PINAGMAMASDAN ni Borj si Roni mula sa malayo. Nasa isang umbrella hut ang dalaga na malapit sa school canteen at nagbabasa ng libro. Naroon naman siya sa corridor sa tapat ng classroom nila na di-kalayuan sa canteen.
Roni was really beautiful.
Bumuntong-hininga siya. Naalala niya ang paghatid niya kay Roni kagabi. Ilang beses na niyang pinigilan ang sarili na lapitan ang dalaga tuwing makikita niya pero tila may kung anong puwersang pilit na humihila sa kanya palapit dito. Si Roni lang ang may ganoong epekto sa kanya at hindi iyon makabubuti sa kanya. Dahil hindi na nga niya napigilan pa ang sarili. Pero alam niya ang kanyang limitasyon.
Naalala niya kung paano niya na-discover ang kanyang "gift."
"What's wrong with you, Tonsy? Kilala kita," tanong ni Borj sa kakambal na kanina pa niya napapansin na tila lumilipad ang isip.
It's just so weird. Mia's not acting like the others," tila wala sa sariling sagot ni Tonsy.
"Like the others?"
Nakakunot-noong tiningnan siya ni Tonsy.
"You know, she's acting different, like she's so in love with me. No, obsessed with me. She's been doing everything I told her to do. Minsan, para na siyang asong buntot nang buntot. Tulad ng... Tulad ng mga ex-girlfriend ko."
They were having the same problem. Lalong nagduda si Borj. Mayamaya ay natawa si Tonsy.
"Don't worry too much about it. Well, what else should I expect, right? I'm Tonsy, your very charming twin brother. I can't blame them for being head over heels in love with me." Tumayo na ito. "Right twin brother? Inggit ka, no?" Tonsy grinned devilishly at him.
Borj sighed. Truth be told, he didn't want to think about it. But it was really bothering him.
Tulad ni Tonsy, iyon din ang problema ni Borj. Pagkatapos niyang halikan ang kanyang mga ex-girlfriend ay tila may nag-iba sa mga ito. Tila nagiging alipin niya. Hindi niya iyon pinapansin noong una, pero habang tumatagal ay hindi na niya napigilan na mag-isip pa.
Dahil sa sinabi ni Tonsy, nagdesisyon siya na alamin ang kasagutan sa kanyang mga tanong. Inobserbahan niya ang kanyang latest girlfriend---si Leslie. Noong una, tila normal lang itong babae. Pero pagkatapos niyang halikan sa mga labi ay tila nag-iba na ang nobya. Lahat ng gusto niya ay sinusunod nito na tila isang alipin. Tila sumobra pa nga ang pagmamahal sa kanya. May pagkamasungit kasi ang nobya at hindi basta napipilit kung ayaw gawin ang isang bagay.
Pero pagkatapos ng isang linggo, tila bumalik na si Leslie sa sarili. Hindi na ito buntot nang buntot sa kanya. Kapag sinabi niyang huwag magselos sa mga babaeng nagpapa-cute sa kanya ay inaaway pa siya. Hindi tulad ng dati na tatango lang. Bumalik na rin ang pagsusungit ng nobya.
Lahat ng napansin niya kay Leslie ay nangyari din sa lahat ng kanyang ex-girlfriends. Gusto niyang isipin na dahil iyon sa halik. Lalo na kapag tila may kakaiba siyang nararamdaman sa sarili tuwing hahalikan niya ang isang babae. Ang akala niya noong una ay pagnanasa lang iyon. Pakiramdam kasi niya ay nag-iinit siya habang hinahalikan ang mga naging nobya. Isa pang inobserbahan niya ay ang mga nagiging girlfriend ni Tonsy. Pareho kasi sila na papalit-palit ng nobya.
"Tonsy," tawag ni Borj sa kakambal na kumakain ng popcorn. Magkatabi sila sa sofa habang nanonood ng TV.
"Hmm?" sagot nito habang titig na titig sa TV.
"May nararamdaman ka bang kakaiba tuwing may hahalikan kang babae? Iyon tipong parang may gusto kang ilabas na kung ano?"
Natigilan si Tonsy at nilingon siya. "Have you... have you been feeling it, too?"
Tumango siya.
"Naaalala mo no'ng ikinuwento mo tungkol sa inyo ni Mia? At ex-girlfriends mo?"
"Oo."
"Nangyari rin sa 'kin yon."
Uminom ito ng softdrinks. "Talaga?"
"At sa tingin ko, dahil 'yon sa halik." Ikinuwento niya kay Tonsy ang kanyang mga naobserbahan.
"Wow! That's cool!" tuwang-tuwang sabi ni Tonsy.
Napailing si Borj. Wala talaga itong sineseryosong bagay.
"Imposible 'yon, di ba? Paano naman 'yon mangyayari? Tao tayo at wala tayong ganoong "gift," mayamaya ay sabi ni Tonsy nang makitang seryoso na siya.
"Imposible?" Napangiwi siya. "I kissed Paula."
"Paula? The lesbian?" tila gulat na gulat na tanong ni Tonsy.
Tumango si Borj. Si Paula ay isa sa mga kaibigan nila sa subdibisyon. Magkasing-edad lang din sila ng babae.
"You freak! Why? Buti hindi ka niya sinapak?"
"She did."
"NO, NOT my sons." Iyon ang tanging nasabi ng daddy nina Borj at Tonsy nang sabihin nila sa ama ang natuklasan tungkol sa kanilang pagkatao. Inaasahan na raw ng daddy nila ang bagay na iyon pero hindi nito iyon matanggap. Pinilit nilang alamin kung paano sila nagkaroon ng ganoong kakayahan.
Ikinuwento ng kanilang ama ang tungkol sa kanilang mga ninuno. Hindi makapaniwala sina Borj at Tonsy na ang mga akala nilang alamat lang ay totoo pala. Napakamakasaysayan ng kuwento ng kanilang pamilya. Sino nga ba ang mag-aakala na ang isang simpleng tao na tulad nila ay apo pala ng isang demigoddess?
Ikinuwento ng kanilang ama ang tungkol sa kanilang lola. Ayon sa daddy nila, ang lola nila ay isang demigoddess na namumuhay nang simple at tila isang ordinaryong tao. Purong Griyego at isang photographer. Kung saan-saan ito nakakapunta para sa mga masterpiece nito. Hanggang sa napadpad ang kanilang lola sa Pilipinas kung saan nito nakilala ang kanilang lolo. His grandmother fell in love with his grandfather and gave birth to his father.
Nang malaman ng kanilang ama ang lahat tungkol sa "gift" nito ay hindi kailanman ginamit iyon ng ama para gawing "slave" ang kahit sinong babae. Noong una, nahihirapan din ang kanilang ama. Pero natutunan din ng kanilang ama kung paano iyon gagamitin.
Kaya nang magkolehiyo sila ni Tonsy ay napagdesisyunan nilang maghiwalay ng eskuwelahan. Paranoid na kung paranoid pero natatakot sila ni Tonsy na baka may makatuklas ng "gift" nila. Iniisip nila na baka katakutan sila ng mga tao.
Nahirapan silang mamuhay nang normal dahil sa "gift." At mula nang malaman nila iyon ay hindi na naging normal ang buhay ni Borj. Pinagbawalan niya ang sarili na magmahal. At alam niyang hindi tulad ng ibang babaeng nakaka-date niya si Roni. She deserved better than him.
🤍 End of Chapter 3 🤍
Please hit the ⭐️...
Feel free to leave some comments and reactions.
Enjoy reading...📖
Thanks...😊
BINABASA MO ANG
Bizarre Tale
RomanceRoni Salcedo was an events coordinator. At sa isang charity event, nagkrus muli ang mga landas nila ng pinakababaero at pinakahaliparot na lalaking nakilala niya---si Borj Jimenez. Seven years ago, he ruthlessly broke her heart. Kaya no way na haya...