CHAPTER SIX
Nang gabing yun, naabutan ko na sila mama pati yung mga kapatid ko. Hindi naman niya ko pinagalitan kasi nagexplain na ko sa kanya. Ay ngayon, nandito na naman ako sa school at haharapin na naman ang buhay estudyante. Ngayon, sabay kong pumasok si Bhe bhe Eiros dahil may practice din daw sila. Sinabi ko naman sa kanya ang about kay Mike. Mas kinikilig pa siya kaysa sa akin. Hanggang sa makarating kami sa room, si Mike pa rin ang bukambibig niya sa akin.
In all fairness hah,aga naming dumating. May mga classmate na rin naman kami kaya marami na ring tao sa room. Naupo na kami ni bhe bhe sa desk namin. Hanggang ngayon, wala pa rin siyang tigil kakatanong about sa nangyari kahapon. Baliw talaga.
“Bhe Shane, ano? Talagang hinatid ka niya kahapon?” niyuyugyog niya pa ko habang nagsasalita siya.
“Unli ka bhe bhe? Oo nga eh… isa pa?” ako naman, busy ako sa pag-aayos ng bag ko, nakalimutan ko kasi ayusin kagabi. Hindi ko kasi ginagalaw yung bag ko pag walang assignment.
“Ayeee..si bhe bhe oh, haha edi kinilig kagabi?”
“Ano? Hindi ah, baliw ka, bakit naman ako kikiligin eh hinatid lang naman niya ko.” Hinampas ko pa siya nun.
“ Sus, kunwari pa to… pero bhe, seriously speaking, ano ang tingin mo kay Mike?” bigla namang sumeryoso ang mukha ni bhe Eiros.
Ako naman, napaisip bigla, bakit ko ba dapat sagutin pa yun? Eh para sa akin, kaibigan lang siya. Haixxt, sinagot ko na lang ang tanong niya sa akin dahil lalo lang niya kong kukulitin pag hindi ko sinagot yun.
“Haixxt naku bhe bhe, ok, si Mike, mabait siya, gentleman, at humble. Isa pa,sarap niyang kausap pero it doesn’t mean anything ok now, happy?” nung sinabi ko yun, mukhang hindi pa siya kumbinsido pero natigil na rin siya kakatanong.
Sa sobrang pag-uusap namin ni bhe bhe, hindi namin napansin na may katabi pala kaming natutulog. Napatingin pa nga kaming dalawa. Hindi namin siya kilala dahil nakatakip ng libro yung mukha niya. Hanggang sa nagulat kami, nagising na siya. Inalis niya yung nakatakip na libro sa mukha niya at tiningnan niya kami parehoni Eiros ng masama. Tingnan mo nga naman ang pagkakataon, pumasok na uli yung hoodlum na to sa klase.
“ANG INGAY NIYO NAMAN!” yun yung sabi niya sa amin habang tumatayo siya sa upuan niya at inayos niya pa yung uniform niya dahil medyo nalukot yun.
“ Naku sorry Keeno, hindi namin alam na natutulog ka dyan..” biglang sabi naman ni bhe bhe Eiros.
Nasobrahan ata sa bait tong bhe bhe ko hah. Tiningnan ko nga siya na para bang gusto kong sabihin na hindi na siya dapat nagsorry.
“ Sa susunod, kung magkekwentuhan kayo, dun kayo sa may bench o di kaya dun sa stadium… nakakadagdag na nga kayo sa ingay ng iba bwisit!” tumayo pa siya sabay sipa sa desk niya.
Aba, ang yabang! Kala mo kung sino! Tsss, bakit ba siya natutulog sa classroom,wala siya sa bahay nila para matulog siya dito. Akala niya palalampasin ko yung ginawa niya sa bestfriend ko. Paalis na sana siya pero sinigawan ko siya. Napansin ko naman na nagtinginan sa amin yung mga classmates namin. So what? Hindi ko palalampasin ang hoodlum na to na mambastos ng kung sino sino lang.
Kahit nakatalikod siya sa akin, ok lang. nagsalita pa rin ako. Kahit na alam kong maraming nagkakagusto sa kanya sa roo namin, wala akong pakialam, president ako ng student org kaya dapat tinuturuan ng leksyon ang mga tulad niya. Yung mga tulad niya na walang modo at arrogante ay dapat na hindi pinapalagpas.
“ Hoy, lalaking mayabang, akala mo kung sino ka, anong problema mo? Kung nagrereklamo ka dahil sa ingay, pwes, lumabas ka… wala ka sa kwarto mo para matulog ka at magrereklamo pa pag nagising ka!” nakasigaw pa ko nun habang nagsasalita ako.
BINABASA MO ANG
one snob [ COMPLETED ]
Teen Fictionsabe nila, mas maganda daw na ang hanapin mong kapartner e yung kaparehas mong ugali, say ko naman,it's better to find a person differ from you... hindi namn kxe porket perfect tayo, our relationship will go on the same way, pero pag mas kakaiba, ma...