Unrealistic 39

188 8 2
                                    

"Hey, Epione. What are you doing here?"


Napatingin ako sa gilid ko nang marinig ang boses ni Jacen. Nandito kasi ako sa may labas para magpahangin pero biglang umulan. Hindi nila ako napansing umalis kanina dahil busy silang lahat doon sa batang lalaki. I decided to stay here and watch the rain. Inabutan ako ni Jacen ng kape kaya nagtaas ako ng kilay.


"Walang lason 'yan." he said. Hindi ko naman tinanong!


"Wala naman akong sinabi na may lason 'to." sagot ko naman pero nagkibit balikat lang siya.


"What are you doing here?" he asked, again.


"Bakit? Gusto ko lang." sagot ko naman. "Ikaw... anong ginagawa mo rito?" balik na tanong ko. Baka hinahanap ka na no'ng anak mo.


"Kailangan ko ba ng rason para magpunta rito?" balik na tanong naman niya.


"Tsk! Then I don't need a reason to be here, too." masungit na sagot ko naman.


He chuckled so I looked at him. He stoped laughing when he saw me looking. He looked away and sip on his coffee. Napunta naman ang tingin ko sa kape na hawak ko bago 'yon ininom.


"Bakit hindi mo panoorin mag-rehears si Tanya? Bakit ka pa nandito?" tanong ko naman ulit sa kanya.


"You're here." he answered.


"Oh, ano ngayon?" masungit na tanong ko.


"You don't want me here?" he softly asked. Nailang pa ako sa mga tingin niya kaya umiwas ako ng tingin.


Pa-fall naman 'to! Move on na ako, okay? Hindi na ako marupok. Kung akala niyang marupok pa rin ako tulad dati, nagkakamali siya. I'm not the young Epione he knows. I know better, hindi na niya ako madadaan sa mga ganyan. Atsaka, may anak siya, 'di ba? I'm sure I heard that Harry calling him Daddy.


Kailangan ko pang makipag-away sa sarili ko para hindi tanungin si Jacen. Tingin ko naman ay hindi na rin kailangan dahil narinig mismo ng dalawang tenga ko. Ang tanong ko lang din ay bakit niya ako hinalikan pabalik no'ng gabing 'yon? May plano ba siyang saktan din ako dahil ako ang bumitaw noon? Ang mature naman niya kung gano'n.


"Babalik na ako sa loob." sagot ko sa kanya at tinalikuran siya.


Pagbalik ko sa loob ay nag-uusap pa rin sila. Pinapalibutan nila 'yung Harry at nilalaro. Tanya also looks happy. Mas lalo tuloy dumadami ang mga tanong sa isip ko. Anak ba ni Tanya at Jacen si Harry? May relasyon sila? Kaya ba pilit na pinoprotektahan ni Jacen si Tanya? Damn. Naiinis ako sa sarili ko dahil sobrang affected ko. Dapat ay wala akong pakialam sa mga 'to, pero journalist ako. Siguro ay normal lang naman 'to. Tama!


"Let's continue the rehearsal, everyone." biglang sabi ni Jacen na nasa likod ko lang pala.


Lumapit si Jacen sa kanila at kinausap si 'yung batang nagngangalang Harry habang nakangiti. Tanya laughed and I don't know why. Hindi ko naman naririnig ang pinag-uusapan nila. While staring at the three of them, I realized that they look like a happy family. I hate myself for feeling something I shouldn't feel.

#1: Unrealistic Voices of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon