1. Muntinlupa: The Spider's Web

23 4 8
                                    

To one of my fellow Project Foreword finalist. Sana mabasa mo rin ito 'pag may free time ka. 



5 AV



ANG marahang pagtapik ng mga daliri sa mesa ang pumuno sa tahimik at madilim na silid na yun.

Sumaliw sa may ritmikong pagtapik ang pag-ingit ng swivel chair. Luma na ito at sa konting kilos ng nakaupo dito ay lumilikha ito ng mumunting ingay.

Malapit nang magpaalam ang dilaw na bombilya sa silid. Ngunit hindi yun alintana ng lalaking nakaupo sa swivel chair. Kanina pa ito tulala at tila kay lalim ng iniisip.

Malaking tao ang lalaki. Ito yung tipong madalas mapagkamalang ex-con dahil tadtad ng tattoo sa katawan. Ngunit mas kapansin-pansin ang maliit nitong tattoo sa likod ng kamay dahil parang amateur ang may gawa. Dalawang letra ang nakaukit doon, RP.

Pinunit ng kalaskas ng tranceiver ang tahimik na musika sa kuwarto.

"Hello? Naririnig n'yo ba ako? Over?"

Kababakasan ng takot at bahagyang paghingal ang tinig sa kabilang linya.

"Kailangan namin ng tulong." Naging pabulong ang paraan ng pagsasalita ng tumatawag. "Na-trap kami sa... Ospital ng Muntinlupa. May... kasama kaming bata. S-si Henry. Tulungan n'yo kami." Tuluyan na itong napahagulhol.

Tumigil ang nakikinig sa pagtapik ng kanyang mga daliri sa mesa. Kumurap ito at kapagkuwan ay dahan-dahang gumalaw ang kamay para abutin ang natahimik na tranceiver. Tutulong ka? Sumaliw sa hangin ang bulong ng praktikal na panig ng kanyang utak. Anong mapapala mo sa pagkakawanggawa?

Nabitin sa ere ang kamay ng lalaki habang patuloy ang pagpaling ceiling fan sa kisame. Ilang sandali ang lumipas, muling namutawi ang boses mula sa tumatawag sa tranceiver. Ngunit hindi na iyak ang maririnig mula sa kabilang linya kundi mga sigaw. At pagkatapos, naputol ang koneksiyon at muling namayani sa silid ang tunog ng marahang pagtapik ng daliri sa mesa.

***

KUMALAT ang isang epidemya taong 2014 ng Abril. Isang uri ng misteryosong sakit ang gumimbal sa mundo. Isa itong sakit na pinupuntirya ang nervous system. Parang rabies, sinisira nito ang utak at ang kakayahan ng biktimang makapag-isip dahilan para maging bayolente ito. Ngunit bukod sa pag-iiba ng behavior ng carrier, may nakita pang ibang simtomas ang mga eksperto sa bagong tuklas na sakit. Kakaiba iyon sa mga simtomas ng naging biktima ng rabies. Ikinabigla ng mga eksperto ang kanilang natuklasan o mas tamang sabihin na ito ay kanilang ikinagimbal. Kumakain ng laman ng tao ang mga carrier.

Pagkatapos ng isang linggo ng pagkakatuklas ng sakit, nagdeklara ang bawat bansa sa mundo ng state of emergency. Mahigpit na pinag-utos sa mga tao na 'wag lalabas ng bahay hangga't 'di nakokontrol ang mabilis na pagkalat ng epidemya. Ngunit nagmatigas ang mga tao. Humingi sila ng paliwanag mula sa gobyerno dahil nais nilang malaman ang katotohanan. Nang hindi ito naibigay sa kanila, sumuway sila sa utos ng gobyerno.

Mas lalong naging malala ang sitwasyon at ang ginawang pagsuway ng marami ay nagdulot ng isa pang catastrophe. Hindi na kinaya ng awtoridad at hindi na sapat na i-quarantine lang ang mga carrier. Ngunit hindi kinaya ng puwersa ng militar ang kakaibang lakas ng mga biktima. Walang nangyari sa kampanya na puksain ang epidemya, bagkus ay itinuring itong isa sa pinakamalaking fiasco sa kasaysayan.

Tinawag na nightcrawler ang mga carrier ng virus, halaw sa isang fictional character dahil sa kanilang agility, bilis ng mga kamay at mga paa, at dahil lumalabas lang sila sa t'wing gabi. Mabilis maghilom ang mga sugat ng nightcrawler (NC) at matagal silang mamatay. Natuklasan na ang nangyayaring abnormalidad sa katawan ng mga ito ay dulot ng isang red blood cells na kumakain ng kapwa nito red blood cells. Tinawag ang selulang ito na RBC14. Ang RBC ay abbreviation ng red blood cell at ang 14 ay kumakatawan sa taon kung kailan ito natuklasan. Walang kakayahang mag-produce ng melanin ang nightcrawlers kaya hindi nila kayang tumagal sa sikat ng araw. Maliit na rin ang kanilang iris, hindi na nito kayang salain ang UV rays.

When Night FallsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon