🤍 Chapter Twelve 🤍

455 41 18
                                    

ABALA sa pagbabasa ng libro si Roni nang biglang tumunog ang kanyang cell phone. Nagpapaantok siya dahil sa hindi malamang dahilan ay hindi siya makatulog. Nagtatakang inabot niya iyon na nakapatong sa bedside table. Sino kaya ang tatawag ng ganitong oras?

Napakunot-noo siya. Numero lang ang nasa LCD screen. Hindi niya sinagot ang tawag. Muli na lang siyang nagpokus sa binabasa. Pero mayamaya ay nag-ring muli ang cell phone. Ito pa rin ang tumatawag. Napagpasiyahan niyang sagutin ang tawag.

"Hello?"

"Roni, bakit gising ka pa? Hatinggabi na, ah."

Bumilis ang tibok ng kanyang puso nang marinig ang boses ni Borj.

"Paano mo nakuha ang number ko?"

"Ako ang unang nagtanong, Miss Queen Roni," ani Borj.

"Nagbabasa pa ako ng libro. Ngayon sagutin mo naman ang tanong ko." Naiinis na talaga siya kay Borj dahil sa mga ginagawa nito.

"Hiningi ko kay Tonsy ang number mo. At saka bakit ka ba sumisigaw, Roni?" natatawang tanong ni Borj.

"Nakakainis ka kasi!"

"Wala naman akong ginagawa sa 'yo, Roni. Tinawagan lang naman kita."

"Bakit mo ba ako tinawagan, alam mo naman palang hatinggabi na?"

Natawa uli si Borj. "Hindi mo kailangang magalit, okay? Bakit hindi ka sumilip sa bintana para malaman mo?"

Napakunot ang noo ni Roni. Bumaba siya ng kama at sumilip sa bintana. Tila tumalon ang kanyang puso nang makita si Borj na nasa harap ng kanyang bahay. Kinawayan pa siya ng binata nang makita siyang nakasilip sa bintana.

"Ano'ng ginagawa mo dito ng ganitong oras?"

"Bumaba ka na lang diyan."

"Fine," sagot niya at tinapos na ang tawag.

Nagmamadali siyang nagsuot ng roba at bumaba sa first floor. Mabilis niyang binuksan ang pinto at nagtungo sa gate. Nang buksan niya ang gate ay naroon na si Borj.

Hindi makapaniwalang tiningnan niya ang binata. Nasa harap nga niya ito.

"So, bakit ka nandito?" tanong niya.

"I'm here to give you this..." sabi ni Borj sabay abot ng isang bagay.

Napaawang ang kanyang mga labi nang ilabas ni Borj ang hawak sa likuran. A bouquet of red roses.

Iniabot nito iyon sa kanya. Pero para siyang na-stroke dahil sa sobrang kilig kaya hindi siya makagalaw. Hindi pa siya nabigyan ni Borj ng mga rosas noon. Naalala niya dati, nangangarap siyang nasa harap niya si Borj at inaabot sa kanya ang isang bouquet ng rosas. Ang akala niya ay habang-buhay na iyong magiging pangarap na lang. Pero ngayon, habang nakatingin siya kay Borj hawak ang bouquet, alam niyang nagkatotoo na ang kanyang pangarap.

"I bought these roses for you."

Napakurap-kurap siya, hindi pa rin mapaniwalaan ang nangyayari.

"Nakakainis ka talagang lalaki ka!"

Napakamot si Borj sa sentido. He looked so cute. "Hindi mo ba nagustuhan ang mga bulaklak?"

"Ewan ko sa'yo!" Kinuha na niya ang mga bulaklak. He looked at her with amusement in his eyes and then he burst out laughing.

"You're really something, Queen Roni."

"Imagine, a man giving a woman roses in the middle of the night? Ano'ng trip mo, ha?"

Tumikhim si Borj at masuyo siyang tiningnan.

"Actually, I've been here for almost four hours."

"W-what? Bakit... bakit ngayon mo lang sinabi?"

Bizarre TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon