Heather
"Kambal!!!!" Tili ni Reyna nang makita ako. Tumakbo din sya para mayakap ako.
"Amishu, kambal!" Hinalikan nya pa ako sa pisngi. "Namiss din kita, sissy." Baling nya naman kay Safaa at pinisil ito sa pisngi.
"Ano kambal, may baby na ba?" Hinawakan pa ni Reyna yung tiyan ko.
"Congrats!" Sabay-sabay namang sabi ng mga classmates ko kaya natawa ako.
"Nagpapaniwala kayo kay Reyna. Walang baby, okay? Virgin pa ko!"
"Ay, sayang!" Sabi naman ni Hailey. "Akala ko magkakapamangkin na ko."
"Mauna na kaya kayo ni Raze." Biro ko sa kanya kaya namula kaagad yung mukha nya.
"Gaga!" Yan lang yung nasabi ni Hailey sakin.
Umupo naman na kami ni Safaa sa pwesto namin.
"For my beautiful Safaa." Sabi ni Sky sabay lapag ng paper bag sa desk ni Safaa.
"Ayieh!" Kilig na sabi namin ni Hailey.
"Wala ka nung christmas eh, kaya ngayon ko lang yan naibigay." Medyo nahihiya ring sabi ni Sky. "Pasensya ka na baby kung yan lang nakayanan ko."
"Di naman ako materialistic na tao, Sky. Salamat dito ah." Nakangiting sabi ni Safaa at binuksan yung regalo ni Sky.
"Wow!" Manghang sabi nya nang makita yung regalo ni Sky tinignan ko naman iyon at nacute-an din ako sa regalo ni Sky. Puro iyon Mickey Mouse which is favorite ni Safaa.
"Thank you so much, Sky!" Tumayo si Safaa para yakapin si Sky.
"Kiss!" Sigaw nila Grace.
"Dyan kayo magaling!" Sabi naman ni Safaa.
"Nag Disneyland kayo?" Tanong ni Safaa.
"Yeah."–Sky.
"Daming babae dun." Sabat naman ni Calix kaya automatic na napalingon ng masama si Safaa kay Sky.
"O, ano na naman yang tingin mo?" Sabi kaagad ni Sky. Tumayo naman ako dahil baka mag-away na naman tong dalawa maipit ako sa gitna.
"Umalis pa talaga si Heather, gusto talaga akong masaktan." Sabi sakin ni Sky kaya natawa ako.
"Nambabae ka dun?" Hinablot ni Safaa yung necktie ni Sky.
"Of course not!" Tanggi kaagad ni Sky. "Yan kakasama mo kay Heather saka kay Hailey, nahawa ka na ng pagkapraning nila."
"Gago!" Binatukan sya ni Hailey.
"Siguraduhin mo lang yang sinasabi mo, Sky." Naningkit pa yung mga mata ni Safaa bago bitawan yung necktie ni Sky.
"Oo nga." Sagot naman ni Sky habang inaayos yung sarili nya. Umupo naman ako ulit sa upuaan ko.
"May gift pa naman ako sayo, kaso wag na lang." Sabi sakin ni Sky kaya niyakap ko agad sya.
"Ikaw naman, masyado kang matampuhin." Lambing ko sa kanya.
Inabot nya naman sakin yung maliit na box, nakabalot pa iyon ng gift wrapper. May inabot din sya para kay Hailey.
"Thank you, baby Sky!" Sabay naming sabi ni Hailey at sabay din namin syang hinalikan sa magkabilang pisngi.
"Yung gift ko sayo Heather andun na sa bahay nyo. Di ka pa kasi nauwi dun bantay na bantay talaga si Zayn eh." Asar sakin ni Raze.
BINABASA MO ANG
I'm In Love With A Monster II [Zayn Malik Fanfiction Story]
Fanfic"I'm Zayn Malik. I have a picture of a woman that I've never met before. You know what's funny? I started to have feelings for her."