nang makapili naman ako ng susuotin ay naglagay ako ng make-up at bumaba na. Baka maasar pa si Kiel dahil ang bagal kong mag-ayos.


Pagbaba ay nakita ko kaagad si Ariell na naka-all red at nakasimangot. Mukhang naaasar na dahil ang tagal bago ako bumaba. Umalis din naman kami kaagad dahil wala naman na kaming gagawin pa.


I was fascinated by the lights and loud music. Mula sa labas ay dinig na ang malakas na musika na nakakapagpabuhay ng pagkatao. Na para bang kapag pumunta ka sa dance floor ay hindi pwedeng hindi ka sasayaw. Mga masasayang mukha ang nakita ko nang makapasok kami.

#1: Unrealistic Voices of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon