Unrealistic 19

153 9 3
                                    

Days passed by like a blur. 2nd day na kaagad ng final exam namin ngayon at parang sasakit na ang ulo ko dahil sa hirap ng exam namin. Nag-review naman ako pero feeling ko ay babagsak pa rin ako. Naka-one seat apart kami at nang tinignan ko si Ariell ay nakahawak lang siya sa ulo niya, mukhang nahihirapan din. 'Yung iba rito ay hindi naman namin pinag-aralan, bakit nasa exam?!


Meron din namang mukhang hindi nahihirapan tulad ni Lizzie na chill lang sa pagsasagot. Siya nga rin ang unang natapos sa pagsasagot kaya naman mas kinabahan ako. Baka hindi ko matapos ang exam ko! Nanginginig pa ang kamay ko habang nagsasagot.


"Tangina. Tapos na ako," masayang bulong ni Ariell habang nakatitig sa test paper niya. Ngumisi lang siya sa 'kin nang makita niyang nakatitig ako sa kanya. Inirapan ko naman siya at tinapos na ang sinasagutan ko.


"Time's up! Stop writing. Put down your pens and pass your papers one by one," our teacher said with so much authority on her voice. Sakto namang natapos ako kaya nakahinga ako ng maluwag.


"Natapos ka?" tanong sa 'kin ni Ariell nang makabalik ako sa upuan ko pagkatapos kong magpasa.


"Hindi ko alam kung may nalampasan ako." sagot ko naman. "Ilang exam pa ang meron tayo ngayong araw?"


"Isa na lang tapos uwian na," sagot naman sa 'kin ni Lizzie.


"Anong subject?" tanong ko pa ulit sa kanya habang sinusuklayan ang buhok ko. Mukha na akong bruha!


"Nag-eexam ka tapos hindi mo alam kung anong subject na lang ang hindi natin nasasagutan? Lutang ka?" sagot naman sa 'kin ni Ariell.


"Bida-bida ka? Nagtatanong lang ako. Alam mo ba?" sagot ko rin naman sa kanya.


"Oo. Science, gago," sagot niya.


"Uh, actually, it's Mathematics." sabat ni Lizzie at nagkibit balikat pa sa amin. Nagkatinginan kami ni Ariell bago natawa.


"Tanga ka," natatawang sabi ko sa kanya.


"Tanga ka rin," ganti niya.


"Nand'yan na 'yung teacher natin. Tumahimik na kayo," pagbabawal sa amin ni Salem.


"Wala man lang 10 minutes break?!" reklamo ni Ariell.


Halos isang oras din kaming nag-exam sa math. Ang test namin ay 50 items at puro solving kaya sumakit ang ulo ko. Napamura pa nga si Ariell nang pagbigay sa amin ng test papers, e.

#1: Unrealistic Voices of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon