one snob chapter 48 >> how can i protect her?

877 12 0
                                    

a/n: oha !!!! nakapagUD na agad ako heehehehe, adik na ako ey, ayun, support lng ng support okeeeeyyyyy??????? eto na yung chapter 48 so enjoy po ...... 

MIKE'S POV

Nakita ko si Shane na nagmamadaling tumakbo. At parang umiiyak ata sya. Lalapitan ko sana sya kaya lang, umiwas sya saken at hindi man lang ako pinansin. Bigla naman akong nakaramdam ng kaba. Bakit ganito? Iba yung nararamdaman ko, parang may mangyayaring masama. Ang ginawa ko, sinundan ko sya. Paglabas ko ng gate,  ang daming taong nagkukumpulan sa kabilang side ng   kalsada. Lumapit ako at nagtanong kung ano meron. 

" Ate, ano pong meron?" tanong ko. 

" Naku, hijo., may nasagasaan na babae, kawawa nga e, ang ganda pa namn nya.."  medyo nacurious ako sa sinabi ni ate kaya naman sinilip ko kung sino yung nasagasaan. 

Nung makita ko kung sino yung tinutukoy ng matanda, parang nag-iba yung pakiramdam ko. Namanhid yung katawan ko. Bigla na lang ring may tumulong luha sa mata ko. Si Shane, nakita ko na nakahandusay sa sahig at naliligo sa sarili nyang dugo. Niyakap ko sya. 

" Shane. shane, gumising ka... !!!!! Gising Shane.." inaalog-alog ko yung katawan nya pero hindi pa rin sya gumigising. " Tulong, tumawag kayo ng ambulansya... !!! DALI !!!! " sinigawan ko yung mga taong nakapaligid samen. 

Mga ilang sandali lang, dumating na yung ambulansya at isinakay na namin si Shane dun at dumiretso na kami sa ospital. At pagdating namin dun, hindi ako pwedeng pumasok sa emergency room. Hindi ko alam, hindi ako mapakali. Kinakabahan ako na baka kung anong mangyari kay Shane.  Tinawagan ko ang mommy nya pati na rin sila Eiros at ang FBM kasama si Nei. 

" Mike, anong nangyari sa bhebhe ko?" sabi ni Eiros. 

" Nabundol sya, hindi ko nga alam pero nung huli ko syang makita, umiiyak sya.." paliwanag ko naman. 

" Ano daw sbi ng doctor? Is she alright?" --- Nei

" Hayzz, hindi pa rin lumalabas yung doctor..." sabi ko na lang.. 

Maya-maya lang, nakita ko na ang mommy nya. Umiiyak at alalang-alala. Kasama din nito ang mga kapatid ni Shane. 

" Anong nangyari sa anak ko, hah,magsalita kayo !" sumisigaw na si tita. 

" Ahhmm, tita, hmm relax lang po tayo,sure ako na....  magiging ok lang sya.." kailangan ko na lang palakasin ang loob niya. 

" Ano ba kasing nangyari sa kapatid ko?"  tanong naman ni Noel isa sa kapatid ni Shane. 

" Nasagasaan kasi sya, " sabi ko na lang.. 

Galit na galit si Noel.  Ilang sandali lang, nanahimik na uli kaming lahat. Kita sa mga muka namin ang pag-aalala. Sana, ok lang talaga si Shane. 

Maya-maya lang, lumabas na yung doctor na nag-asikaso kay Shane. 

" Doc, kamusta na po ang anak ko?"tanong ni tita. 

" Ahmmm, sorry po mrs. marami pong dugo ang nawala sa kanya, nagkaroon rin po sya ng internal hemorhage,  hintayin natin kung magigising sya, so far,  stable pa naman sya, ang kailangan lang natin, antayin syang magising.. Kailangan pa rin namin syang icheck for other damages.." paliwanag ng doctor. 

" Pwede na po ba namin syang bisitahin ngayon?" tanong ko sa doctor. 

" Oo naman, makabubuti rin kong kakausapin nyo sya." sabi nung doc. 

" Salamat po.." sabi ni tita.

After nun, pumasok kami sa room ni Shane. Ibang - iba ang tsura nya. Ang dami pang nakakabit sa   kanya.  Hindi ko na sya halos makilala. 

one snob [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon