Five days ago
SA rearview mirror ay makikita ang repleksyon ng mata na kababakasan ng pagkayamot.
"Kainis si Dad! Hindi na ako bata. Ba't kailangan niya ako laging bawalan lumabas." Ngunit agad ding napawi ang inis ng dalaga na walang iba kundi si Natalie nang pagbukas nito ng compartment ay may nakita itong isang bar ng tsokolate doon. Lumitaw tuloy ang dimples niya sa magkabilang pisngi. Siguradong ang papa niya ang naglagay nun sa compartment, bagama't hindi ito sang-ayon sa muling pag-alis niya ng hideout nila para maghanap ng pagkain o ng iba pang survivor.
Taga-Tunasan si Natalie. Ito ang unang beses niyang bumiyahe sa Alabang.
Actually, wala naman talaga siyang balak dumiretso sa siyudad na yun. Delikado daw dun, sabi ng dad niya. Pero na-curious siya. At wala naman siyang balak magpaabot dun ng gabi.
Walang isa mang senyales na nagpapakitang may survivor sa lugar. Kaya binuksan ni Natalie ang stereo at naglagay dun ng CD. Pumailanlang ang tugtog na may modernong tempo. Bahagya pang napapaindak ang dalagita sa saliw ng musika habang nagda-drive.
Hindi niya tuloy napansin ang nakabalandrang sasakyan sa unahan. Buti na lang at mabilis ang reflexes niya. Kahit huli na nang mapansin niya ang sasakyan, agad niyang naiiwas ang kanyang kotse sa pagbangga dito.
Muntik nang mangudngud sa manibela ang mukha ni Natalie. Buti na lang at sinunod niya ang bilin ng kanyang ama na magsuot pa rin ng seatbelt habang nagda-drive.
Sinipat ni Natalie ang nakaharang na sasakyan. Umuusok pa ang hood nito. Nakabangga ang unahan nito sa isang pharmacy. Pero wala ang driver sa loob.
Buti na lang at 'di tumagas ang gas, dahil kung hindi ay tiyak na sasabog ang sasakyan.
Sumikdo ang dibdib ni Natalie nang mapansin ang mga droplets ng dugo sa aspalto. Dali-daling sinundan niya yun at 'di kalayuan sa sasakyan ay naroroon ang walang malay na binatilyo. N.I.C.O ang nakaimprenta sa t-shirt nito.
Agad niyang dinaluhan ang binatilyo. Dinama niya ang pulso. Buhay pa ito.
Nang magkamalay si Nico, mukha ng isang magandang dalagita ang nabungaran niya. Nung una, akala niya namatay na siya at sinusundo na siya ng isang anghel. Mukhang tama nga ang kuya niya. May Diyos nga 'ata at nagpadala ito ng anghel. Ngunit nang nakaramdam siya ng sakit ng katawan, saka niya lang na-realize na wala pa siya sa langit.
"I CAN'T believe it. Buong akala ko, kami na lang ni Dad ang natitirang buhay at 'di infected sa lugar na 'to. How did you end up here? Saan ka talaga galing? Ikaw lang ba mag-isa? How did you even survive being alone?"
Kahit masakit pa rin ang katawan, 'di maiwasan ni Nico ang matawa sa sunod-sunod na tanong ng dalagita. Ito ang nagda-drive. Yupi na ang sasakyan niya, kaya nagpresenta ang dalagita na nagpakilala bilang Natalie na ihatid siya sa ospital.
Nabangga ang sasakyan niya kaninag mag-uumaga dahil hinabol siya ng mga nightcrawlers. Inabot kasi siya ng gabi sa kalsada sa paghahanap ng mga kailangan sa operasyon ni Henry.
"Why are you laughing?" Nalukot ang ilong ng dalaga. May nakakatawa ba sa mga tanong niya?
"No. Sunod-sunod lang kasi ang tanong mo. Ni hindi ko alam kung alin ang uunahing sagutin."
Napangiti si Natalie. For five long years, ngayon lang ulit siya nakakilala ng halos kaedaran niya. She found out na isang taon lang ang tanda sa kanya ni Nico. Nico was 22 years old. While 21 na siya.
BINABASA MO ANG
When Night Falls
Научная фантастикаLimang taon ang nakalipas buhat nang kumalat ang virus, halos maubos na ang sangkatauhan dahil sa mga nightcrawlers, isang uri ng mga nilalang na kumakain ng tao.