Unrealistic 06

279 14 1
                                    

"Khaisia, huwag ka ngang masungit d'yan. Halika dito,"


Sabi ko kay Khaisia nang sinabi kong yayakapin ko siya dahil kailangan niya 'yon. Tumayo naman siya at lumayo sa 'kin bago ako tinignan ng masama. Halatang ayaw magpayakap kaya naman tinawanan ko siya.


"Hoy! Ano pang ginagawa niyo rito? Umuwi na kayo!" sabi sa amin ng guard nang makita niya kami sa stock room. Tumango naman kami at kaagad na lumabas.


"Sungit naman no'n!" naka-kunot ang noong reklamo ni Ariell habang pinapanood na umalis 'yung guard.


Kaibigan ko na rin si Jeshua. Tinanong ko siya at nagkibit balikat lang sila. Hindi naman siya umiling kaya kaibigan ko na siya! Tahimik lang kami nang palabas kami ng school.


"Why are you acting like you're all so good? Don't you bad mouth me when i'm not around?" masungit na tanong ni Khaisia sa amin.


"Hindi, ah! Totoo namang attitude ka," chill na sagot naman ni Ariell. "Parang si Jeshua," dagdag pa ni Ariell habang kalmado pa rin ang boses.


Tumingin naman ako kay Jeshua at nakataas na rin ang kilay niya. Mukha ngang attitude siya!


"Pero... hindi pa naman ganoon kasama ang ugali namin. Siguro kung sinaktan mo kami baka hindi ka lang namin siraan," sagot ni Ariell bago ngumiti. "Joke lang." bawi pa niya kaagad at tumawa.


"Tara, bili tayong ice cream." pag-aaya ko sa kanila nang makalabas kami ng school. "Walang tusok-tusok ngayon kaya mag-ice cream nalang tayo," sabi ko pa nang tumigil kami sa paglalakad.


"Ilibre niyo ako," sabi naman ni Khaisia at kinuha pa ang eyeliner at salamin niya sa bag para mag-ayos. Inayos niya rin ang suot na beret bagp nakapamaywang na tumingin sa amin.


"Tara!" aya ko pa at sumunod naman sila sa 'kin. "Bakit ka nga pala umiiyak kanina?" hindi ko mapigilang magtanong.


"Why are you so nosy?" seryosong tanong niya sa 'kin at umirap pa.


"Sorry," sabi ko naman. Tama nga naman! Wala naman yata akong karapatan para magtanong dahil ngayong araw palang kami magkaibigan.


"Okay na 'yung nakita niyo akong umiyak." sabi pa ni Khaisia at tumango naman kami.


"Are you two bestfriends?" tanong naman sa kanila ni Salem. Nagtinginan pa silang dalawa at nag-irapan bago sumagot ng sabay.


"Unfortunately, we are." sabay na sagot nila at tinawanan pa ang isa't-isa. Napailing naman ako. They have the same attitude.


"Weird naman." bulong ni Salem na narinig naman namin.


"Uuwi na ba kayo?" tanong ni Ariell sa kanila.


"Oo. Gabi na rin, e." sagot sa kaniya ni Lizzie.

#1: Unrealistic Voices of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon