Unrealistic 15

228 11 7
                                    

"Epione, babatukan talaga kita kapag hindi ka nakinig,"


Napakurap ako nang pumalakpak si Ariell sa harap ng mukha ko. Gulat ko siyang tinignan habang nagtataka. Kunot noo niya akong tinignan at napa-iling pa. Pinaningkitan pa niya ako nang mata. Mukhang alam ko ang mukhang ganyan!


"Ha? Ano? Bakit? May kailangan ka?" wala sa sariling sunod-sunod na tanong ko sa kanya.


"Anong nangyari sa 'yo? Parang kahapon ka pa ganyan, ah." tanong naman niya sa 'kin habang nagtataka. Para bang inaalam na niya kung anong meron.


"Wala. Ano ulit sinasabi mo?" tanong ko naman sa kanya.


"Ang sabi ko... puntahan mo si Jacen mamayang lunch. Kailangan na kasi nating i-finalize 'yung answers," sabi naman niya sa 'kin.


"Pwedeng iba nalang?" tanong ko naman.


"Hindi na. Si Jacen nalang," sagot naman niya. "Sigurado namang may makukuha tayong matinong sagot sa kanya. Matalino 'yun, e! Puntahan mo, ah! Utos 'yan ni Lizzie. Kapag hindi ka sumunod, tatanggalin ka raw niya sa lista,"


"Parang 'di kaibigan!" nakangusong sabi ko pero tinawanan niya lang ako.


"Puntahan mo si Jacen, ah!" sabi niya pa bago ako iniwan at nakipag-asaran kay Kiel.


Si Jacen na naman? Naiinis nga ako roon, e. Napabuntong hininga naman ako habang inaalala ang usapan namin kahapon sa music room.


"Do you like me?" tanong ko nang hindi siya sumagot sa tanong ko.


"Uhm... sorry. I need to go," sagot niya bago nagmamadaling umalis.


Ano 'yun?! Rude! Aalis nalang siya bigla tapos iiwan ako roon sa music room? Tapos ngayon ay kailangan ko pa siyang puntahan para makuhanan siya ng sagot.


"Kung hindi ko lang talaga kaibigan sila Lizzie." bulong ko sa sarili ko bago sumandal sa upuan ko at nakatitig lang sa ceiling ng classroom namin.


"Miss Beret, ngiti ka nga." narinig kong pang-aasar ni Kirk kay Khaisia. Pumikit nalang ako at hindi na sila pinansin.


Nang marindi sa ako sa ingay ng mga kaklase ko ay kinuha ko ang earphone ko at cellphone. Vacant kasi namin kaya naman maingay na naman ang lahat.


La La Lost You (Acoustic Version) by Niki


'Yan ang pinili kong kanta dahil gusto ko ang boses ni Niki, ang kumanta. Isa rin kasi siya sa mga paborito kong singer at song writer.


While I'm on Sunset, are you on the subway?
While I drive, are you gettin' on the L-train?
I mean, Manhattan's nice, but so are Malibu nights
You would know if you stayed, you would know if you put up a fight
Your toes turn blue in winter, I'm gettin' red, rum
Does the trick for all of the things left unsaid, I'm
Missin' our drunken 2 A.M. strolls in K-Town
Now you're chasing fake highs in the Upper West Side

#1: Unrealistic Voices of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon