Unrealistic 09

242 14 4
                                    

"Last day na kaagad. Ang bilis naman,"


Mula kanina ay 'yan ang bukang bibig ng dismayadong si Ariell. Last day na kasi ng festival at ibig sabihin ay malapit na ang exam namin. Paniguradong sandamakmak na naman ang pointers to review at ang mga activities na gagawin.


"Excited na 'ko mapanood sila Jacen." kinikilig na sabi ko sa kanya at malawak pa ang ngiti.


Ngayon kasi ang contest ng mga banda rito sa school. Battle of the Bands. Sila Kuya Scout ay hindi sumali dahil nga maraming ginagawa ang mga Student Council, hindi sila makakapag-practice.


Sa may quadrangle ang contest mamaya. Nagrereklamo pa nga si Kiel sa 'kin dahil daw nakakapagod ang mag-organize. Dito nalang daw sa labas dahil may fireworks daw mamayang i-aannounce ang winner. Kasabay kasi ng pagtugtog ng bandang panalo ang mga fireworks. Ayun ang sabi sa akin ni Kiel noong nagkita kami.


"Hoy! Hindi mo pa sinasabi sa 'kin kung sino 'yung kasama mo noong isang araw," pangungulit sa 'kin ni Ariell.


"Wala nga 'yun. Ang chismosa mo naman, Ariell." sagot ko sa kanya kaya naman napatanga siya at hindi makapaniwalang nakatitig sa 'kin.


"Grabe ka naman, Epione! Parang hindi mo naman ako pinsan!" she dramatically said then hugged Salem. Nagsusumbong pa siya na parang bata.


"Ang OA mo naman d'yan, Ariell." pang-aasar ko sa kanya.


Inirapan niya lang ako kaya naman natawa ako. Tuwing makikita niya akong nakatingin sa kanya ay iirapan niya ako at kunwaring nakikipag-usap kay Salem na tumatawa lang sa kanya. Parang tanga!


"Gusto niyo bang mag-horror booth? Last day na. Try natin," pag-aaya ni Ariell maya-maya. "Dali na. Matapang kayo, 'di ba?"


"Game!" masayang sabi ni Salem.


"Ayoko nga." sagot naman ni Khaisia habang naka-krus ang kamay sa harap ng dibdib niya.


"Attitude naman nito." pagbibiro ni Ariell.


"Huwag ka ngang killjoy d'yan, Khaisia." sagot naman sa kanya ni Jeshua. "Can you at least let yourself to be happy?" makahulugang sabi sa kanya ni Jeshua kaya naman natigilan siya at umiwas ng tingin.


Kaagad naman siyang nakabawi sa pagkabigla at tumayo sa kinauupuan niya para sumama sa amin. Wala rin naman siyang magagawa dahil pipilitin siya ni Ariell hanggang sa sumama siya para i-try ang horror booth.


"May camera d'yan sa loob. Bali mapipicturan ang mga mukha niyo habang nasa loob kayo," wala sa sariling sabi ko sa kanila nang bumibili ng ticket si Ariell para sa aming lahat.


"Ha? Paano mo nalaman?" takang tanong ni Lizzie habang nakakunot pa ang noo.


"Nag-horror booth ka na, 'no!? Sinong kasama mo!? Hindi ka na talaga nagkukwento sa 'kin! Pinansin ka lang ni Jacen," kunwaring nagtatampong sabi ni Ariell sa 'kin.

#1: Unrealistic Voices of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon