one snob chapter 7>> mr.sweet and mr.sungit **

2.5K 33 0
                                    

CHAPTER SEVEN   

2 days na rin ang nakalipas ng matapos ang fund raising. At ngayon, last day ng weekday. Walang masyadong teacher. Ewan ko ba, laging busy yung mga teacher dito sa McGregory National High. Oo nga pala, naku, may practice pala yung mga kasali sa play para sa buwan ng wika. Asar naman oh. Wala dapat ako dito kung di dahil sa bruha kong bhe bhe.

Pagpunta ko sa auditorium, daming tao, baka pati sila, kasali din. Wala pa naman akong kamalay-malay kung ano ang ipplay namin. Haixxt dapat, stage manager ako dito, pati ba naman sa characters, napasali ako. Buti na lang, hindi pa naayos yung mga ilalagay sa role. Kahit anong role saken, wag lang ang lead. Ayoko talaga. Ngayon kasi, ioorient pa lang kami kung ano yung magiging play namin tsaka ichacharacterized pa kami kaya maguundergo pa ng audition.

Medyo matatagalan pa raw dumating si Ms. Garcia. Isa rin kasi siya sa magmamanage ng play kaya bakante pa yung oras. Lumabas na muna kami ni bhe bhe Eiros pero bago ako lumabas, may nakita ako na natutulog sa ilalim ng puno sa tapat ng audi. Hmm? Naisip namin ni bhe bhe na lapitan. Naku, siya na naman, talaga bang habit ng lalaki na to na matulog sa kung saan saan? Hmm, iniwan na nga lang namin siya. Pero paalis pa lang kami, ginising na siya ni Lora. Napatingin naman ako sa kanila.

“ Kuya dre,..gising..” lakas pa ng pagkayugyog sa kanya. Nagising naman siya.

“ Errr..ano ba yun?” napansin ko na kinusot niya yung mata niya.

May inabot na cellphone si Lora sa kanya. Feeling may gusto lang kumausap sa kanya kaya inabot sa kanya yung phone. Haixxt, bakit ba minamanmanan ko na naman siya. Hindi ko tuloy namamalayan na kanina pa ko tinatawag ni Bhe  Eiros.

“ Bhe, ano ba? Bingi lang?” sabay palo niya sa balikat ko.

“Ah, tara..” palusot ko na lang.

Dumiretso na kami ni Bhe bhe sa cafeteria para kumain. Nagutom kasi siya. Niyaya niya naman ako para lang may kasama siya. Hahaha, baliw talaga tong bff ko eh, takot yata mag-isa. Pagpunta naman namin sa cafeteria, sakto na nandun sina Mike at ang B2sm. Kumakain din yata sila. Malamang ano pa bang pwedeng gawin sa cafeteria? Shunga shungahan lang Shane? Tinawag niya naman kami.

“ Hmm, miss beautiful..” tawag niya saken.

“ Hah, sino? Teka, ako?” nakaturo pa ko sa sarili ko tapos nalingon lingon pa ko kung may tao pa ba sa likod ko o baka si bhe bhe ang tinatawag niya.

“ Yah, ikaw nga, tsaka yang cute na kasama mo..” nakangiti pa siya habang sinasabi niya yun.

Naflutter naman ako sa sinabi niya. Parang hindi naman kasi kapani-paniwala. Tingnan mo naman tong best ko, bigla na lang akong iniwan. May crush kasi siya sa b2sm eh. Hehe, si Mark. Kaya ganun na lang kung makalapit eh. Sumunod na lang din ako.

“ Kumain naba kayo?” sabi naman ni Mike sabay tayo sa pwesto niya para ialok yung upuan niya.

“ Ah, hindi pa, bibili pa lang kami ng kakainin namin.” Sabi ko naman.

“ Hmm, ako na bibili ng makakain niyo. Umupo na kayo.. hoi, Mark, ano, ayaw magpaupo” nakita ko naman na binatukan niya kasama niya.

“ Hehehe, naku, wag na, nakakahiya.” Sus tanggi pa to si bhe bhe, kunwari pa gusto naman.

“ Ah, nah, ok lang..umupo ka na.” sabi naman ni Mark.

“ Talaga, thanks” todo ngiti naman ni bhe bhe na may halong kilig.

“ Ah, teka, Shane, ikaw, umupo ka na rin” alok naman ni Mike.

“ Ah, hehe, thanks” ako naman, umupo na.

one snob [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon