one snob chapter 9>> the mini concert

1.4K 34 1
                                    

Chapter nine

Grabe, aga ko nagising, naman o! di ba pwedeng magbreak? Kakaasar!!!! No choice, pinapatawag kasi kami ni mam Magtibay. Madilim pa nga nung umalis ako. Ang pinakain lang ni mama saken, 2 piraso ng eg sandwich, hindi kasi nakapagluto dahil late na siya umuwi kagabi, After nun, bumyahe na ko. Brrr,,, lameggg talaga… nag-antay ako ng jeep sa kanto namin. Mga ganung oras, madami pang masasakyan nun kaya hindi naman ako natagalan sa paghihintay ng masasakyan.

Mga  15 minutes lang siguro, may nasakyan na ko. Tapos pagdating ko sa school, onti pa nga lang ang tao. Pero yung mga ka-org ko, andun na. naghihintay lang sa may bench sa tapat ng Nexus building. Andun kasi yung hg namin e baka wala pa si Ms. Magtibay. Paglapit ko sa kanila, naggreet agad sila saken. Hehehe, kaya mahal ko tong mga  kasama ko sa org e, ginagalang nila ako. Ang ginawa namin, pumunta na lang muna kami sa carenderia sa labas ng school, sarado pa kasi cafeteria namin e pati canteen. Doon na lang muna kami tumambay hanggat sarado pa hq. Bumili kami ng makakain. Yung saken, bumili na lang ako ng hotsilog para mabigat sa tyan, may practice kasi uli kami sa play namin. Tapos ayun, nagkwentuhan kami nang kung ano ano pero karamihan, about sa plans ang pinag-uusapan namin.

Bumalik kami ng room, 6:25 am na. Maliwanag na tsaka nakita namin, bukas na yung hq so andun na yung adviser namin. Pagpunta sa hq, pumunta kami sa kanya-kanya naming pwesto. May mga assigned desk na kasi dun para samen. And then yung adviser naman namin, tagal magstart, nagpaganda muna siya, uminom muna tapos kumain. Siguro, 30 minutes ang inabot bago magstart.

Then nung nagstart na, ayun na nga, tinanong na niya kung ano yung magiging project namin para sa Science Month. Ang sinuggest ni Mara, battle of the bands daw, hindi ako pumayag kasi nakalaan yung ganun para sa  UN month. Oo nga pala, Mara is my vice president. Magaling din siya. Tsaka siya yung mathematician ng school. And then si Loui naman, sec. namin, gay siya, he is more on writing skills, kasali nga din siya sa journalism e. ang suggest niya naman, colloids festival, dun, medyo nag-agree ako kasi related sa Science kaya lang, biglang sinabi ni Mara na gagawin daw yun ng Kahenfil. Yung club yun ng Filipino. Ako naman, napaisip, ano nga bang pwedeng iproject? Bigla kong naalala, marami ang nagrerequest na magkaroon ng museum. So I deciden na magtayo ng mini museum tapos lahat ng nandun is mga gawa sa recyclable materials tapos yung mga figure na gagawin namin is somewhat related to Science. So, lahat kami, nagcome up sa decision na yun. Grabe, ang tagal ng meeting namin hah, 9 na kami natapos.

After ng meeting, balik na kami sa kanya kanya naming room. Hindi naman kasi kami pare-pareho ng section. Ako naman, pagbalik ko sa room, may tao na. hah? Siya na naman? Tapos tulog pa? shh, hindi pa ko nasanay. Naisip ko na lang na maupo sa desk ko at tingnan cp ko. Pagkatingin ko sa phone ko, may messages na kagabi pa nasend. Galing sa unregistered #. Nung tiningnan ko yung oras kung kailan siya nagtext, it’s 12:30 mn, tulog na nga ako nito. Sabi sa text niya…

 Sender:

<0946*******>

Hi ???     

 Grabe, haba ahh. Naisip ko, replyan ko kaya. Wala naman sigurong masama.

To: 0946*******

Hmm? Slr hah??? Hu poh?

Pagkasend ko, may narinig akong phone na tumunog. OMO!!!!!!! My gosh!!!! Sa kanya bang # yun? Grrr, bakit aaarrrr naman!! Alam ko, ako yung nanghingi ng # niya e. napansin ko na nagising siya sa tunog ng cp niya. Ako naman, napayuko na lang. Pano ba namang hindi siya magigising, ang lakas ng alert tone niya tapos baby baby pa ng f4 yung tunog. Luma na. Napansin ko din na tiningnan niya yun cp niya. Noong una, hindi pa niya ko nakikita, pero nung nakita niya na ko, reply lang ginawa niya.

Sender:

<0946*******>

Hahaha morning J

one snob [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon