🤍 Chapter Five 🤍

413 38 6
                                    

NATIGIL sa paglalakad si Roni nang may humarang na tatlong babae sa kanyang harap. Pinasadahan siya ng tingin ng mga babae mula ulo hanggang paa. Ganoon din ang ginawa niya. Mukhang sopistikada at classy ang tatlo.

Napatingin siya sa babaeng kamukha ni Daisy Duck dahil sa nakangusong mga labi nito. Nilapitan siya ng babae at tiningnan ang kanyang ID nang nakataas ang isang kilay. Lalong humaba ang nguso nito na natural namang nakanguso.

Tumawa nang malakas si Roni. Hindi na kasi niya kayang pigilan ang matawa sa hitsura ng babaeng kaharap.

Tila nandidiring binitawan ng babae ang kanyang ID. "What's so funny?" mataray na tanong ng babae.

Tumikhim si Roni at saka umiling. Pero lihim parin siyang natatawa.

"Hoy, Miss, I heard ikaw ang dahilan ng pag-aaway nina Junjun at Borj sa canteen," nakataas ang isang kilay na sabi ng babaeng kamukha ni Daisy Duck at naglakad paikot sa kanya. Malamang may dagdag-bawas na ang nakarating na balita rito. Kung mag-eeskandalo ito, malamang ay walang masyadong makakakita sa kanila dahil nasa gilid sila ng HRM building kung saan ay walang gaanong estudyante. Nang bumalik ang babae sa harap niya ay pinamaywangan siya.

"Tigilan mo ang panlalandi sa kanilang dalawa. Ang kapal mo, pinagsabay mo pa sila, akala mo kung sino kang maganda! You're nothing but an ordinary little bitch!"

"Yeah. So feelingera. Huwag kang buntot nang buntot kay Borj. He's mine!" sabi ng isa na super rebonded ang buhok, nagmukha na tuloy na-tipus.

"Huwag kang feeling-maganda, girl," wika pa ng isa na medyo may-katabaan pero sobrang hapit naman ang revealing dress na suot. Nagmukha tuloy suman.

Roni smirked. "Stop acting bitches. Mas super bitch ako sa inyo," pang-aasar niya sa tatlo. Hindi siya papayag na ma-bully ng mga mahaderang babaeng ito. Iiwan na sana niya ang tatlo nang banggain siya ni Daisy Duck. Nalaglag ang mga hawak niyang notebook.

"Ambitious Daisy Duck," naiinis na sabi niya.

"What?! Lalaban ka, ha?" nanlalaki ang mga matang sabi ni Daisy Duck. Sinipa pa ang notebook na dapat ay pupulutin niya.

"Roni!"

Bumilis ang tibok ng kanyang puso nang tawagin siya ng isang pamilyar na boses. Napaatras ang tatlong babae, lalo na nang mabilis na nakalapit sa kanya si Borj. Pinulot niya ang kanyang mga notebook at tumayo na.

"Hey, you okay?" masuyong tanong ni Borj. Tila alalang-alala itong ininspeksiyon siya.

Nginisihan niya ang tatlong babae na tila nang-iinggit. "I'm fine. Wag ka nang mag-alala. Wag mong masyadong ipakita na deads na deads ka sa 'kin," nakangising sabi niya kay Borj nang mapanganga ang tatlo.

Nagkibit-balikat lang si Borj sa sinabi niya. Pero nakatiim-bagang na binalingan ang tatlong feelingera. "What do you think you're doing?" galit na sabi ng binata.

"It's her fault, Borj! Siya ang nauna, and besides, pinagtatanggol ka lang namin," nagpapaawang sabi ni Daisy Duck.

"Subukan ninyo pang lapitan uli siya and you're dead!"

You're dead. Parang F4 punch line lang, sabi ng isip ni Roni. Hinawakan ni Borj ang kanyang kamay at marahan siyang hinila palayo roon. Nilingon uli niya ang tatlong feelingera at binelatan. Sabay-sabay pang napapadyak ang tatlo.

Binalingan niya si Borj na kunot na kunot pa ang noo. "Once again, you've saved the day, Mr. Dark Knight. Paano mo nalaman na nandoon ako?"

Tiningnan siya nito. "Nasa kubo ako nang may lumapit sa 'kin at nagsumbong. Ang sabi ng isang schoolmate natin, naroon ka raw at parang inaaway ng tatlong babaeng 'yon." Tumigil sa paglalakad ang binata at binitawan siya. Napu-frustrate na inihilamos nito ang mga kamay sa mukha.

Bizarre TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon