Unrealistic 30

205 10 0
                                    

"Kapagod naman! Hangga ngayon ay demanding pa rin 'yang masungit nating Editor-in-Chief. Ano pa bang gusto niya, 'di ba?"


'Yan ang dinig kong reklamo ng mga katrabaho ko habang nag-aayos ng gamit dahil uuwi na ako. Tapos na rin naman ang trabaho ko ngayong araw at makikipagkita na ako kay Ariell. Kanina pa pala siya nagmemessage sa 'kin dahil late na ako sa dinner naming dalawa. Minsan na nga lang kami magkita at magkasama dahil pareho na kaming busy sa trabaho at sa mga buhay namin.


"Uuwi ka na, Epione?" tanong sa 'kin ni Polly, isa sa mga katulad kong journalist na naging kaibigan ko na rin. Siya ang unang kumausap sa 'kin noon at maganda siyang kasama kaya naman naging magkaibigan kami.


"May pupuntahan pa ako, Polly. Mauna na ako," nakangiting sagot ko sa kanya. "Late na ako, e." dagdag ko pa.


"Ingat ka sa mga fans!" pagbibiro niya kaya naman napa-iling ako habang natatawa.


"Sanay na ako. Akala lang nila," sagot ko naman.


Bilang isang journalist na nag-iinterview sa mga celebrity, madalas akong awayin ng mga fans dahil masyado ko raw pinapakialaman ang private life ng mga idol nila. Many fans can't understand that I'm just doing my job and I'm doing my best to limit myself because I want to respect their privacy, but our Editor-in-Chief just also can't understand that.


Our Editor-in-Chief just keep asking for more and more information that we can use, every single additional detail about that person. He believes that our job is to keep the people... the fans entertained. That our job is to serve them some hot tea that will make them insane.


Pero naniniwala naman akong mapapanatili naming entertained ang mga fans nang hindi kami masyadong nakikialam sa private life ng taong 'yon. Syempre, ubos naman lagi ang energy ko sa mga fans na 'yan dahil do'n! Feeling ko nga ay celebrity na rin ako dahil hinahabol ako ng mga fans, ang kinaibahan nga lang ay inaaway ako. Nasanay na lang din siguro ako dahil kaagad ko na silang natatakasan ngayon.


Nakahinga ako nang maluwag nang makasakay ako sa kotse ko nang walang umaatake sa 'kin. Lalo na't bago lang 'tong sasakyan ko na nabili ko matapos ang pag-iipon sa matagal na panahon. Inuna ko rin kasing bumili ng lupa para sa dream house ko. Hindi ko rin naman hahayaan na magasgasan o masira kaagad 'tong baby ko. This is my first car that came from my hardwork. Ilang beses din akong tumanggi sa parents ko nang mag-offer sila na bibigyan ako ng kotse dahil gusto kong galing lahat sa pinaghirapan ko ang mga bagay na meron ako.


Nasa gitna ako nang mahaba at mabigat na traffic nang may tumawag sa 'kin. Nakita kong si Ariell 'yon na naka-save sa contacts ko bilang Ms. CEO. Siya ang nagpalit ng name niya sa phone ko dahil masyadong siyang proud sa sarili niya. Proud din naman ako sa narating niya kaya naman hinayaan ko nalang. As if naman ay may magagawa ako sa kulit ni Ariell.


"Hello, Miss CEO." sagot ko sa tawag habang nakatingin pa rin sa daan. I heard her giggled so I rolled my eyes.


"Naiinis na ako rito dahil ang tagal mo pero dahil 'yan ang tinawag mo sa 'kin, hindi na. Nasaan ka na ba, Miss Journalist? Ang tagal mo naman," dinig kong sabi niya mula sa kabilang linya. Halata sa boses niya na naiinip na siya kakahintay.

#1: Unrealistic Voices of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon