one snob [ on--- g o i n g] >> the president

10.9K 115 14
                                    

CHAPTER ONE

Ako si Shane. Pangkaraniwang high school student. My friends and classmates described me as a nerd but very composed person. Aminado ako dun. Ako kasi yung tipo ng tao na gusto lahat, perfect sa paligid ko. Ang buhay ko sa bahay? Simple lang at paulit-ulit lang. una, gigising sa umaga, mag-aayos ng kama at pati na ng buong kwarto, bibili ng pagkain for breakfast, dinner, at lunch. After noon, ako na ang magluluto ng magiging food namin for the day. Minsan salit-salit kami ng kapatid ko. Ako ang panganay sa amin kaya ako ang inaasahan ng mama namin na magasikaso ng mga gawaing bahay. After doing household stuff, busy naman ako sa pag-aasikaso ng mga reports, president kasi ako ng student org sa school namin. Kailangan ko lagi magpresent ng mga school proposal sa adviser namin. It serves us our plan para sa school namin. Darating ako sa school na super haggard kahit maaga pa.

Sa school naman, ayun, isa akong nerdy type president ng student council. Lagi akong nasa hq ng org kaya bihira akong magstay sa room. Masasabi ko na masarap pero mahirap ang maging president ng isang organization. Bukod sa mga teachers, sayo rin nakasalalay ang kaayusan ng school niyo. Kaya naman ako, lagi kong ginagawa ang best ko para hindi ko madisappoint ang mga teachers lalo na ang mga student na nagtiwala sa kakayahan ko. Kahit naman na nasa posisyon ako, friendly ako. Hindi ako yung tipo ng leader na nagsusungit. Kaya siguro nung election, marami ang bumoto sa akin kasi nga, approachable ako. Alam nila na hindi sila mahihirapan na lumapit sa akin kapag may mga problem sila. May isang tao nga lang na palaging sumisira ng araw ko. Mayabang, arogante, at higit sa lahat, feeling gwapo. Hmmpp! Member siya ng dance group at E-I-C siya ng school paper namin. Siya si Keeno Sandoval. Una ko pa lang siyang makilala, mainit na talaga ang dugo ko sa kanya. Lagi siyang nang-aasar kapag nagkikita kami. Kaya nga kahit kaklase ko siya, never pa kong nakipag-usap sa kanya. Sayang, matalino pa naman pero may ugali. Bakit ba kailangan ko pang banggitin ang tungkol sa kanya? Hindi naman siya importante. Basta ang alam ko lang, KEENO is the person I hate most!

Isang araw, walang pasok ang mama ko, breakday niya kasi sa trabaho. Natapos ko na rin ang mga gawaing bahay. Bago ako umalis, nagpaalam muna ako sa kanya.

" Ma, alis na po ako. May pagkain na po dyan." Sabay beso ako sa kanya.

" ok, ingat nak, umuwi ka ng maaga"

Matapos magpaalam, lumabas na ko ng bahay at pupunta na ko sa kanto ng subdivision namin para mag-abang ng masasakyan. Buti na lang, walang masyadong pinagawa si Ms.Magtibay sa student org ngayon. Kaya naman fresh ako pagpasok.

Nang makasakay na ko ng jeep, bigla namang nagring ang phone ko. Akala ko kung sino, bestfriend ko lang pala. Si Eiros. Super cute at parang sister ko na siya. 4 years na kaming magkasama. Kaya naman kilala na namin ang isa't-isa. Nagtaka ako kung bakit siya napatawag.

" Oh bhe? Bakit?"

" matagal ka pa ba bhe bhe Shane? Paano kasi..." sabi sa akin ni Eiros na para bang hinahabol niya ang hininga niya.

" eh ano bang problema, kalma ka lang kasi"

" may kaaway yung DTMX eh"

Naku sinasabi ko na nga ba. Problema na naman sa grupo nila Keeno. Haiixxtt, lagi na lang silang may nakakaaway. Binalaan pa naman ako ni Ms.Magtibay na kapag nabalitaan niyang may nakaaway uli ang grupo nila, pati yung student org, damay. Sinabihan ko na lang muna si best na ipadala na lang muna yang mga yan sa hq at pinacheck ko kung andyan na ang adviser namin, buti na lang wala pa siya.

Dali-dali akong pumunta sa school, pagdating ko, nandoon nga ang DTMX kasama ang nakakairitang Keeno na parang wala lang nangyari. Talagang pagkaharap ko sa kanila, nagpakita agad ako ng galit. Nagbagsak ako ng gamit sa desk ko at tamang tama at nasa tapat nun ang leader nilang mayabang.

one snob [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon