CHAPTER FOUR
Pag-uwi ko sa bahay, si mama, nagluluto ng dinner namin. Yung isa kong kapatid, wala pa. gabi kasi ang uwi niya. Yung bunso naman, nasa court. Lumapit ako sa mama ko. Nagbeso ako sa kanya at napansin ko naming good mood siya.
“ Ma, sorry, I’m late.” Mahinahon pa yung tinig ko na para bang naglalambing.
“ It’s ok nak. Next time, ayoko nang ginagabi ka ng uwi. Oo nga pala, may natira pang ulam dyan baka gutom ka?”
“ No ma, busog po ako. Sige po, pasok lang ako sa kwarto magbibihis lang po.”
Pagpasok ko ng kwarto, super dama ko yung pagod. Bigla na lang ako nahiga sa kama ko ng hindi man lang naghuhubad ng uniform. Well, hindi naman talaga ako magtatagal sa pagkakahiga. Gusto ko alng ipahinga yung katawan ko. Walang ano-ano, biglang nagring yung phone ko. Kala ko naman, tawag na, text lang pala. At si bhe bhe Eiros lang naman yun.
>Hoi, bhe bhe kong loka, nkauwi ka na?
>Ou, nakauwi na ko J bakit?
>Wla ln!!!
>Bruha ka tlga
>Geh, mgkwento ka sken bukas…
Haha baliw tlga tong bhe bhe ko. Nang medyo naramdaman ko na hindi na ko pagod, naisip ko na magshower. Feeling ko kasi nanlilimahid na ko. Dagdagan a na nabasa ako kanina. Pinaglinis pa ko. Bwisit talaga.
Hindi naman ako nagtagal sa shower. Mga 30 mins lang naman. Hahaha, dami ko kasi seremonyas eh. Nagsuot lang ako ng maiksing shorts at loose na t-shirt. Ganun lang ako pumorma sa bahay. Kala nga ng mga bisita ni mama eh tibo ako kahit yung mga kaklase ng mga kapatid ko. So what? Eh dun ako comportable.
Paglabas ko ng kwarto, nakita ko na yung bunso kong kapatid. Si Rick. Maraming nagsasabi na mas gwapo siya kaysa kay Noel pangalawa naman. Kaya alng medyo suplado pero sanay na ko. Pawis na pawis pa siya dahil nga galling sa basketball. Pinagsabihan ko agad siya. Sanay na yang mga kapatid ko nay an sa akin. Alam na nila na pag may mali akong nakita sa kanila, sasawayin at sasawayin ko talaga sila. May takot kasi yang mga yan sa akin. Kahit na mga nasa teenage na kami at hindi nagkakalayo ang mga age namin, they respect me as their ate kaya proud ako dun.
“ Rick, pawis na pawis ka, magpunas ka nga dun at hugasan mo yang mabuti ang paa mo.”
“ Opo…” nakasimangot pa sakin tong kapatid ko.
“ Nakasimangot ka ba?” kunwari hindi ko alam na nakaganun nga siya.
“ Hindi po. Sige punas na ko,”
“ Ok, dalian mo at kakain na tayo.”
Matapos kong kausapin ang bunso namin, pinuntahan ko na si mama sa kusina. Luto naman na lahat ng pagkain. Simple lang naman ang niluto niya. Adobong manok tapso nagsangag din siya ng kanin tapos meron pang side dish na fried talong.
Pagdating sa pagkain, laging nahuhuli ang pangalawa kong kapatid. Maaga kasi magluto si mama. Minsan, naabutan naman niya kami pag maaga ang uwi niya. Nagkakasabay lang kami kumain pag weekends kasi lahat nasa bahay. Pero para may kasabay si Noel, nagtitiraako ng fruits na pwede kong kainin habang hinihintay siya. Ayun, nagkekwentuhan kami. Open kasi siya sa akin kaysa kay mama. Alam niya kasing papagalitan siya pag hindi nagustuhan ni mama ang ioopen-up niya lalo na pagdating sa love life. Ako naman, siyempre, bilang ate, kailangan ko rin silang i-guide sa tamang daan. May mga pangarap din kasi ako para sa kanila. Haha, parang nanay lang din ako… haha. Anyways, natapos sa pag-aayos ang kapatid ko sa sarili niya. Ready na kaming kumain tatlo. Nakapaghain na rin naman ako. At syempre, bago kumain, hindi namin nakakalimutan na magpray. And after the prayer, ayun, kainan na. nagkwentuhan kami about sa mga nangyari ngayong araw.
BINABASA MO ANG
one snob [ COMPLETED ]
Teen Fictionsabe nila, mas maganda daw na ang hanapin mong kapartner e yung kaparehas mong ugali, say ko naman,it's better to find a person differ from you... hindi namn kxe porket perfect tayo, our relationship will go on the same way, pero pag mas kakaiba, ma...