Part 11

65 2 0
                                    

Hay, bakit ba kasi ako pa ang kailangang magdala nitong proposal letter? P'wede namang si gov na lang. Bakit kailangang ako pa?

Nandito ako ngayong muli sa tapat ng SC office para ipasa 'yong proposal ng COEd sa President ng school council. Obviously, ayoko pa sana siyang i-meet, but I have no choice. Kung naibigay ko lang agad 'yong proposal namin, 'di na aabot sa ganito.

Ang totoo, 'di ko pa nami-meet nang personal si Mr. President, ni hindi ko nga rin siya kilala, kaya wala akong kaide-ideya kung ano ang itsura niya...na bukod sa sabi nila na gwapo raw ito. At kung ugali naman ang pag-uusapan, mukhang kakailanganin ko nang kumaripas ng takbo at magtago dahil baka mabugahan ako ng apoy nang 'di oras.

Sa kabila ng kabang nadarama ko ay naglakas loob akong kumatok, tutal ay nandito na naman ako, so bakit pa ako aatras.

Ilang sandali pa ay may nagbukas na ng pintuan. Kailangan talaga, pasasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa? Oo na, ako na ang baduy.

"Sino po sila at anong kailangan mo?" mayamaya'y tanong niya, pero 'yong atensyon niya that time ay nasa hawak kong folder.

Talagang may po pa itong si kuya?

"I'm Lhei, mula sa COEd. Ipapasa ko sana itong proposal regarding sa booth na itatayo ng bawat org this coming school festival," mahinang sagot ko.

Akala ko ay aabutin na niya 'yong folder, pero nagulat ako ng anyayahan niya ako sa loob, telling me na nandoon ang taong magre-receive ng dala ko. I thought it was him, hindi pala. Kakaba-kaba akong sumunod sa kaniya. Ito na yata ang katapusan ng career ko. Kasi si kuya kung 'di dahil sa lakad namin kahapon, malamang sa naipasa na dapat ito ni gov at hindi ako ang kailangang humarap sa kaniya.

"Anton, gusto ka raw makausap ng president ng SSO," wika noong lalaking nagbukas ng pintuan, habang nakabaling siya roon sa tinawag niyang Anton. Sinubukan ko siyang silipin upang matiyak na rin kung totoo 'yong sinasabi ng tao tungkol sa itsura niya.

"P'wede ba ikaw na lang ang magbigay sa kaniya?"

"Ayoko nga, saka kanina ka pa niya hinihintay...correction, 'yong proposal pala." At naglakad na siya palayo sa akin kaya naman napilitan na rin akong sumunod sa kaniya sa loob ng office nila.

Akmang babatiin ko ang President ng student council, pero nabitin lahat sa ere ang sasabihin ko, kaya naman pinili ko na lamang na mag-bow as a sign of greeting and respect.

"Why it took you so long to pass that proposal?" kunot noong tanong niya, pero 'yong tingin niya ay naka-focus sa hawak kong folder.

"I do really apologize if I'd caused you a delay, may biglaang family affair..may importanteng lakad kasi kami ng kapatid ko kaya hindi ko agad naipasa. Sorry for my negligence."

Kanina, para siyang ewan na hindi makatingin sa akin, ngayon naman, ayaw niyang tanggalin ang tingin niya. At ito namang isang 'to sa kanan ko, kapag nainis ako, bibigwasan ko 'to ng isa.

"By the way miss..."

"It's Lhei."

"Lhei? I thought it was Carol?" tila naguguluhan niyang tanong.

"She have decided to leave her position, sabi niya kasi, incompetent daw siya for that position," paliwanag ko. Ang totoo niyan, nagkaroon kasi ng maraming isyu si Carol sa org and she's not capable of performing her duty kaya na-appoint ako as the new president, dapat talaga 'yong VP ang papalit which is base from the law kaso adviser na rin mismo namin ang pumili sa akin kaya wala na akong nagawa para tumanggi.

"Ahm." Tila kombinsido naman siya sa mga sinabi ko.

"Heto na po 'yong lahat ng proposal mula sa lahat ng org ng College of Education." Sabay abot ko sa kaniya ng hawak kong folder, muntik ko nang makalimutan 'yong pakay ko. Agad naman niya itong inabot at mabilis na ini-scan ang mga laman.

"By Friday magse-set ako ng meeting para sa lahat ng president ng bawat org para sa pagpu-put up ng bawat booth, dito natin iplaplano kung alin sa mga booth ang p'wede at kung alin ang hindi."

Is he talking to me?

"Hindi tayo p'wede ng Friday Anton, lalo ka na dahil project presentation mo. Remember, you need to present your scale model sa panel." wika ng katabi ko matapos tingnan 'yong hawak niyang notebook.

"Oo nga pala, muntik ko nang makalimutan, after na lang siguro ng presentation ko, tutal isa lang naman ang subject ko tomorrow. Set it tomorrow Miko, around 3 pm," utos pa nito--siya siguro ang secretary ng council.

"Check, tomorrow 3 in the afternoon ay may meeting tayo with the President ng lahat ng school organization, mamaya rin ay ipapadala ko 'yong letter at mag-dra-draft na rin ako ng excuse letter nila if ever na may matatamaan silang klase." Matapos nitong mag-take down notes ay isinara na niya ang kaniyang mahiwagang notebook.

"Why are you still here, anong hinihintay mo pasko?" kunot noong tanong niya.

So totoo nga ang balita na masungit at mukhang may sanib si President, ang sungit naman niya masahol pa sa babaeng may monthly period.

"Excuse," mahina kong sabi kapag daka ay tumalikod na ako at tinahak ang daan palabas.

Not a Typical StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon