PALABAS na ng gate ng TQ building si Roni nang biglang bumuhos ang malakas na ulan.
"Gee!" Hindi niya alam kung paano tatakpan ang sarili. Tatakbo na sana siya patungo sa malapit na waiting shed nang makita si Borj na tumatakbo palapit sa kanya, may dalang payong.
Ano na naman kaya'ng ginagawa ng lalaking to rito?
"Jeez, Roni. Nagpapaulan ka na naman," sermon ni Borj nang makalapit sa kanya. Pinayungan din agad siya ni Borj at inakbayan para magkasya sila sa payong. The mere touch of his bare skin on hers sent a current through her body.
"Ano ba? Bakit ba nakaakbay ka pa?" angil niya at tinanggal ang kamay ni Borj sa kanyang balikat. Naglagay rin siya ng distansiya sa pagitan nila kaya nababasa ang kanyang kaliwang balikat. Parang pang-isahan lang kasi ang laki ng payong ni Borj.
Napapalatak si Borj at hinila siya paharap. Pagkatapos ay may kinuha ito sa bulsa. "Alam mo na ngang maliit ang payong ayaw mo pang lumapit. Nabasa ka tuloy," kunot-noong panenermon uli nito habang pinupunasan ang nabasang balikat.
Napanguso si Roni. "Magdadala ka na nga lang kasi ng payong, 'yong pang-isahan pa."
Unti-unting sumilay ang sexy na ngiti ni Borj kaya tinalikuran agad niya ito at nagpatiuna sa paglalakad. Agad na humabol si Borj at pinayungan siya. Dahil nga ayaw niyang dumikit sa binata ay halos siya na lang ang napapayungan. Nabasa si Borj.
Huminga siya ng malalim. Tila deja vu ang mga nangyayari. Ayaw na niyang maalala ang nakaraan. Pero ang tunog ng ulan at ang pakiramdam na nasa likuran lang niya si Borj ang nagpapahirap sa kanya na gawin iyon.
"Ang tigas pa din ng ulo mo. Hanggang ngayon ay hindi ka pa rin nagdadala ng payong. Gusto mo bang magkasakit?" sita ni Borj habang naglalakad patungo sa waiting shed. "Parang deja vu, no, Roni?"
Buwisit na lalaki talaga!
"Hindi! Wala akong maalala na ganito," masungit na sabi niya. Huminto siya sa paglalakad nang marating ang waiting shed.
Isinara ni Borj ang payong nito.
Tiningnan ni Roni si Borj. Bakas sa suot nitong light blue long-sleeved polo ang mga patak ng ulan. Umiiling na kumuha siya ng tissue sa kanyang bag at pinunasan ang nabasang polo.
"Kung makasermon sa 'kin, gano'n-gano'n na lang. Siya din pala," parunggit niya sa binata. Mayamaya ay napansin niyang nakatitig lang sa kanya si Borj. Tumikhim siya at itinapon ang tissue na ipinunas niya kay Borj. Ibinaling niya sa kalsada ang tingin.
"Ihahatid na kita, Roni," ani Borj.
Nakataas ang isang kilay na nilingon niya ang binata. "Bakit ba nandito ka na naman, Mr. Jimenez? Hindi mo ba alam na puwede akong tumawag ng pulis at sabihing ini-stalk mo ako?"
"Baka rin mas mabuting ihatid muna kita sa bahay ninyo bago ka tumawag ng pulis? May strike kasi ngayon at baka mahirapan kang sumakay ng jeep o ng taxi."
Muntik nang mapapadyak si Roni. May strike nga pala. Kanina, nang papasok pa lang siya sa opisina ay hirap na hirap na siyang maghanap ng bakanteng taxi. Nakalimutan niya iyon dahil sa sobrang dami ng trabaho. Kaya nga nag-overtime siya at siya lang ang tanging naiwan sa opisina.
"Wag mo akong alalahanin, kaya ko ang sarili ko. Umuwi ka na lang. At huwag kang mag-alala, magkaibigan lang kami ni Tonsy. Hanggang doon lang. Hindi din kami magkikita ngayon. Nasa Baguio siya ngayon, di ba?"Bago umalis patungo sa Baguio si Tonsy ay nagpaalam ang kaibigan na may dadaluhang three day seminar tungkol sa photography.
"Alam ko, at hindi si Tonsy ang dahilan kung bakit ako nandito kundi ikaw," nakangiting sabi ni Borj.
BINABASA MO ANG
Bizarre Tale
RomanceRoni Salcedo was an events coordinator. At sa isang charity event, nagkrus muli ang mga landas nila ng pinakababaero at pinakahaliparot na lalaking nakilala niya---si Borj Jimenez. Seven years ago, he ruthlessly broke her heart. Kaya no way na haya...