ALA-UNA na ng hapon ngunit wala pa ring sign ng fireworks mula sa grupo nina Earl. Nakaramdam ng pag-aalala si Selena. Pasado alas-diyes ng umaga nang maghiwalay ang grupo nila.
Sumulyap si Selena sa dalawa niya pang kasama. Pare-parehas na sila tagaktak ang pawis bagama't 'di naman mainit ang panahon.
Hindi pa sila nangangalahati sa pag-alis ng barikada. At sa likod barikadang bakal ay may pader pa pala.
Napatingin si Selena sa kanyang armoured van. Kahit anong mangyari ay hindi niya maaaring iwan yun.
"Let's take a rest first," aniya. Nag-squat siya sa aspaltong sahig at saglit na nagmuni-muni. "Pagkatapos nating magpahinga, let's find the others," wika niya ulit.
Nakaramdam siya ng pag-aalala. Sumagi sa isip niya na baka may ibang kalaban sa lugar na yun. Na-frustrate siya sa sarili 'di niya agad yun naisip.
"Kapatid mo ba siya?" tanong ni Selena kay Alvin na naupo ring katabi niya. Ang tinutukoy niya ay si Leo na abala sa paghihilamos ng mineral water sa mukha nito.
Napansin ni Selena ang pagiging overprotective dito ni Alvin.
"Hindi," maikling sagot ng binata.
Hindi na nag-usisa pa si Selena. Samantalang napasulyap naman si Alvin sa pinsan. Malaki na rin ang ipinagbago ni Leo. Malayo na ito sa pagiging spoiled brat na bata five years ago.
Galing sa angkan ng mga hasyendero ang angkan ni Leo, ang mga Escudero.
Anak sa labas si Alvin. Nabuntis ng papa niya ang kanyang ina na isang prosti.
Nung ten years old si Alvin, kinuha siya ng papa niya dahil wala itong anak na lalaki. Ngunit hindi anak ang turing nito sa kanya at hindi rin parte ng pamilya ang tingin sa kanya ng madrasta at ng mga kapatid niya sa ama.
Si Leo, lalung-lalo na ang ina nito ang tumuring sa kanya na 'di iba sa pamilya. Hindi kapares ng ama niya na ang tingin sa kanya ay kasangkapan lamang para matupad ang pangarap nito, dahil matalik siyang kaibigan ni Earl, ang anak ng boss nito.
Nung unang araw ng paglaganap ng virus, tumawag sa kanya ang Tita Eula niya na umiiyak at humihingi ng tulong. Nasa bangko ito, dinig niya sa background ang sigawan ng mga tao. Agad siyang nagtungo sa bangko gamit ang kanyang motorsiklo. Pero huli na ang lahat.
Buong akala niya, pati si Leo ay nakasama rin sa mga namatay. Pero natagpuan niya ito kinabukasan. Nagawa nitong ma-survive ang unang gabi ng virus outbreak nang nag-iisa. He felt guilty dahil hindi niya agad napuntahan ang mga ito. Siguro kung mas naging mabilis lang siya pag-drive o kung sinagot niya lang sana agad ang cp, siguro pati ang tiyahin niya at si Feliz ay naligtas niya.
He always felt guilty dahil dun. 'Di niya nasuklian ang pagmamahal at pagmamalasakit sa kanya ng tiyahin nung nabubuhay pa ito. Kaya bumabawi siya pagprotekta at pangangalaga sa anak nito.
Ang pagkasa ng baril ang gumising kay Alvin sa pagbabalik-tanaw. Naging alerto si Alvin.
Tumingin siya kay Selena. Nakahanda na ang rifle nito at naghahanap ang mga mata nito. Napansin na ni Alvin na mas malakas ang pakiramdam ni Selena kumpara sa mga ordinaryong taong tulad nila.
Nagtataka man siya sa taglay nitong kakaibang lakas at talas ng pakiramdam, hindi na importante sa kanya na malaman ang lihim sa likod ng kakaibang lakas ng babae. Ang importante, kakampi nila ito.
Mula sa kung saan, isa-isang nagsuplputan ang mga armadong kalalakihan at kababaehan.
Outnumbered sila.

BINABASA MO ANG
When Night Falls
Science FictionLimang taon ang nakalipas buhat nang kumalat ang virus, halos maubos na ang sangkatauhan dahil sa mga nightcrawlers, isang uri ng mga nilalang na kumakain ng tao.