Part 13

20 1 0
                                    

Habang papunta kami sa klase namin ay panay usisa ang mga kaklase ko tungkol kay Bibo Ken, matagal na kasi nang huli nila itong makita.
"Kailan ka ba susunduin ni kuya Kenshin?" ani ni Jona.

"Oo nga, miss na namin ang kuya mo...para naman ma-inspire kaming mag-aral," wika pa ni Sandra bakas sa mga mata niya ang pag-asam na muling makikita si Bibo.

"Naku, busy siya ngayon sa project niya kaya malamang sa matatagalan pa bago ninyo masilayan ang mahal kong kapatid," tugon ko sa pangungulit nila kahit ang totoo mas busy ito sa pag-ibig niya kaysa sa project nito sa kompanya. Sabagay ayos lang naman 'yon, panahon na rin naman para harapin at isipin niya ang sariling kaligayahan after all hindi na naman siya bumabata.

"Saglit lang," pasintabi ko sa kanila. Pansamantala akong huminto para kuhanin ang cellphone ko nang maramdaman kong mag-vibrate ito. Ngunit hindi ko pa man tuluyang nahahanap ito sa bag ko ay may isang bulto na ang bumangga sa akin.

"Pasensiya na," anito sabay yukod bilang paghingi ng paumanhin.

"Okay lang. Pasensiya na rin," tugon ko nang hindi man lang siya tinatapunan ng tingin. Hindi ko alam pero kinakabahan ako, nakakaramdam ako ng pagregudon sa aking sistema. Bakit ba naman kasi sa dami nang makakabangga sa akin, kailangang si Anton pa?

"Sigurado ka ba?" Nag-aalilangan niyang tanong sa akin pero 'di pa rin ako nagtataas ng tingin. Bakit ba kasi ang hirap kalmahin ng sistema ko. Kanina naman okay pa ako nang magkaharap kami sa opisina nila pero bakit nagkakaganito ako ngayon?

"Di ba, ikaw si Anton?" Narinig kong usisa ni Carol. 

"Ako nga," mayamaya ay tugon nito. Bakas mo sa kaniyang pananalita na tila ba napilitan lamang ito na tugunin ang tanong sa kaniya.

Kita mo 'tong mga kasama ko, mga hindi na makali, si Anton lang naman ang kaharap nila. Parang mas may dating pa nga sa kaniya 'yong kapatid ni ate Venice kahit may pagka-jeprox pumorma.

"Lhei, tinatanong ka ni Anton..." nagulat na lamang ako nang biglang hilahin ni Carol ang blouse ko. Bruhang 'yon, muntik na akong mawalan ng panimbang, buti na lang at alisto ako.

"Ang kulit sabi nang okay lang ako." At nagmartsa na ako palayo dahil sa inis ko sa kanila. Hindi naman kasi tama ang ginawa nila, nakakahiya. 

"Pasensiya ka na Anton..." hindi ko na naintindihan pa ang kanilang mga sinabi dahil sa pagmamadali kong makalayo sa kanila.

Nang makarating ako ng room namin ay agad kong inayos ang mga gamit ko. Kinuha ko na rin ang cellphone ko upang makita kung sino ang nag-text at ano ang nilalaman nito. Hindi ko na kasi nabasa sa pagmamadali kong makalayo sa kanila kanina.

Bibo Ken,

Sisi, kila ate Venice mo tayo magdi-dinner mamaya. Hindi na kita masusundo, sumabay ka na lang kay Karl papunta sa kanila tutal ay sa iisang school lang naman kayo nag-aaral. Text mo na lang sa akin kung saan kayo magkikita ni Karl mamayang uwian mo ng 6. See you later.

Kita mo 'tong si Bibo, bakit kailangang si Karl pa, pwede namang siya na lang. Nakakahalata na ako...naku ipapamulto ko talaga siya kila mimo at dido.

Bibo Ken

Kuya! Nagtatampo na talaga ako sa iyo. Ikaw na sumundo sa akin sa school. Saka nakakahiya sa tao, lagi mo na lang inaabala gayong dapat ikaw itong gumagawa. Sumbong kita kila mimo at dido.

Alam ni bibo Ken na ibang usapan na kapag tinawag ko siyang kuya. Kaya hindi na ako nagtaka nang makatanggap ako ng tawag sa kaniya ilang sandali lang matapos kong i-send 'yong message ko.

"Pasensiya na Sisi, kung wala lang akong kailangang tapusin ngayon at kung hindi lang masyadong out of way ay ako talaga ang susundo sa iyo. Kaso nakakahiya naman sa ate mo kung maghihintay siya sa atin ng matagal. Kaya naman naisip ko na ipasabay ka na lang kay Karl," bungad agad sa akin ni bibo pagkasagot ko sa tawag niya.

Gustuhin ko mang magprotesta, alam kong sa huli ay wala rin akong magagawa. Bukod sa maghihintay ako sa pagdating niya sa school o sa bahay, mas maghihintay si ate Venice nang mas matagal sa amin.

"May magagawa pa ba ako. Isa pa nakakahiya kay ate kung mas male-late ka nang dahil sa akin. Sige na, pumapayag na ako. Pero last na 'to na ibibilin mo ako sa iba."

"Thanks Sisi, pasensiya na. Bawi na lang ako next time. Bye!" At pinatay   na ni bibo ang cellphone niya.

Bigla akong natureta nang  maalala kong kailangan kong ayusin ang sarili ko. Una, baka 'di ako makilala nila ate kapag ganito ang itsura ko...nakakahiya para kay bibo. Pangalawa, hindi matutuwa si bibo kapag ganito ang ayos ko.

Agad kong tsinek ang bag ko upang alamin kung dala ko ang mga bagay na kailangan ko kapag may mga ganitong emergency este, lakad pala. Lagi rin kasi akong may dalang gamit incase na may biglaang lakad kami ni bibo na kailangan niya ang matinong ayos ko.

Mabuti na lang at hindi ko pala natanggal sa bag ko ang mga bagay na kailangan ko.

Matapos ang dalawang oras na klase namin sa major ay nagmamadali akong nagpaalam sa mga kaklase ko. Agad akong tumawid sa kabilang building upang doon ko ayusin ang sarili ko. Mahirap na kasing sa building namin ako mag-ayos at baka makita pa ako ng mga nakakakilala sa akin.

Unang beses kong gagawin ang ganitong transformation sa loob ng campus. Kadalasan kasi sa madadaanan naming mall or fast food ako nag-aayos bago kami tumuloy aa pupuntahan namin. Kaso ngayon, ibang sitwasyon kasi hindi si bibo ang susundo sa akin.

Matapos kong masiguro na okay na ang lahat at mukha na ulit akong tao...matapos kong ipusod ang buhok ko nang walang tumatabing na bangs sa mata at mukha ko ay naglagay lang ako ng konting pulbos at lipbalm. Inalis ko na rin ang salamin ko, maging ang ibang palamuti ko sa katawan ay inalis ko na rin at pinalitan ito ng mga simpleng accessories. Nang matiyak ko na ayos na ang lahat ay lumabas na ako ng comfort room. Baka naghihintay na rin si Karl sa may sakayan ng jeep.

Not a Typical StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon