ONE SNOB CHAPTER 2>> the war

3.5K 53 2
                                    

CHAPTER TWO

Maaga akong pumasok ng school. Hindi ko alam kung bakit ganun na lang ako ka-hyper. Siguro dahil makikita ko na kung paano mahihirpan ang mayabang na hoodlum na yun. Natatawa nga din ako sa sarili ko dahil pakanta-kanta pa ko habang pumapasok. Bigla naming napansin ako ng bhe bhe Eiros ko. Nagtataka siya kung bakit ang saya ko.

 “ Oh, bhe Shane, anong meron at ang saya mo dyan?”

“ Ah, ako? Hahaha, isang napakagandang araw lang to para sa akin”

“ Talaga lang ahh…”

Matapos naming magkwentuhan, naisip naming na pumunta na sa Hq. nakita ko agad ang hoodlum/mr.yabang. Hindi ko alam kung bakit hindi ako iritado nung makita ko siya. Nakangiti pa nga ako habang nakatingin sa kanya. Binati ko pa siya hah. Siya naman, sinupladuhan lang ako. Yabang talaga! Sige lang, namnamin mo yan ngayon dahil mamaya, makikita mo.

Matagal-tagal din akong nanahimik at abala sa pagcocomputer. Gumawa ako ng report para sa Science fest. At tungkol naman sa Sandoval na yun, hinayaan ko lang na mabagot siya. Pero sadyang may angking kalokohan talaga tong loko na to kaya naasar na naman niya ko. Tama ba naming batuhin ako ng stressball? Bwisit talaga! Get lost! Sinigawan ko talaga siya.

  “ Sandoval!!!!!!! ANO BANG PROBLEMA MO!” binato ko rin sa kanya pabalik ang stressball.

“ Hoy! Miss president na panget, pinaglalaruan mo ba ko?”

“ Anong sinabi mo? Paulit nga?” talagang pinandilatan ko siya ng mata.

“ Ang sabi ko, MISS PRESIDENT NA PANGET ano ulitin ko pa?”

Kapal ng mukha. Arrgghhhh damn Keeno talaga. Kala mo kung sinong gwapo. Naasar ako sa sinabi niya kaya nagdabog ako sa harap niya.

 “ Who cares sa mga sinasabi mo? Alam mo, kung wala kang matinong sasabihin, just shut your mouth at hintayin na lang natin si Ms.Magtibay. “

Nagulat ako ng bigla siyang lumapit sa harapan ko. Halos magkadikit na yung mukha naming kaya napaatras ako sa desk ko.

 “ Ikaw! Kung inaakala mo na walang nasasayang sa oras ko, pwes nagkakamali ka! May practice kami kaya kung wala kang mahalagang sasabihin, aalis na ko!”

“ Hoy Sandoval, baka nakakalimutan mo, may kasalanan pa kayo ng grupo mo!” bigla ko siyang tinulak.

“ Diba sinabi ko rin kahapon na makikipag-usap lang ako kapag kinausap mo na….” bigla kong pinutol yung pagsasalita niya.

“ I already talked to Mike. At alam mo ba, mas may sense siyang kausap kaysa sayo. Kaya maupo ka dyan at tumahimik ka.”

“ Oh talaga? Tss! A guy like him? Sabagay, pareho lang kayo, you’re both loosers… kaya nga nagkakaintindihan kayo diba?”

Medyo nainis ako sa sinabi niya. Yabang talaga, napakaarogante pa. magsasalita na dapat ako ng biglang pumasok na si Ms. Magtibay. Bigla naman uli akong kumalma.

Hindi ko na lang muna ibinaling ang atensyon ko sa hoodlum na yun. Ang ginawa ko, kinuha ko ng mauupuan ang adviser namin at binigyan ko siya ng maiinom. Hinintay ko na muna na maubos niya yung iniinom niya bago ako magsalita. Hanggang sa si Ma’am na nga ang unang nagsalita.

 “ Ok, so what is this all about?”

“ Hmm, mam, kasi po, kahapon, may… nangyari po kasing gulo between B2sm at DTMX,” ako na yung unang nagsalita.

“ Well, Mr.Sandoval, totoo ba ito?” tanong ni Ms. Magtibay habang inilagay niya yung tasa niya sa desk.

“ O-O-opo..”

“ Aba, Mr. Sandoval, hindi na ata nagiging maganda ang record mo dito sa school natin, does it mean na… gusto mo talagang ma-expel”

“ Hindi naman po sa ganun, kaya lang…” bitin yung pagsasalita niya.

Ako na mismo ang pumutol sa sasabihin niya dahil alam ko naman na magrereason out na naman siya at sasagutin na naman niya ang adviser namin. Baka lalong hindi pa masolba ang problema at hindi pa mangyari sa kanya ang gusto kong mangyari.

“ Kinausap ko na po ang grupo nila kahapon at sa way ng pagsasalita niya at reason niya, hindi po nakumbinsi ang student org, at para hindi po maging bias, kinausap ko rin po ang leader ng B2sm at sa mga sinabi niya, di hamak naman po mas makatotohanan ang mga sinabi nila. Nagtanong na rin po ako sa mga naging witnessed nung nangyari ang incident at pareho po sila ng sinabi ng leader ng B2sm.” Habang nagpapaliwanag ako, hindi ko maiwasang tumingin sa mayabang na Keeno, natatawa na lang ako sa kanya.

Habang tinititigan ko siya, nararamdaman ko na andun ang galit. So what? Kailangan mong pagbayaran mo ang kasalanan mo. Ako na rin ang tatapos sa kayabangan mo.

 “ So what’s your plan with this stupid jerk, Miss Guevarra?” nakahawak pa siya sa taenga ng Keeno na yun habang kinakausap niya ko kaya medyo natatawa ako, pinipigilan ko lang.

“ Gusto ko po sanang… pagawin sila ng community service kasama ng mga kagrupo niya.”

“ Well, Mr. Sandoval, case close. Gagawin niyo ang sinabi ni Ms,president, ok, anymore questions?”

“ Arrrggghhhhh… w-wala po” pagalit na sabi niya.

“ Ok, pwede ka nang lumabas, at yung duty niyo, wag niyong kalimutan ok? At sa susunod na maulit pa to, ipapatawag ko na ang parents mo, are we clear Mr. Sandoval?”

“ Yes ma’am”

 Napansin ko na nakasimangot siya paglabas. Tiningnan niya pa ako ng masama ang ginawa ko, inirapan ko lang siya. As if naman na masisindak niya ko. Buti nga sayo. Mayabang ka kasi. Get lost stupid hoodlum!

Hindi ko namalayan, napalakas na yung bulong ko kaya narinig ni Ms. Magtibay yung sabi ko.

 “ Anong sabi mo Ms. Guevarra?”

“ Ah, ehehehe, wala ma’am ang sabi ko po ano… ah papasok na po ako, may klase pa po ako eh, bye po” palusot ko na lang.

Naglakad na ko pabalik sa room ko. Habang naglalakad ako, hinanap ko agad kung naglilinis na nga ba ang DTMX. Hahaha, hindi ko maimagine na yung hoodlum nay un, maglilinis? Gusto kong Makita ang tsura niya habang may hawak na walis tingting at nagwawalis tapos sinasalo niya yung mga alikabok. Nakakatawa yun.

 Dahil sa kakaisip ng kung ano-anong bagay na nakakatawa tungkol sa hoodlum na yun, bigla na lang akong napaubo dahil sa alikabok. Bigla kasing may nagwalis sa harap ko nung mapadaan ako. Hindi ko alam kung sino ung nagwalis at hindi ko alam kung sinasadya niya. Medyo napuwing pa ko kaya parang nanlabo ang paningin ko pero nang maging ok na uli yung paningin ko, bigla kong nakita yung hoodlum na yun na tumatawa.

 “ What the…….arrrggghhhhhh ikaw !” talagang sumigaw ako sa kanya.

“ hahahahaha! Yan ang mapapala mo sa pagpapagawa mo sa amin nito MISS PRESIDENT NA PANGET! Welcome to hell umpisa pa lang yan…”

“ Ah, so, tinatakot mo ko? Well, nagkakamali ka Mr.Hoodlum/mr.yabang/aroganteng lalaki. Kung iniisip mo na basta basta mo na lang ako mabubully, you’re wrong.dapat lang sayo ang magcommunity service!” habang sinasabi ko yun, nakita ko yung basurahan na pinag-iipunan niya ng kalat. Tinapon ko yun.

“ Aba!!!!!.........” yun lang yung nasabi niya.

“ Oooopppsss, sorry, hindi ko sinasadya, Mr.Hoodlum, linisin mo na lang uli” ang sarcastic pa ng pagkakasabi ko nun habang nakangisi pa ko.

 Habang paakyat na ko ng room ko, sinagi ko yung balikat niya at tsaka ko siya tiningnan ng masama. Narinig ko naman na may binulong siya sa akin nung nakatalikod na ko.  

 May araw ka rin sa akin! Pasalamat ka, hindi ako pumapatol sa babae.

 A/NOTE: ENXA NA SA MGA TYPO HAHAHA HINDI KO KXE NCHECK TO EHH :) WAIT FOR MORE UPDATE TNX :))

one snob [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon