Part 17

11 1 0
                                    

Habang nasa gitna kami ng diskusyon, napaisip din ako sa sinabi ni ate Venice, come to think of it, dati dalawa lang kami ni kuya, sooner or later ay magiging isang pamilya na kami. With that, bigla akong napaisip na its either maging maingat ako o subukin kong iayos ang ilang bagay.

Naputol ang pagmumuni-muni ko nang marinig ko ang isang pamilyar na tinig.

Sorry, I'm late."

Agad akong tumayo at nang makalapit ako kay kuya ay agad akong yumakap sa kaniya bilang pagsalubong. At tulad nang nakagawian, ginulo-gulo ni kuya ang buhok ko habang may ngiting nakapinta sa kaniyang mga labi. Kitang-kita ko sa mga mata niya ang kakaibang ningning nito ngayon.

After our short drama, lumapit na si bibo kay ate at ginawaran ito ng halik sa pisngi.

"Hi Babe!"

"Oopps! Sorry ate, nauna pa akong yumakap kay kuya. Pasensiya na, nasanay lang ako." Kulang na lang lamunin ako ng lupa sa hiya. Nauna pa akong sumalubong, gayong may mas dapat na mauna.

"Okay lang 'yon. Alam ko naman kung ganoon kayo ka-sweet ng kuya mo..."

Bakas ko 'yong pagkagiliw ni ate sa mga sinabi niya.

"Buti pa nga kayo, 'yong isang tukmol kasi riyan, dalawa na nga lang kaming magkasama, lagi pa akong inaaway." Sabay pukol niya ng makahulugang tingin sa kapatid.

I know deep down their hearts para rin silang kami ni bibo in a different manner nga lang pero kita at ramdam mo 'yong pagmamahal nila sa isa't isa.

"Ako pa ta...opo, sabi ko nga ako."

Kahit gaano pala katapang ang leon, tumitiklop din pala ito. Nakakatuwa rin pala ang other side nitong si Mr. President.

"By the way, how's your day, babe?" that was ate Venice.

Napaka-sweet naman ni ate.

At doon na nga po nagsimula ang tila pagbuo ng sarili nilang mundo si bibo at ate Venice habang kami ni Anton ay di alam kung saan lulugar, parang ang sarap umalis sa kinalalagyan namin dahil sa awkward moment ng sweet couple sa harapan namin...parang ang sarap lang mag-teleport sa kung saan.

"Anton, salamat nga pala sa pagsabay mo kay Kaely. I owe you one," mayamaya ay wika ni bibo ng makabalik na sila ni ate sa totoong mundo. Ang hirap palang na-in love, nakakapagpawala pala talaga ito ng tao sa paligid mo.

"Wala po 'yon, kuya," ani ni Anton.

'Di ko alam kung imahinasyon ko lang na may kakaibang kislap ang mga mata ni Anton nang mga sandaling iyon.

"Salamat!" singit ko. 'Di pa pala ako nakapagpasalamat sa kaniya kanina.

"You're welcome!" aniya sabay kamot ng batok na tila mo ba nahihiya. Napansin ko rin na tila ba medyo nag-blush siya.

"Okay ka lang, Anton?" medyo worried na wika ni ate sabay salat sa noo at leeg ni Anton.

"Okay lang po."

"Bakit ang pula ng mukha mo, sigurado ka ba na okay ka lang?"

"Opo, medyo maalinsangan lang din po siguro kaya mainit ang pakiramdam ko," anito.

I know he's lying. It's not about the weather, he is just blushing...and it's kinda cute.

"By the Anton, narinig ko kay ate mo na you dated lot's of girls...Is there someone who do capture your heart?"

Nakita kong biglang nag-iba ang ekspresyon ng mukha ni Anton, mula sa pamumula ay tila naman tinakasan ito ng dugo sa pamumutla dahil sa binitawan ni kuya.

Minus 100 pogi points agad. Medyo chick boy pala si Mr. President, though never ko naman siyang nakita sa school na may kasamang babae. Oo, marami ang nagpapapansin sa kaniya pero wala akong ni isang nakitang nakalapit man lang sa kaniya. So flirt on the outside pala...negative agad. Ekis para maging prince charming ng story ko.

"Ate naman..." akala mo batang nahuli mula sa pagkakasala.

"Ewan ko ba riyan kay Anton, masyadong pihikan. Ang dami ko nang inireto sa kaniya pero wala ni isang natipuhan. Akala mo naman gwapo."

'Di ko alam kung matatawa ba ako sa mga naririnig ko ngayon.

May pagka-control freak pala si ate kay Anton, poor Anton.

"Easy ka lang, babe. Maybe, he haven't found the right one. Saka isa pa, remember that love will find its own way." Sabay ngiti ni bibo nang matamis at ginagap ang kamay ni ate.

"Taray ng linyahan mo bibo, p'wede ko ba 'yang mahiram para sa sinusulat ko." 'Di ko mapigilang maisatinig. Dahilan naman para mapalingon sa akin si ate at Anton.

"Nagsusulat ka?" that was Anton.

"Oo, Mr. President."

"Drop that...Karl na lang."

"She's really fond...she's a hopeless romantic though." Sabay tawa nang pagak ni bibo.

Minsan, 'di ko alam kung kapatid ko ba talaga 'tong si kuya.

"Bye babe, bye Karl."

After that short farewell ay umuwi na kami ni kuya.

"I think, Karl is a nice guy." Pagbubukas ni kuya ng topic.

"Maybe..." tipid kong tugon.

Yes, I do know him pero not that much.

"Didn't you find him interesting?"

"What do you mean, bibo?" naguguluhang tanong ko, until I realize something.

"Are you planning something, bibo Ken?"

"Wala, imahinasyon mo lang 'yon, sisi." At muli na niyang itinuon ang atensyon sa pagmamaneho.

Kanina, br-in-ought up ni bibo ang tungkol sa mga nakaka-date ni Anton, este Karl nga pala. Ngayon naman, parang binebenta naman niya ito. Minsan, ang gulo rin ni kuya.

I am about to sleep, when I remember something. Tutal ay wala namang pasok bukas, naisipan kong ituloy 'yong isinusulat kong k'wento noong nakaraang gabi.

Not a Typical StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon