BAKIT nga ba ako narito? nagtatakang tanong ni Roni sa sarili nang makitang nasa loob siya ng kanyang kuwarto. Ang huling naalala niya ay nasa living room siya at...
"Hello?!" medyo malakas na tanong ni Roni sa tumawag.
"Ano'ng nangyari sa 'yo, Roni?" tanong ng lalaki mula sa kabilang linya.
Kilala niya ang boses. Tumawa siya ng malakas. "Borj, bakit tumawag ka? Guguluhin mo na naman ang mundo ko?" tanong niya at uminom uli ng Tanduay Ice. Oo. Ipinagdiriwang niya ang kanyang kaarawan sa pamamagitan ng pag-inom. Siguro pagkatapos niyon ay makakalimutan na niya ang nakakainis na si Borj Jimenez. Gusto lang niyang ilabas lahat ng sama ng loob niya.
"Lasing ka ba, Roni?"
Tumawa uli siya. "Ano naman sa 'yo?"
"Jesus, Roni! Tanghaling tapat lasing ka? Sino'ng kasama mo?"
"Ano? Pakikialaman mo na naman ako, ha? Bakit ba ang hilig mong makialam? Nakakainis ka talaga! Alam mo ba kung bakit ako nagkakaganito? Dahil sa 'yo! You're making things hard for me!"
"Nasaan ka?"
"Bakit, Borj? Feeling knight ka na naman at pupuntahan ako? Dream on!"
"Damn it, Roni! Sabihin mo sa 'kin kung nasaan ka?"
Imbes na sagutin ay pinutol na niya ang tawag.
"Manigas ka," natatawang sabi niya at binasa ang mga na-receive na message. Pulos birthday greetings iyon galing sa mga officemate niya. Ni-reply-an niya ang mga ito na bukas na lang tutal Linggo at wala silang pasok. Tinawagan na rin niya si Missy kanina at ganoon din ang sagot niya.
Gusto lang talaga niyang mag-isang ipagdiwang ang kanyang kaarawan. Habang abala siya sa pag-iisip kay Borj ay naulinigan niya ang sunod-sunod na pagdo-doorbell ng kung sino sa gate. Tumayo siya upang tingnan kung sino iyon. Nang buksan niya ang gate ay ang naiinis na mukha ni Borj ang sumalubong sa kanya.
"Bakit ka nandito?"
"Ano bang problema mo? Bakit ka umiinom?"
"Wala kang pakialam. Umalis ka na lang at iwan mo akong mag-isa."
"Hindi kita iiwan sa kalagayan mong 'yan."
"So, magpapaka-hero ka na naman. Alam mo..." Natigil siya sa pagsasalita nang napahawak siya sa kanyang tiyan. Parang gustong bumaliktad ng kanyang sikmura. At ang sumunod niyang namalayan ay nagdududuwal na siya. Dinaluhan agad siya ni Borj, hinimas ang kanyang likod. Pilit na dumeretso siya ng tayo at pinunasan ang kanyang bibig.
"Gusto kong mapag-isa. Umalis ka na." Tinalikuran niya ang binata. Pero nakakailang hakbang pa lang siya nang maramdaman ang tila pag-ikot ng kanyang paligid.
"Roni!" Ang pagtawag na iyon ni Borj ang huling naulinigan niya bago tuluyang nagdilim ang kanyang paligid.
Oh, shit!
"Mabuti naman at gising ka na, Miss Salcedo."
Muntik nang mapatalon sa sobrang gulat si Roni nang magsalita si Borj. Napatingin siya sa binata na nasa kanang bahagi ng kama at prenteng nakaupo sa love seat.
"Ano'ng ginagawa mo rito?" tanong ni Roni at dahan-dahang bumangon. Double shit! Napapikit siya at hinimas ang kanyang sentido nang tila may pumitik doon.
"Kumain ka man lang ba ng almusal bago ka uminom kanina?" tanong na may halong paninita ni Borj na hindi man lang pinansin ang kanyang tanong.
"Hindi."
BINABASA MO ANG
Bizarre Tale
RomanceRoni Salcedo was an events coordinator. At sa isang charity event, nagkrus muli ang mga landas nila ng pinakababaero at pinakahaliparot na lalaking nakilala niya---si Borj Jimenez. Seven years ago, he ruthlessly broke her heart. Kaya no way na haya...