🤍 Chapter Fourteen - FINALE 🤍

455 35 5
                                    

"WHAT'S heartbreak?" tanong ni Tom pagkababa ng shot glass.

"Heartbreak is drinking yourself to death, trying your damn hardest to breathe while at the same time wondering why it all went wrong and how you're gonna pretend like everything is all right. Yes, that's heartbreak," Borj answered bitterly. Alam ng mga kaibigan ang kanyang problema. They already know his secret, too. Nasabi na niya sa mga kaibigan iyon noong lumayo siya kay Roni. Ligtas ang kanyang sekreto sa mga ito dahil matagal na niyang kaibigan ang mga lalaki.

"Very well said," nakangising komento ni Alwynn.

Binato niya ito ng lemon, tumatawang umiwas ang kaibigan. Nasa kanyang condo unit sila dahil tinawagan niya ang mga kaibigan at niyayang mag inuman. Kahit ilang taon na mula nang maka-graduate sila at naging abala sa kani-kanilang trabaho ay nanatili pa rin ang kanilang pagkakaibigan. Magkakasama pa rin sila sa mga gimik.

Napabuntong-hininga si Borj nang maalala ang panaginip.

"True love comes at the right time, Borj. There's a way to counteract the curse of death, son, if it's true love... If she's the one, she's willing to face death just to be with you..."

Nang sabihin niya iyon sa kanyang daddy ay sinabi nito na maaaring si Amour daw ang nagsabi niyon sa kanya. Iyon ang dahilan kung bakit siya nagpunta sa The Sanctuary. Marami pa siyang tanong at ang lugar na iyon lang ang maaari niyang hanapan ng kasagutan. Ilang beses niyang hinintay na mapanaginipan uli si Amour pero ilang araw na siyang naghihintay ay wala pa rin.

Ang sabi ng kanyang ama, dahil napanaginipan na niya si Amour, sasagutin na raw ng mga oracle ang kanyang mga tanong tungkol sa sumpa.

"That was Amour," sagot ni Superior Zelestine, isa sa kagalang-galang na oracle, ang tawag sa mga namamahala sa The Sanctuary. "She will visit every one of us in our dreams. We will dream of Amour when it's time to meet the one who's meant for us..."

"She'll know?" tanong ni Borj.

Napailing si Borj. Bakit ba hindi na lang sila naging normal na tao? "But what does it mean? How does one stop the curse?"

"Does your lover already know about the curse? Is she willing to face death just to be with you?" ani Zelestine na hindi pinansin ang kanyang tanong.

Kumunot ang noo ni Borj. Si Roni agad ang pumasok sa kanyang isip kahit matagal na silang hindi nagkikita. "No, she doesn't know about it yet. And even if she's willing to face death to be with me I would never let that happen."

"That's love for demigods like us."

Lalong kumunot ang kanyang noo. Naguluhan.

"What do you mean?"

"Do you know the story of Amour and Verde?"

"Only a little."

Umayos ng pagkakaupo si Zelestine at napabuntong-hininga. "Verde died because Amour didn't tell him about the curse. Neither of them knew that it wasn't true love. A year after Verde died, Amour found out that Verde had betrayed her. That was why Verde died. That's the real story."

Napahimas si Borj sa kanyang sentido, biglang sumakit ang ulo sa mga nalaman. "You... You mean he died because he betrayed Amour?"

"Yes, what he felt for her was not true love."

"This is unbelievable!" bulalas niya. Hindi sila puwedeng makipagrelasyon sa iisang tao lang dahil baka saktan lang sila. Kaya mayroon silang gift para makuha lahat ng babaeng gusto nila. Puwede lang silang manatili sa isang tao kung... Kung talagang mahal sila nito. Kung hindi totoong pagmamahal ang nararamdaman ng mamahalin nila, maaaring mamatay ang kanilang mahal. Iyon talaga ang totoong sumpa nila. Kaya kailangan niyang makasiguro na mahal nga sila ng taong mahal nila kung papayag ang mga ito na suungin ang kamatayan para makasama lang sila.

Bizarre TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon