🤍 Prologue 🤍

886 40 6
                                    

BORJ felt a strange sensation inside him as he was kissing his girlfriend, Trisha. Hindi niya matukoy kung ano iyon. Tila iyon isang malakas na unos na gustong kumawala sa kanyang katawan. Sa sobrang gulat ay mabilis siyang humiwalay kay Trisha.

What the hell was that? Ganoon ba ang pakiramdam ng unang halik?

Habol ang hiningang tiningnan ni Borj si Trisha. Kinabahan siya at napanganga nang makita ang reaksiyon ng nobya.

"Trisha?" tawag niya. Pumitik pa siya sa harap nito.

Napakurap-kurap si Trisha at nginitian siya. "I love you, Borj," wika nito sabay yakap sa kanya. "You're the master of my universe."

Napakunot-noo si Borj. Hindi niya alam kung bakit may kakaibang kaba siyang naramdaman....







--- Author's POV---

Hi Guys, I'm back.. Na miss ko kayong mga Stefcam readers.. Please support my 17th Stefcam story entitled Bizarre Tale. Nawa'y mapakilig, mapasaya at mainlove kayo sa kuwentong ito. Maraming salamat in advance. 😘

Bizarre TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon