HINDI makapaniwalang tiningnan ni Roni si Borj pagkatapos nitong magkuwento...
"Roni, What do you think of people with supernatural powers?"
"They're cool."
"Cool? Seryoso ako."
"Cool naman talaga sila. You know, may power sila, eh. They can rule the world and make it a better place. Well, the good guys, I mean."
"Hindi ka ba natatakot sa kanila?"
Umiling siya. "Nasa twenty second century na tayo. Hindi na bago ang mga taong may supernatural powers daw. At saka mukhang hindi naman sila masama."
"Paano kung samantalahin ka nila?"
Nagkibit-balikat lang siya, hindi alam kung ano ang isasagot. At saka, hindi pa naman siya nakaka-encounter ng taong may kapangyarihan ng gusto siyang samantalahin.
At doon na nga ikinuwento ni Borj ang "gift" daw nito.
"Totoo ba 'yon?"
Tumango lang si Borj.
"Wow! That's cool!" bulalas ni Roni. Descendant talaga si Borj ni Amour. Hindi niya alam na maaaring may mag-exist na tulad ni Borj at kakilala pa niya. Kamangha-mangha talaga.
"Hindi naman talaga 'yon kamangha-mangha, Roni."
Tinitigan niya si Borj. Mayamaya ay hinaplos niya ang mukha nito. She felt him stiffen.
"Ano'ng ginagawa mo?"
"Gusto ko lang makasiguro na totoo ka."
"Totoo ako." Hinawakan ni Borj ang kanyang kamay at ibinaba.
"Hey, I'm your Queen, right? Kaya puwede kong gawin ang gusto ko sa'yo." Humagikhik siya at nanggigigil na pinisil ang mga pisngi ni Borj.
"Stop it!" natatawang saway ni Borj.
Hindi kapani-paniwala ang sinabi ng binata pero hindi niya alam kung bakit paniwalang-paniwala siya. Maaaring dahil malaki ang tiwala niya sa binata kaya kahit anong sabihin nito ay paniniwalaan niya.
Isa pa, walang dahilan para mag-imbento si Borj ng ganoong kuwento. Ibinahagi nito sa kanya ang isa sa mga sekreto nito kaya tila may mainit na pakiramdam na humaplos sa kanyang puso. Maaari kayang espesyal din siya sa binata?
"Ano? Hindi ka naniniwala, no? Baka iniisip mong sa kabila ng guwapo kong mukha ay nagtatago ang isang baliw na lalaki?"
Iniikot niya ang kanyang mga mata. "Mayabang ka talaga." Inilapit niya ang mukha kay Borj. "Kiss me, Borj, and make me your slave."
"No!" mariing tanggi ni Borj.
"Bakit hindi?"
"Hindi puwede. Manahimik ka riyan. Sa tingin mo, laro lang to? Well, I'm serious, my Queen."
"Seryoso rin ako." Gustong batukan ni Roni ang sarili. Ang totoo, gusto lang niyang mahalikan si Borj. Gusto niyang ito ang maging first kiss niya. Iyon lang 'yon. Napatingin siya sa mga labi ng binata. Lalong umigting ang pag-aasam niyang halikan ang mga labi ni Borj.
Tinitigan siya ng binata. "No," tanggi pa rin nito.
"Kainis 'to!"
"You're really unpredictable, Roni. Minsan, ang sungit-sungit mo, minsan naman ang kulit mo, at tila gusto kitang parusahan." Hinaplos ni Borj ang kanyang mga pisngi. "Like i feel doing right now."
Natigilan si Roni sa sinabi ni Borj. Nag-init ang kanyang mga pisngi nang maisip kung anong parusa ang nais nitong gawin sa kanya. Hahalikan siya ni Borj. Napatingin siya sa mga labi ng binata. At ang sunod niyang namalayan ay hinahalikan na siya ni Borj. Napakurap-kurap siya.
BINABASA MO ANG
Bizarre Tale
RomanceRoni Salcedo was an events coordinator. At sa isang charity event, nagkrus muli ang mga landas nila ng pinakababaero at pinakahaliparot na lalaking nakilala niya---si Borj Jimenez. Seven years ago, he ruthlessly broke her heart. Kaya no way na haya...