BEEP!
Busina ng sasakyan ang gumising kay Leo. Nung una'y malabo ang pagrehistro sa kanyang utak ng paligid. Ngunit kumunot ang noo niya nang makita ang ina at ang kakambal na si Feliz sa unahan. Nasa loob sila ng kotse.
Sumulyap sa kanya ang ina. "Are you okay? Namumutla ka, anak."
"Maybe, he's having nigthmares. Malalaman na ni Dad na marami siyang bagsak sa mga grades niya," tukso sa kanya ni Feliz.
"Shut up! Isusumbong kita kay Dad na may boyfriend ka na."
"You dare!"
"Kids, settle down," natatawang sambot na lang ng kanilang ina na si Jade. Leo's mother was forty years old. Ngunit mukha lang itong nasa 30s.
Luminga sa labas ng bintana si Leo.
Parang may mali. Hindi niya lang mawari kung ano.
May nakalimutan ba siya?
"Leo, are you really okay. Balisa ka, my son."
"I'm okay, Mom. Don't worry." Ngumiti siya. Ngunit saglit na natigilan nang maramdaman ang pagbaba ng mainit na likido sa kaliwa niyang mata.
Luha iyon.
"You're crying. That's a bad sign," komento ni Feliz. Her sister was his female counterpart. Maliit ang mukha nito, bilugan ang mga mata at maputi ang kutis.
"It's nothing. I'm just tired." Napalunok si Leo. Deja vu. Bakit parang nangyari na ito dati pa.
His mind was hazy. Parang lutang siya.
Traffic sa Alabang noon. Rush hour dahil Friday. It was 3 pm in the afternoon and they were rushing to the bank dahil magsasara ito ng 4 pm. Magwi-withdraw pa ang mommy niya.
No.
Unti-unti ay nagiging malinaw kay Leo ang lahat.
This is not a deja vu. Nangyari na ito dati. Ito ang araw na kumalat ang virus – ang araw na nawala sa kanya lahat.
"Ma, we need to stop. We need to go home."
Ngunit tila hindi siya narinig ng ina, kahit ni Feliz.
"Mom, please! Let's just go home!"
If only he could turn back time, ililigtas niya ang pamilya niya.
Naramdaman niya na lang ang pagtama sa kanyang balat ng marahas na lamig ng tubig. Iyon ang gumising kay Leo.
"Sino ka? Sinong mga kasama mo?" Mas malamig pa sa malamig na tubig na ibinuhos sa kanya ang tinig ng babae.
Nanginig si Leo. 'Di lang dahil sa lamig, kundi dahil na rin sa desperasyon na nararamdaman.
Gusto niyang matulog na lang. Bakit kailangan pa siya ulit magising?
PILIT na pinapaamin ni Selena ang binatilyo kung sino ito at kung sinu-sino ang mga kasamahan nito, ngunit sa kanyang pagkamangha, hindi umamin ang huli. Bihira na ang loyal na tao sa panahon ng pandemic.
Ni hindi ito natinag kahit ilang beses niyang sinuntok o kahit ilublob niya sa malamig na tubig na may yelo.
Bilang dagdag-pahirap, hindi niya ito pinakain ng dalawang araw.
BINABASA MO ANG
When Night Falls
Ciencia FicciónLimang taon ang nakalipas buhat nang kumalat ang virus, halos maubos na ang sangkatauhan dahil sa mga nightcrawlers, isang uri ng mga nilalang na kumakain ng tao.
