9 MAKATI: The Death Zone

5 1 0
                                    



UNANG beses na makikipagsundo si Selena sa iba. Sanay siyang kumilos nang nag-iisa. But this time, batid niyang kailangan niya ng tulong para malampasan ang pinakadelikadong lugar sa Pilipinas sa panahong yun, ang EDSA.

Nakatanggap siya ng tawag sa radyo na kaboses ni Hannah. Kahit choppy ang rehistro ng mensahe, alam niyang kapatid niya yun. Nananawagan ito sa iba pang survivor na handa raw ito at ang grupo nitong tumulong. Nasa Quezon City daw ang mga ito. Bilang panganay, proud siya sa kapatid. Ngunit nag-aalala rin siya. Delikado sa siyudad na yun. Kung kaya't nagdesisyon agad siya na umalis kasama ang grupo ni Earl.

Sa Civic Drive katapat ng Asian Hospital sila magkikita ng pangkat nina Earl.

Tumigil ang isang sasakyan, 'di kalayuan sa kanila, isa-isang bumaba ang pasahero nito. Apat na binatilyo, panghuli ang 'di pamilyar na mukha ng babaeng may kulot na buhok.

"Mama!" Agad na tumakbo si Henry papunta sa babae at nagyakap ang mga ito nang mahigpit.

Nakadama ng relief si Selena. Pero may kahalo rin yung lungkot. Sa wakas ay 'di niya na poproblemahin si Henry. Ngunit sigurado siyang mami-miss niya ang bata. Napalapit na siya rito.

"Kailan tayo aalis?" Si Earl.

"Sa biyernes," tugon ni Selena. Three days after nang araw na yun. May mga kailangan pa siyang ihanda.

"Fair enough."

"Aalis kayo?" tanong ng ina ni Henry. "Pupunta ba kayo sa Baguio? Puwede ba kaming sumama."

"Hindi puwede," si Earl agad ang sumagot. Mahirap na may kasamang responsibilidad katulad ng bata sa zombie apocalypse. At ang isa nama'y may pilay na doktora.

"Isama natin sila," sabat ni Selena. "Kung hindi mo sila sasama, puwede mo na ring kalimutan ang kasunduan natin." May pinalidad sa kanyang himig. Nagkatinginan ang apat na binatilyo.

Marahan na huminga si Earl at pakalipas ng ilang segundong pag-iisip ay pumayag din ito na sumama ang mag-ina sa kanilang pagbiyahe.

Dumating ang araw ng biyernes. Alas siyete y medya nagpasyang magkita-kita sa Civic Drive ulit ang grupo nina Earl at nina Selena. Maganda ang panahon. Halos walang kaulap-ulap. Ngunit kahit ganun ay 'di ramdam ang init. Maririnig sa paligid ang huni ng mga ibon na dati'y bihirang mangyari limang taon ang nakakaraan.

Nalililiman ng mga puno ang kalsada. May mangilan-ngilang lumalagos na liwanag mula sa mga siwang nga mga dahon, ngunit 'di sapat yun para maglabas ng init.

Sa isang bus, nakasakay sina Kristina at Henry. Tulog si Henry habang nakahilig sa ina. Samantalang si Selena naman ay nakatingin sa tanawin sa labas at tila malayo ang isip.

Si Jairus ang nagda-drive. Si Earl naman ay tila may tinitingnan sa kanyang iphone habang nakakunot-noo. Sina Alvin at Leo ay ipinasyang umidlip dahil mayamaya ay makikipagsalitan sila kay Jairus sa pag-drive ng bus.

Si Selena ang bukod tanging nakahiwalay sa grupo. Sa isang armoured van siya nakasakay. Mahigpit na ipinagbawal niya sa mga kasama na pasukin yun. Katwiran niya, naroroon ang kanyang importanteng mga kagamitan sa pag-aaral ng virus.

Naging mapayapa ang paglalakbay nina Selena. Sa itaas ay malayang lumilipad ang mga uwak.

Simple ang plano ng grupo para maka-survive. Babiyahe lamang sila ng umaga at pagtuntong ng ala-una ng hapon, maghahanap sila ng safe na mapagtataguan mula sa mga halimaw at doon sila magpapalipas ng gabi. Inabot sila ng halos tatlong araw bago nila narating ang Makati. May isang araw kasing maghapong bumuhos ang ulan. Kapag maulan, delikado ring lumabas dahil walang sikat ng araw. May ilang nightcrawlers ang nagagawang lumabas kapag makulimlim ang langit. Tinatawag silang aberrants.

When Night FallsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon