ACQUAINTANCE PARTY
Kanina pa nagkakandahaba ang leeg ni Roni sa kakahanap kay Borj. Nang hindi pa rin niya makita ang lalaki ay isinuot na niya ang masquerade mask. Masquerade kasi ang tema ng party.
"You look so beautiful tonight, Roni," paulit-ulit na papuri ni Jeff, isa sa mga babaerong kaklase niya.
Nginitian niya ang lalaki kahit gustong-gusto na niyang tirisin ang pagmumukha nito. Nasa malapit lang ang nobya ni Jeff pero kung makalandi ito sa kanya ay ganoon-ganoon na lang. "Jeff, bakit hindi na lang si Princess ang asikasuhin mo? Kanina pa masama ang tingin niya sa 'kin. Baka bigla na lang niya akong sugurin."
"Hayaan mo siya. Let's dance."
Umiling siya. Mayamaya ay napangiti siya kay Missy nang senyasan siya na magsasayaw ito at si Yuan.
Mayamaya ay naramdaman ni Roni na inabot ni Jeff ang kanyang kamay. "C'mon, huwag ka nang pakipot," mayabang na sabi nito at hinila siya.
"Ouch!" daing niya at napatayo dahil sa malakas na pagkakahila ni Jeff. Akmang sisipain niya ang lalaki nang may humawak sa braso ni Jeff.
Her heart skipped a beat. He was wearing a black masquerade mask. Ang nakikita lang niya sa mukha nito ay ang mapulang labi. Pero nakilala kaagad niya ang kanyang tagapagligtas.
"Let go of her," maawtoridad na sabi ni Dark Knight---este, Borj.
"B-Borj..."
Nang hindi kumilos si Jeff ay gumalaw ang kamay ni Borj. Napaigik si Jeff at awtomatikong napabitaw sa kanya.
"Umalis ka na." Nagmamadaling lumayo naman si Jeff sa kanila. Halos magkandarapa pa ito palayo.
"Hi, Dark Knight. Thank you for saving me, again."
"Are you okay, My Queen?" tanong ni Borj na hindi man lang pinansin ang kanyang sinabi. Marahang hinawakan nito ang pulupulsuhan niyang hinatak ni Jeff. "That bastard!" tila nanggigigil na usal ni Borj.
Namumula ang pulupulsuhan ni Roni na may bakas pa ng kamay ni Jeff. Binawi niya ang kamay kay Borj. "I'm fine. Ikaw kasi ang tagal mo. Bakit nga ba ang tagal mo? Kanina pa nag-start ang party."
"Hindi na kasi ako dapat pupunta."
"Bakit?"
Nagkibit-balikat si Borj.
"Ano ang nagpabago sa isip mo?"
"Ikaw," deretsang sagot ni Borj habang titig na titig sa kanya. "You might need the Dark Knight by your side."
Ngumiti siya at inayos ang bow tie ni Borj. "You look handsome tonight. You really look like the Dark Knight minus the ears and the cape."
"You look good yourself, Roni. Hindi ko masisisi si Jeff at ang iba pang estudyante na tingin nang tingin sa 'yo. Hey, you're blushing," tila namamanghang sambit ni Borj at hinaplos pa ang kanyang mga pisngi.
"I-ikaw kasi!" Nanlaki ang kanyang mga mata at dagling tinakpan ang bibig. Kailangan talaga pumipiyok?
Marahang natawa si Borj. Inalis nito ang kanyang kamay na nakatakip sa kanyang bibig.
"Let's dance." Nagpatianod naman si Roni papunta sa dance floor. Medyo marami na ring estudyante na nagsasayaw kasabay ng malamyos na musika. Inabot ni Borj ang kanyang dalawang kamay at ipinatong iyon sa balikat nito. Mayamaya ay ipinuwesto nito ang mga kamay sa kanyang baywang. His touch sent a sweet current down her spine.
"How did you know it was me?" tanong ni Roni na napapasayaw sa malamyos na musika.
"Because I saw you smile. It was so pretty, anyone would have noticed immediately. At kahit sobrang daming tao dito ngayon, alam ko pa rin na ikaw nga 'yon."
BINABASA MO ANG
Bizarre Tale
RomanceRoni Salcedo was an events coordinator. At sa isang charity event, nagkrus muli ang mga landas nila ng pinakababaero at pinakahaliparot na lalaking nakilala niya---si Borj Jimenez. Seven years ago, he ruthlessly broke her heart. Kaya no way na haya...