Unrealistic 17

207 9 3
                                    

"Tapos mo na ba 'yung kantang ginagawa mo?"


Kinusot ko ang mata ko habang nasa tenga ang cellphone ko. Nagising kasi ako sa tawag ni Jacen kani-kanina lang. Nakahiga pa ako sa kama ko at wala pa ring toothbrush.


"Hmm... I'm almost done. Are you still sleepy?" tanong naman niya bigla at sakto namang humikab ako.


"Huh? Medyo." sagot ko naman.


"Oh, sorry. You can sleep again," sabi naman niya. He was about to hung up when I stopped him.


"Hindi, okay lang! 9 am na rin naman," sagot ko. "Tatawagin na rin naman ako ni Kuya para mag-breakfast," sagot ko.


"Oh, okay." sabi naman niya.


Nag-usap pa kami ng ilang minuto bago ako nagpaalam sa kanya. Napagdesisyonan naman namin na magkita mamaya sa may park dahil ipaparinig daw niya sa 'kin 'yung kantang ginawa niya. Nag-toothbrush ako bago bumaba, suot pa rin ang pajamas ko.


"Good Morning, La!" bati ko kay Lola nang makita ko siya. Binati naman niya ako pabalik kaya naman tumabi ako sa kanya sa may sofa. Nakikinood lang ako nang may marinig akong mag-doorbell.


"May bisita ka ba ngayon, apo?" tanong niya sa akin.


"Wala naman po. Baka si Ariell lang," sagot ko naman at lumabas para tignan kung sino 'yon.


Nagulat ako nang makita sila Ate Prim na may dalang gitara kasama sila Kuya Rayshier at Kuya Alduein. Binuksan ko ang gate at bumati sa kanila.


"Ang aga niyo, ah." sabi ko naman sa kanila.


"Practice lang. Nasaan si Scout?" tanong naman ni Kuya Rayshier sa akin.


"Nasa kwarto yata, Kuya. Puntahan niyo nalang," sagot ko naman.


Sinarado ko ang gate dahil paniguradong mamaya pa naman pupunta sa amin si Ariell. Baka tulog pa nga 'yun, e.


"Bagong gising ka yata, Epione?" natatawang tanong sa 'kin ni Ate Prim nang makabalik ako sa living room.


"Parang ganoon na nga, Ate. Pinuntahan niyo na ba si Kuya?" tanong ko naman sa kanila.


"Oo. Maliligo lang daw muna," sagot naman niya.


"Feeling naman no'n! Hindi nga 'yan naliligo minsan," sabi ko naman kaya natawa sila sa 'kin. "Kilala niyo ba 'yung crush ni Kuya?" tanong ko pa.


"May crush si Scout?!" gulat na tanong ni Kuya Rayshier at Kuya Alduein.


"Ewan. Feeling ko lang," sagot ko bago naupo sa may sofa. Sa tabi ni Lola, yumakap pa ako sa kanya na parang bata habang kausap sila Ate Prim.


#1: Unrealistic Voices of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon