one snob chapter 8>> the two men

2.2K 24 4
                                    

 CHAPTER EIGHT

Ngayon, Monday na naman at kailangan na naman na pumasok sa school. Practice pa ng play. Parang tinatamad tuloy akong pumasok pero sinundo kasi ako ni bhe bhe Eiros eh kaya no choice.

Maaga kami nakarating sa school. Sarado pa yung room, ang ginawa namin, tumambay kami sa cafeteria. Naisip ko na lumabas muna saglit para mag-ikot ikot. Buti hindi ako pinigilan ng bhe bhe ko. Napadaan naman ako sa audi pero wala ako balak tumambay. At hindi ko akalain na nandun na si Keeno. Napansin ko nakabrace yung isang braso niya. Nung makita ko yun, nanlumo ako. Alam ko na dahil saken, napilayan siya. Hindi ako nagpahalata na sumilip ako kaya dali-dali akong umalis pero sadyang ang lakas ng pandama nito kaya bigla niya kong sinisitan.

“ Ssshhhhttt..” tawag niya saken.

“ Ahh,” ako naman, kunwaring hindi alam na ako yung tinatawag niya. Bigla ba namang lumapit saken.

“ Haixxtt. Wala ka namang headset ahh..” sabi niya saken paglapit niya.

“ Wala nga, b-bakit ba?” medyo nagtaray pa ko nun.

“ Bakit hindi ka pumasok sa loob?”

“ Ah, wala naman akong plano na pumasok he, napadaan lang ako..” asus, palusot na naman ako.

“ Hmm, ok ka lang ba?” tanong niya saken.

“ A-ako? O-oo” yun naman ang sinabi ko habang nakatingin sa braso niya na may brace. Bigla niya namang tinakpan yun gamit ang dala niyang jacket.

“ Hmm, wala to..”

“ Dahil ba yan sa..” putol pa yung pagkakasabi ko.

“ Hindi ahh.. sa practice namin to.. natumba kasi ako.. tsaka natural na sa mga dancer to” nakangiti  pa sya habang sinasabi yun pero alam kong nagsisinungaling siya.

Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko at gagawin ko to. Naghanap ako kung may ballpen ako sa bulsa ko. Yun, buti na lang, meron. Sign pen pa. lumapit ako sa kanya at hinawakan ko yung braso niya na may brace. Una, nagdrawing muna ako ng butterfly, hindi nga lang ganun kaganda pero pwede ng pagtyagaan. Tapos nilagyan ko ng pirma ko. Napansin ko na tumawa siya habang sinulat ko yung mga yun.

“ Anong nakakatawa? Panget ba?” yun na lang ang sinabi ko.

“ Hehehehe, wala lang, nakakatawa ka kasi..” tumatawa pa siya. Hmm, baliw to, wala namang nakakatawa.

“ Hmm, ewan..” ang ginawa ko, biniro ko siya, pinalo ko nang mahina yung braso niya tapos napaaray naman siya. Ako naman ang natawa. Patas na kami.

“ Arraaayyy hah, “ yun lang sabi niya sabay kurot sa pisngi ko.

Naninibago ako. Hindi kami ganito noon ni Keeno, dati, parati kaming nag-aaway. Ngayo, nagbibiruan na kami. Kahit papaano, Masaya na ko dahil pakiramdam ko, unti-unti naming nakikilala ang isa’t-isa. Ngayon ko lang din nakita na ngumiti siya. Yung ngiti na ang aliwalas sa paningin. Ang cute niya tuloy tingnan. Haiixxxt, Shane, ano bang iniisip mo.

Bigla kong naalala na naghihintay pala si bhe bhe saken kaya kailangan ko nang magpaalam kay Keeno.

“ Hmm, nga pala Keeno, mauna na ko, nasa cafeteria kasi bff ko eh, baka mapagalitan ako.” Tapos paalis na dapat ako nang bigla niya kong tawagin kaya napalingon ako sa kanya.

one snob [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon