Zayn
"HAPPY NEW YEAR!"
Malakas na sigawan namin sabay batian ng halik.
"Happy new year, momhee." Bati ko kay Heather sabay halik sa mga labi nya.
"Happy new year din, dadhee." Masayang bati nya sabay lambitin sa leeg ko.
"Kain na tayo dali!" Excited na aya samin ni mommy. Kumuha naman kaagad ng plato ang mga kasama namin.
"Anong gusto mo, dadhee?" Tanong sakin ni Heather.
"Ikaw!" Walang kagatol-gatol kong sagot kaya biglang namula yung mukha nya.
"Pagkain yung tinatanong ko, mukha ba akong pagkain?" Inirapan nya pa ako.
"Yes!" I quickly answered again kaya nilapitan nya na ako at kinurot sa tiyan.
"Grabe talaga yang bunganga mo, Javadd. Nakakainis na!" Gigil nyang sabi pero tinawanan ko lang sya.
"Ituro mo kung anong gusto mong kainin." Iniba na nya yung sinasabi nya. Napanganga naman sya nang ituro ko sya kaya binali nya yung daliri ko.
"Bwisit ka! Ikaw na ngang kumuha ng pagkain mo." Natatawang sabi nya at inabot sakin yung plato.
"Napakagreen ng utak ni kuya." Natatawang sabi ni Safaa.
"Mana sa tatay." Sabat naman ni mommy.
"Bat nadamay na naman ako dyan?" Sabi naman ni daddy.
"Ikaw talaga, pag inaano yang anak mo damay ako palagi." Dad added.
"So anong gusto mong palabasin ngayon, Yaser?" Namewang pa si mommy.
"Wala naman hon, tama ka naman dun." Biglang sabi ni daddy kaya sabay-sabay kaming napaface palm nila Heather at ng mga kapatid ko.
"Andun na dad eh, tumapang ka na dad. Namewang lang si mommy, bumaluktot ka na agad?" Kantyaw ko kay daddy.
"Manahimik ka na anak baka kung san pa mapunta tong usapan. Mahilig pa naman magflashback tong nanay mo."
"Katulad nito." Nginuso ko si Heather sa tabi ko. Mukhang di sya aware dahil busy sya habang kumakain ng pinabili nya kaninang spare ribs.
"Di mo talaga ako sasandukan, momhee?" Tanong ko sa kanya.
"Bahala ka sa buhay mo, puro ka kamanyakan na lalaki ka!" Galit nyang sabi.
"Edi hindi na lang ako kakain." Inilapag ko yung plato sa lamesa sabay upo sa tabi nya.
"Naku naman!" Aburido nyang sabi sabay tayo. Kinuha nya yung plato ko at nilagyan iyon ng mga pagkain.
"Thank you, madam." Ngiting-ngiti kong sabi nung ilapag nya yung plato sa harapan ko.
Nilagyan nya rin ako ng tubig sa tabi ko at inabutan ng table napkin. Napangiti naman ako dahil hanggang ngayon ay asikasong-asikaso nya pa rin ako sa lahat.
"Ang galing dadhee ng pagkakaluto mo dito, ang lambot ng karne." Nakangiting sabi ni Heather.
"Sa oven ko yan niluto." Sabi ko sabay subo ng pagkain ko.
"Ano na naman yang ginigilid-gilid mo sa plato mo?" Sita ko sa kanya dahil ginilid nya na naman yung mga maliliit na patatas at iba pang gulay.
"Sayo na lang." Bigla nyang sabi sabay lagay sa plato ko ng mga yun.
"Talaga naman!" Napailing na lang ako sa ginawa nya. "Ang daming gustong kainin pero ang dami ding ayaw kainin." Napakamot na lang ako sa ulo ko.
"Wag ka nang madaldal dyan, kumain ka na lang." Inirapan nya pa ako.
BINABASA MO ANG
I'm In Love With A Monster II [Zayn Malik Fanfiction Story]
Fanfiction"I'm Zayn Malik. I have a picture of a woman that I've never met before. You know what's funny? I started to have feelings for her."