one snob chapter 25 >>missing him **

814 18 0
                                    

** chapter 25 missing him **

SHANE'S POV

I woke up early in the morning, naalala ko bigla, bukas na pala ang Science fair. Ilang araw na rin akong walang tulog dahil sa Keeno na yun. Hmm, cometo think of it, oo, ilang araw na nga kaming hindi nagpapansinan. Buti na lang, andyan ang mga kaibigan ko para sumuporta saken... And marami na rin akong haters ngayon pero hindi ko na lang sila pinapansin at iniintindi. 

Palabas na ko ng room ko pero nakita ko si mama na nasa front door. Panigurado, pipigilan na naman nya ko na pumasok para lang pakainin ako ng breakfast. Ilang araw na rin kasi akong hindi kumakain ng almusal ee. 

" Hindi kita papayagan na umalis ngayon nang hindi man lang kumakain ng breakfast mo.." sabi nya sken. 

" M-ma, ok lang po ako, tsaka, kumakain naman po ako sa school e" kahit sa totoo lang, kung hindi ako dinadlahan nila bhe bhe ng pagkain,wala naman akong balak kumain e.

"  Pero ngayon, I want you to eat your breakfast here.." pansin ko na seryoso na si mama nun kaya naman sinunod ko na lang sya. 

Nilapag ko na lang muna ang bag ko sa sala then I went to our dining table. Nang makita ko ang pagkain, I was shocked kasi ang dami ng food para sa breakfast lang. Hindi ko naman kayang ubosin to. 

" Ma, akin ba lahat ng to?" tanong ko sa kanya. 

" Of course, ubusin mo yan.." sabi nya saken. 

Mama naman e -___- pano ko to mauubos e ang dami nito, ahh, alam ko na, titirhan ko na lang mga kapatid ko, tutal, wala namang inaayawan yung mga yun e. 

My mom sat in front of me na may hawak na cupfo coffee. Naku, mukhang heart-to-heart talk ito. Hindi pa ko ready nuh =____= ayoko nga na umiyak sa harap ng mama ko. Mahirap na baka ano pa lumabas sa bibig ko. 

" Nak" sabi nya saken. 

" Poh?" sabi ko naman sabay inom sa milk ko. 

" May problema ka/" nang sinabi ni mama yun, halos mabilaukan ako. 

" H-hah? O-ok n-naman po ako, b-bakit nyo po natanong?" ok, kamusta naman ang pagsstutter ko? 

" Wala lang, napansin ko kasi na these past few days, everytime na makikita kita at pagkagising mo, laging maga ang mata mo, i thought you're crying.." naku  naman, napansin pa pala ni mama yun. 

" Ahh,may binabasa po kasi ako na nakakaiyak kaya ayun ^___^ " palusot ko na lang, then I gave her a fake smile. 

Wala nang ibang sinabi pa si mama but, she hugged me. Dahil dun, muntik na talaga akong maiyak. Halos sasabog na ko pero ayokong makita ni mama na nahihirapan ako, ayoko na pati yun  problemain nya pa. 

" Anak, pwede mo naman akong kausapin pag may problema ka.." sabi nya sken  habang nakayakap pa rin. 

Kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya at I kissed her on the forehead. 

" I'm ok ma, ako pa,supergirl ata to" again, I gave her a fake smile. " Toohtbrush na po ako a" then I went to the bathroom. 

one snob [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon