one snob chapter 23 >> hard to think **

824 16 0
                                    

** chapter 22 hard to think **

KEENO'S POV

Maaga ako nagising, super saya ko. Grabe naman, nakasama ko ang babaeng pinakamamahal ko sa napakaspecial na lugar saken. 

Pababa ako sa dining area ng makita ko sa ate Carrie. I kissed her on the forehead at sinabayan syang kumain. 

" Hmm, ate, morning.." sabi ko sa kanya. 

" Morning, what's with you?" hindi sya nakatingin saken.

" Hah?" medyo naguluhan kasi ako sa tanong nya e. 

" Hmm, you' re fresh, at may glow ka, may nangyari ba?" tanong nya saken. 

" Ate naman, ngayon mo lang ba napapansin ang kagwapuhan ng kapatid mo?" nakapogi sign pa ko nun. 

" Pogi? No, you're not.." oo, thank you sa compliment ate hah. 

" Ate naman e..." sabi ko na lang sa kanya. 

" Joke, oo nga pala, I have something for you.."napansin ko naman na napatayo sya sa kinauupuan nya at may kinuha sya sa bag nya.

Nagulat ako na isa tong lalagyan ng necklace. Aba, bigatin si ate ahh. Minsan lang ako regaluhan nito ng mahal ah.

" Seryoso ka ate? Akin talaga to?" hindi talaga ako makapaniwala nun.

" No, hindi sayo yan, baka sa aso natin yan." naku naman, si Ate, kahit kailan, ang taray

" Hmm ate, ano nga?"tanong ko sa kanya. 

" Oo sayo yan, take a look at it."

Nung sinabi nya yun, binuksan ko agad yung gift nya. I was shocked. It was a couple necklace. At para kanina naman ang isa?

" Ate, couple necklace? Kanino ko naman ibibigay yug isa?" tanong ko sa kanya.

" Hindi mo alam?" bintukan nya ko bigla.


" Arraaayyyyyyy ate, sakit hah, napakasadista mo talaga" napahawak ako sa ulo ko dahil ang sakit kaya ng batok saken ng ate ko.

" Kulang pa yan, tama ba naman na itanong mo ko kung kanino mo ibibigay yung another pair ng necklace, kanino pa ba?" sabi nya naman.

Bigla kong naalala si Shane, oo nga nuh OMO hahaha, kaya mahal ko tong ate ko kahit napaka sedista nito.

" Ate, I love you.. love  you.." sabay kiss ko sakanya.

" Ewwww, maligo ka na nga muna.." sabi nya naman saken habang tinutulak nya ko palayo.

Paakyat pa lang ako ng makita ko si mom. Aminado ako na hindi ako close sa kanya, that's why, hindi kami madalas mag-usap.

" Hijo.." tawag nya saken.

" Hmm," yun na lang nasabi ko.

" Can we talk for a while?"

Hindi naman ako tumanggi. Pumunta kami sa room nya para dun mag-usap. Matagal na rin ng magkaroon kami ng ganitong pag-uusap.

one snob [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon