Seven years later
RONI rolled her eyes as she watched Missy wave good-bye to her longtime boyfriend, Yuan.
"Naiinggit ka lang," sabi ni Missy kay Roni nang magbalik ito sa kanilang mesa.
Kunwa ay naubo siya at itinuro ang sarili. "Me? Nevah!" maarteng sabi niya at ininom ang caramel frappe. Nasa Starbucks sila dahil napag-usapan nilang magkita pagkatapos ng kanilang trabaho.
"Seriously, Roni, bakit single ka pa rin hanggang ngayon? Magtu-twenty-three ka na in two months."
"Hindi naman masamang maging single ang mga twenty-three years old."
Missy glared at her.
Natawa naman siya. "What? It's true. Twenty-three is fine, it's not like I'm turning forty."
Nakatikim si Roni ng pabirong sabunot sa kaibigan. "Wag mong sabihin sa 'kin na dahil 'yon kay Borj?"
Umiling lang siya.
"Can't you just admit that you are still in love with him after all these years?"
"I'm not, okay?" she said defensively.
"Kung gayon bigyan mo ako ng dahilan kung bakit single ka pa rin hanggang ngayon. Ikaw din, magiging shonda kang dalaga."
Humiwa siya ng kaunting chocolate chip muffin at sinubo. "Hindi ko rin alam. Siguro dahil hindi ko pa siya nakikita. Ang gusto ko kasi pag pumasok ako sa isang relasyon, siya na talaga."
"Echosera!"
Tumawa ng mahina si Roni. "Fine, gusto mong ipakilala ko ang mga naka-date ko na. Ben, the jerk. Cyrus, the bore. Andrew, the playboy. Who else?"
"Then lower your standards, Roni. Palibhasa naghahanap ka ng tulad ni Borj."
Hindi makapaniwala na tiningnan niya ang kaibigan. "Bakit ba pinagpipilitan mo si Borj? Haller! Why would I want someone like him? Para akong naghanap ng bato na ipupukpok sa ulo ko."
"What about Tonsy?" mayamaya ay sabi ni Missy.
Natigilan siya nang marinig ang pangalan ng kakambal ni Borj. "We're just friends, Missy. Sinabi ko na sa kanya 'yon." Nagpapalipad-hangin si Tonsy sa kanya. Noong una ay todo-iwas siya. As much as possible, ayaw niyang makipag-ugnayan sa kung sinong may kinalaman kay Borj. But Tonsy was so charming, she couldn't resist him. Mabait pa. Mula nang nagkaintindihan sila na hanggang friendship lang ang kaya niyang ibigay ay tinanggap na niya ang lalaki sa kanyang buhay. Unfair din naman na idamay niya si Tonsy sa nakaraan nila ni Borj.
"Alam ba ni Tonsy ang nakaraan ninyo ng kakambal niya?"
Umiling si Roni. "Ayoko nang pag-usapan pa uli iyon. It's all in the past now. Hindi na 'yon mahalaga kaya hindi ko na ipinaalam kay Tonsy." Two weeks na mula nang makilala niya si Tonsy Jimenez. Nakasama niya ito sa gimik nang minsang isama siya ni Missy. Nagkataong kaibigan pala ni Tonsy si Yuan. Nang ipakilala ni Yuan si Tonsy sa kanya ay hindi niya naisip na kakambal nito si Borj. Hindi kasi magkamukha sina Borj at Tonsy at magkaibang-magkaiba ang ugali ng dalawa.
Pero habang tumatagal ay nalaman niya na si Tonsy nga ang fraternal twin ni Borj. Minsan nang nabanggit ni Borj ang tungkol kay Tonsy noon. At ang natatandaan niya sa ibang eskuwelahan nag-aral si Tonsy. She never got a chance to meet him.
"Anyway, let's change the subject. Sumasakit na talaga ang ulo ko," pag-iiba niya sa usapan.
"Whatever, ampalaya kong friend. Sasama ka bukas, di ba?"
Umiling siya. Birthday ni Yuan bukas at may surprise party na inihanda ang kanyang kaibigan.
"Hindi talaga ako makakapunta. Tulad ng sabi ko, may event ako bukas." Isang event coordinator si Roni sa pinakamalaking event management company---ang The Quest. Sila ang nag-aayos ng mga event na may kinalamann sa mga exhibit.
BINABASA MO ANG
Bizarre Tale
RomanceRoni Salcedo was an events coordinator. At sa isang charity event, nagkrus muli ang mga landas nila ng pinakababaero at pinakahaliparot na lalaking nakilala niya---si Borj Jimenez. Seven years ago, he ruthlessly broke her heart. Kaya no way na haya...