Hi Dan! Para sa'yo 'to. Sana mabasa mo rin 'pag may free time ka. Looking forward sa critique mo.
Thanks. Diyan mo na lang ilagay sa comment sa baba, para 'di lang ako ang matuto, pati na ang ibang readers ko kung meron.
8:55 pm
SINENYASAN ni Kristina si Henry na 'wag itong gagawa ng kahit anong ingay. Nakaantabay ang mag-ina sa kumakalabog na saradong pinto. Nanginginig ang frame ng kama na ipinandagdag-harang nila sa may pintuan at maging ang anaesthesia apparatus na nakapatong dito para pandagdag-bigat ay niyayanig din. Ilang minuto pa at siguradong bibigay na ang pinto sa kababayo ng mga nightcrawler mula sa labas.
Humigpit ang yakap ni Henry sa ina nang marinig ang mga ungol, atungal, at pagwawala ng mga halimaw. Ang mag-ina ay alipin ng takot nang mga oras na yun. Latag pa rin ang dilim at tila napakatagal ng umaga.
Diyos ko, mamamatay na ba kami? Humigpit ang yakap ni Kristina kay Henry. Nagsimulang humagulhol ang anak. Hindi niya na rin napigil ang mapaluha. Marami nang nawala sa kanila. Ang dating buhay nila. Si Max at ang kapatid nitong si Nico.
Napaigtad ang dalawa nang lumagapak ang anaesthesia apparatus sa sahig. Sira-sira ito. Umatras sina Kristina at Henry.
Mukhang wala nang darating na tulong. Namait ang panlasa ni Kristina. Dalawa lang ang ibig sabihin nun. Maaaring patay na ang humanidad kaya wala nang simpatiya ang iba sa kapwa, o 'di kaya sila na lang ni Henry ang natitirang tao sa Pilipinas.
Kung sarili niya lang ang iisipin, mas gugustuhin pa ni Kristina ang mamatay na lang kaysa patuloy na tumakbo at magtago. Ngunit may anak siya at hindi kakayanin ng kahit sinong ina ang makitang lapain ng kung anong halimaw ang kanyang anak. Kaya hanggang humihinga pa siya, patuloy siyang tatakbo at magtatago, mabuhay lang si Henry.
Ngunit katulad ng nauupos na kandila, unti-unti na ring pinanghihinaan ng loob si Kristina. Nilulusaw na ng takot ang pag-asa niya lalo na nang mga sandaling iyon.
***
TWO days ago...
"Mukhang safe naman tayo dito." Si Max. Abala ito sa pagbaba ng mga gamit nila mula sa truck. "Suwerte at may generator dito sa ospital. Gumagana pa naman. Nakahanap din kami ni Nico ng gas sapat para mapailawan ang ospital sa loob ng ilang araw."
Umaga. Nakaparada sa harap ng Ospital ng Muntinlupa ang kanilang truck.
Balbas-sarado si Max ngunit maamong tingnan ang mukha nito. Kupasing maong na pantalon at puting t-shirt ang suot-suot ng lalaki. Sa edad na kuwarenta 'y tres ay matikas pa rin itong tingnan.
"Kumusta ang lagay ni Henry?" tanong ni Max sa asawa. Saglit itong tumigil at nag-aalalang tumingin kay Kristina. Nangangalumata na ang kanyang kabiyak. Nung isang araw pa itong walang maayos na tulog.
"Mabuti-buti na. Nag-conduct na ako ng ilang tests para malaman kung magkakaro'n ba ng ibang komplikasyon ang operasyon ni Henry. Sana wala." Bagsak ang mga balikat ni Kristina. Balisa na naman ito. "Max, gaano ba ka-safe ang ospital na ito? Papaano ang mga halimaw?"
"'Wag kang mag-alala. Nakakulong sila sa madidilim na silid at sulok ng ospital. Ligtas tayo dito. Basta, ako nang bahala, Tina. Hindi ko kayo pababayan ng anak natin."
"Sorry, Max, inaway at sinigawan kita kahapon."
"Kalimutan mo na 'yon. Ako ang dapat na humingi ng tawad dahil muntik na akong sumuko." Niyakap ni Max si Kristina.
"Natatakot ako para sa anak natin, Max. Napakabata niya pa para mamatay. At hindi niya deserve ang ganitong klaseng buhay na punong-puno ng takot."
BINABASA MO ANG
When Night Falls
Khoa học viễn tưởngLimang taon ang nakalipas buhat nang kumalat ang virus, halos maubos na ang sangkatauhan dahil sa mga nightcrawlers, isang uri ng mga nilalang na kumakain ng tao.