7 ALABANG: Encounter

2 1 0
                                    

Boss, pabasa naman nito. If 'di mo bet, sige lang. Pero try mo lang hahaha.

NAG-RESURFACE ang cancer ni Selena nung sixteen years old siya.

Dinala siya sa Amerika para doon magpagamot. She underwent a new type of chemo. Gumaling siya ulit.

Naging mahirap kay Selena ang pag-a-adjust niya noon sa Amerika, lalo na ang pakikisama sa kapwa niya tinedyer.

Na-bully siya dahil sa pagiging iba niya. She was called an Asian monkey. Ang madalas mam-bully sa kanya noon ay si Tommy. Nang minsang napikon siya rito, nasuntok niya ito. Nakita niya ang pagguhit ng pagkabigla sa mukha ni Tommy nang bumagsak ito na duguan ang ilong sa sahig. Banaag sa mukha nito ang takot at matinding pagtataka, kapares ng mga reaksiyon ng mga binatilyong nasa harapan niya ngayon.

Sa harapan niya ay may dalawang patay na nightcrawler. Nakagapang sa sahig ang pulang likido. Ang malinis na salamin kanina ay puno na ngayon ng tilamsik ng dugo.

Napatingin siya sa sariling mga kamay na duguan. At saka siya muling napatingin sa salamin. Hindi ang sariling repleksyon ang nakikita niya ngayon, kundi repleksyon ng isang halimaw na nagtatago sa maamong mukha.

WALANG kibuan sina Selena at Henry habang naglalakad sa kalsada. Katanghaliang-tapat, ngunit walang init na mararamdan kahit matingkad ang sikat ng araw. Nalililiman ng mga punong-kahoy at mga baging ang lugar. Katunayan, may ilan na ring mga ligaw na damo na gumapang sa gitna ng kalsada.

Si Henry ang bumasag sa katahimikan. Sinabi ng bata na dapat gamutin ang mga sugat ni Selena. Nakita kasi nito na duguan siya. Hindi masabi ni Selena na wala siyang sugat at ang mga dugo na nasa katawan niya ay hindi kanya.

"Henry, nami-miss mo pa rin ba ang mama mo?" pag-iiba niya ng paksa. Hindi niya alam, pero hindi niya gustong malaman ni Henry ang pagiging iba niya.

Somehow, nakikita niya si Hannah sa katauhan ni Henry. Ilang beses na nasaksihan ni Henry ang kakaibang lakas niya, ngunit hindi ito kakikitaan ng panghuhusga.

Si Hannah ang natatanging tumanggap sa kanya noong mga bata pa sila. Para sa kapatid, isa lang siyang ordinaryong ate. Samantalang ang sarili niyang ina ay pinagbawalan na siya noong maglalalabas ng bahay dahil sa insidente kay Tommy.

Kahit ang stepfather niyang si Carl ay nangingilag sa kanya. Na para bang hindi na siya tao.

Naging normal lang ulit ang buhay niya nang lumipat sila from US to Canada. Umpisa noon, sinikap ni Selena na mamuhay bilang normal na tinedyer. Nung nasa hustong gulang na siya, umuwi siya sa Pilipinas.

"Oo, namimiss ko pa rin siya," tugon ni Henry na pumutol sa malalim na pagmuni-muni ni Selena. "Pero tanggap ko na na patay na siya. Ayaw kong maging makasarili at pilitin ka ulit na hanapin siya. Ayaw kong malagay ka sa panganib, dahil sa akin."

Napamaang si Selena sa sinabi ng paslit. Hindi niya inaasahan na makakatanggap siya ng ganung sagot.

Napakabata pa ni Henry para mag-isip nang ganun. Na-touch din siya dahil iniisip nito ang kaligtasan niya.

Naisip ni Selena na ganun talaga yata ang dulot ng bagong environment sa mga bata. Mas mabilis silang mag-mature. Isang patunay na mabilis mag-adapt ang tao sa kanyang paligid.

Umuwi sina Selena at Henry sa kanyang laboratoryo. Pero 'di tulad ng dati, hinayaan niya na ang bata na sumama sa kanya sa basement. Doon siya mismo nag-e-experiment. Binilinan niya si Henry na 'wag maglilikot lalung-lalo na 'wag nitong bubuksan ang bakal na pinto na nasa dulong bahagi ng kuwartong yun.

When Night FallsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon