CHAPTER FIVE
Kinabukasan, maaga akong pumasok. Hindi ko alam ba’t ang aga ko kumilos. Siguro wala lang akong magawa. Tinext ko naman si bhe bhe Eiros na kumilos ng maaga. Aba, eh mukhang nahilik pa to eh. Hindi man lang kais nagreply.kainis. Ano naman kaya gagawin ko dun? Haixxt, wala na naman na kong magagawa. Nakabyahe na ko.
Naisip ko na magdalang jacket dahil medyo malamig. Maaga pa kasi,mga 5:30 palang ata. Eh ang call time ng 4th year eh 7:00 am pa. Kahit papano, may mga studyante na rin naman na pero hindi pa ganun kadami. Mga club members ata ewan. Nakita ko na wala pa ring nauuna sa student org, ako pa lang kaya nakasara pa ang hq. pati ang room namin, sarado pa. Saan naman kaya ako pwede pumunta? Nakita ko na bukas na yung cafeteria. Doon ko naisip na tumambay. Ang dami na ring breakfast na nakahanda eh hindi naman ako gutom kaya ayoko pa bumili. Ang ginawa ko, nagbasa na lang ako ng libro. May quiz kasi kami sa Physics eh.
Matagal-tagal din ata akong nakapagreview kaya hindi ko namamalayan na ang oras ay past 6 na pala. Dumami na yung mga studyante compare kanina. Naisip ko na tumayo na sa kinauupuan ko. Nakita ko na bukas na yung room namin. Sino naman kaya ang nandun? Pinuntahan ko nga. Hindi pa ko nakakalapit, may tugtog akong narinig mula sa audi. Pamilyar ang anino. Sabi na eh, ang hoodlum lang. sa totoo lang, nagmumukha siyang anghel pag sumasayaw. At aminado ako na iba ang galing niya sa pagsayaw. Kung hindi nga lang siya mayabang. Aixxtt, ano bang iniisip ko. Err… nakakakilabot.
Sa gitna ng pagtulala ko sa hoodlum na yun, biglang nagvibrate yung phone ko. Si bhe bhe Eiros, nagtext. Ngayon lang nagtext. Malamang kakagising lang nito.
>Oi, morning bhe … aga mambulabog!! :p
>Hahaha kilos na…
>Baliw gueh, w8 mo q…
>Keikei J
Matapos nun, naalala ko nga pala na may classmate na kong dumating. Dumiretso na talaga ako sa room. Nagulat ako, si Kevin pala yun. Ngayon ko lang siya naabutan na ganito kaaga. Nilapitan ko siya pero siyempre, nilapag ko muna gamit ko sa desk ko.
“ Hello Kev, aga natin hah” bati ko agad sa kanya.
“ Hmm, wala, tinamad kasi ako sa bahay eh”
“ Ah, ganun, oo nga pala, nakapagreview ka na ba sa Physics?”
“ Hindi eh..” sabi naman yun ni Kevin na para bang nakayuko pa.
Kahit naman na hindi na magreview si Kevin,kaya niya na ang exams. Matalino naman kasi siya especially pagdating sa Math at Physics, weird lang nga siya minsan. Nerd kasi siya eh. Lapitin din siya ng mga bully pero marunong din naman siya lumaban. Sa pamamagitan nga lang ng verbal.
Ang pinagtataka ko sa kanya,pagdating sa akin, iba siya. Oo, ang gentleman niya pero minsan ramdam ko na nahihiya siya sa akin. Hindi ko naman alam kung bakit. Nakita ko na nagbuklat na siya ng libro. Naisip ko na wag na lang muna siya istorbohin kaya nagpaalam na lang muna ako sa kanya. Tsaka may mga iba na rin naman kaming classmate na dumating eh.
“ Hmm, sige Kevz, alis na muna ako hah.”
“ Hmm” yun lang nasabi niya.
At yun,lumabas na lang ako. Aba, ang bhe bhe Eiros ko, ang tagal hah. Naisip ko na maupo na lang muna sa bench malapit sa audi. Nag-ipod na lang muna ako. Sa kalagitnaan ng pakikinig ko sa ipod ko, may bumato na naman ng bola sa akin. Errrm habit niya na ba talaga na gawin yun? Asar..!!!!
“ ANO NA NAMAN!” tiningnan ko talaga siya ng masama sabay ligpit ng ipod ko.
“ Slave kita diba? So, ano nirereklamo mo?”
BINABASA MO ANG
one snob [ COMPLETED ]
Teen Fictionsabe nila, mas maganda daw na ang hanapin mong kapartner e yung kaparehas mong ugali, say ko naman,it's better to find a person differ from you... hindi namn kxe porket perfect tayo, our relationship will go on the same way, pero pag mas kakaiba, ma...