🤍 Chapter Nine 🤍

360 34 8
                                    

"HI, DAD. Hello, dear twin brother," bati ni Tonsy na kadarating lang. Nasa bahay sila ngayon ng kanilang daddy dahil tinawagan sila ng ama para mag-merienda, ipinagluto sila nito ng pizza.

"Holla, pizza!" tuwang-tuwang sabi ni Tonsy at nilantakan agad ang pizza na nasa coffee table. "Dad, you are really the best chef in town."

"Bolero ka talagang bata ka," natatawang sabi ng kanilang daddy.

Borj just rolled his eyes. "I'm glad you came today. Akala ko busy-busy-han ka na naman," sabi niya kay Tonsy.

Tuwing niyayaya kasi nila si Tonsy ay busy ito sa studio. Minsan naman ay nasa iba't ibang bahagi na pala ito ng Pilipinas. Hindi na sila madalas magkita ni Tonsy dahil sa propesyon nito. Bumukod na rin kasi sila ni Tonsy at may condo unit siya na malapit sa kanilang kompanya. Siya na kasi ang namamahala ng manufacturing business ng kanilang ama. Si Tonsy naman ay nakatira na sa ipinamanang bahay ng grandparents nila sa mother side nang yumao ang mga ito.

Pagkatapos mag-aral ni Tonsy sa The Sanctuary nang dalawang taon ay hindi ito dumeretso ng uwi sa bahay nila sa Pilipinas. Naglakbay ito sa kung saan-saang sulok ng mundo para sa mga masterpiece nito.

"Well, I happened to visit a special girl, so, naisip ko na dumeretso dito. I've missed you both, especially you, Borj," nakangising sabi ni Tonsy at saka kumagat ng pizza.

Binato niya ito ng throw pillow. "Nakakadiri ka, Tonsy," pabirong sabi niya.

"What? Na-miss lang kita, twin brother. Masama na ba iyon?"

Napailing si Borj. "Nanloloko ka na naman ng babae," pambubuska niya.

"Of course not!" eksaheradong tanggi ng kakambal. "You know I've already changed." Naghihinalang tiningnan niya ito. Pero mula nga nang magkita sila ay hindi na kabi-kabila ang mga nobya ni Tonsy o mas tamang sabihing ginawa nitong slave.

"And this woman is really special. She's one of a kind, and she has a very beautiful smile." Maluwang na ngumiti si Tonsy.

"She must be really something, huh? Who's this lucky girl?" tanong ng kanilang daddy.

"Her name is Roni, Dad. Don't worry, you'll get to meet her soon," sagot ni Tonsy.

"Roni?!" gulat na gulat na tanong ni Borj. Muntik pa nga yatang mapatalon ang dalawa dahil sa sobrang gulat sa outburst niya. Sabay na napatingin ang dalawa sa kanya.

"Bakit? Ano'ng problema, Borj?" tanong ng daddy nila.

"Sinong Roni ang tinutukoy mo, Tonsy?" tanong ni Borj kaysa sagutin ang tanong ng kanilang ama.

"Ronalisa Salcedo," sagot ni Tonsy.

Pakiramdam ni Borj ay parang may bombang sumabog sa harap niya. No! "Slave mo na rin ba siya ngayon?"

Nakakunot-noong tiningnan siya ni Tonsy. "Ano bang nangyayari sa'yo?"

"Sagutin mo ako, damn it!" Napatayo pa siya.

"Borj!" saway ng kanilang ama. "Sabihin mo kung anong problema. Hindi yang galit ka agad."

"Dad..." napu-frustrate na sabi niya. Naisuklay niya ang mga kamay sa kanyang buhok. Not Roni! Kahit dulo ng daliri ng dalaga ay ayaw niyang mapahamak.

"It's Roni. My Roni!" Your Roni, huh? nang uuyam na sabi ng isip niya.

Mukhang napaisip din ang kanilang ama. Mayamaya ay naalala na nito ang babae. Ikinuwento niya noon sa ama ang lahat.

Nilingon ni Borj si Tonsy.

"Wait! Am I missing something here?" tanong ni Tonsy.

"Ginawa mo na bang alipin si Roni?" tanong uli ni Borj.

Bizarre TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon