MATIBAY ang pagkakagawa ng pader.
Nahirapan silang tibagin yun sa simpleng pagmaso.
"Kanina pa nagdudugo ang sugat mo," pansin ni Leo sa braso niyang nadaplisan ng bala kanina.
Hindi kumibo si Selena. Sa ganitong taglamig, 'di rin ganun kabilis maghilom ang sugat niya.
Lumingon siya sa likod nang dumami ang sigawan. Naabot na ng mga aberrant ang taga-Makati. Si Keil naman ay patuloy sa pagpaslang sa anumang makita nitong kumikilos.
Marami na ang namamatay.
"We need to hurry up!" sigaw niya nang mamataan ang horde ng mga aberrant nightcrawlers papunta sa kanila.
Bumagsak ang isang nightcrawler nang halos isang dipa na lang ito sa kanila. Binaril ito ni Jairus.
Naalimpungatan si Henry dahil sa ingay.
Muling bumilis ang pintig ng pulso ni Selena. Sa sitwasyong yun, she's helpless. Paano sila makakaligtas?
She was actually thinking na katapusan na nila nang biglang may truck na bumangga sa pader.
Nawasak ang isang bahagi ng pader.
Mula sa loob ng nayuping truck ay lumabas ang isang lalaki. "Let's go. Kailangan nating makatawid bago sumabog ang truck," sabi nito. Sumunod dito ang dalawa pa nitong kasama.
Nagmadali sila. Karga-karga niya pa rin si Henry. _______ sila ni Jairus papalabas hanggang sa pinagkumpulan na ito at kinain ng mga aberrant.
Nagpaputok pa si Alvin para tulungan si Jairus. Pero pinigilan na ito ni Earl. Wala na silang magagawa para iligtas si Jairus.
They were running for their life. Pero napakaraming nakaharang sa sasakyan kahit sa kabilang bahagi ng pader.
Para silang nakikipagpatintero sa mga nakaharang na sasakyan, habang hinahabol sila ng mga nightcrawler. Sumabog ang truck. Sakto ring tumila na ang ulan.
Hindi na ganun kalamig. Unti-unti ay naramdaman ni Selena ang pagbabalik ng lakas niya.
Ibig sabihin nun, bibilis na din ang mga nightcrawler. At hindi nga siya nagkamali ng sapantaha.
Sa likod niya ay parami nang padami ang sumisigaw dahil naabot na ito ng mga halimaw.
Kumakalabog ang likod at hood ng mga sasakyan dahil sa pagpatalon-talon ng mga halimaw dito. Kamuntik nang abutin ng kuko ng nightcrawler si Selena kung hindi lang siya nakaiwas agad.
Nang tumalon ang nigthcrawler patungon sa kanya, isang suntok ang pinakawalan niya at tumalsik ito.
Nagpatuloy siya sa pagtakbo.
Nilingon niya ang mga kasama para matigilan nang makitang nasukol na ng mga halimaw si Earl.
Titigil sana si Alvin para tulungan ang kaibigan.
"Don't stop," pigil ni Earl. Naglabas ito ng bomba. Bago pa ito tuluyang pagpiyestahan ng mga halimaw, sumabog na ito kasabay ng ibang mga NCs.
Sumigaw si Alvin. Kahit si Selena ay nakaramdam na tila may nawalang importante sa kanya, kapares ng naramdaman niya nang makita niyang nilapa ng mga halimaw si Jairus.
Pero muling natauhan si Alvin nang makitang marami pang nakasunod na mga halimaw. Inakay niya na si Leo. Pagkatapos ay nagpahuli siya para paputukan ang mga halimaw.
Ngunit napakarami ng mga halimaw. Tila hindi ito nauubos.
Inabot si Alvin ng isa sa mga halimaw. Naputulan ito ng kamay.
BINABASA MO ANG
When Night Falls
Ficção CientíficaLimang taon ang nakalipas buhat nang kumalat ang virus, halos maubos na ang sangkatauhan dahil sa mga nightcrawlers, isang uri ng mga nilalang na kumakain ng tao.
