Part 4

81 5 0
                                    

Ang Aga-aga badtrip. Tsk!

Nandito ako ngayon sa SC. office para sana sa planning para sa nalalapit na school festival, iyon nga lang, wala pa ang mga kausap ko. Halos kalahating oras na kong naghihintay sa kanila, ngunit wala pa ni isa sa kanila ang dumarating. Kahit kailan, ang labo talaga nilang kausap.

Habang abala ako sa pagte-text sa mga kumag kong kasamahan sa SC, mayamaya ay narinig kong may kumatok sa pintuan. Baka isa na sa kanila 'yon kaya naman nagmadali akong tumayo upang buksan ang pinto. Sermon talaga ang aabutin nila sa akin.

Nang buksan ko ang pinto, nagitla ako nang mapagsino ko ang kumatok. If I 'm not mistaken, siya 'yong weird na babaeng nakasabay ko kahapon sa dyip. 'Di ako maaaring magkamali kasi bakas rin sa mukha niya ang pagkagulat nang mapagbuksan ko siya ng pinto. Iyon nga lang sa isang saglit lang, napalitan agad ang ekspresyon sa mukha niya. Well I can't blame her, sa gwapo ko ba namang 'to, 'di na nakapagtataka. Kaso parang inis ang nababasa ko sa kaniya.

Hindi ko talaga maalis ang tingin ko sa kaniya. Sobrang weird at baduy naman kasi ng outfit of the day niya--nakakasuya. Mukha naman siyang may kaya, mukha rin naman siyang maganda. But why is she wearing that kind of outfit? Saan kayang planeta galing 'yon, mukha yatang 'di niya alam ang tinatawag na fashion?

"Gu.. goodmorning nandyan po ba si Ms. Sanchez." Nagkakandautal niyang wika. No doubt, halos ata lahat ng babae ganyan ang initial reaction kapag kaharap at kausap ako.

"Ahm si Ms. Sanchez? Wala siya rito ngayon. Ang alam ko ay nasa Dean's office siya."

"Ahm ganoon ba? Salamat na lang." Pagkawika noon ay naglakad na ito palayo habang ako naman ay nakasunod lang ng tingin sa kaniya.

Owhh! I forgot to asked her name. Wala lang, she looks interesting.

Akmang papasok isasara ko na sanq anhmg pinto nang biglang mag-ring ang phone ko. Naman, o! Sino pa ba ang tatawag sa akin, si ate lang naman ang mahilig tumawag, just to check me every hour. 'Di na ako bata, pero kung ituring ako--kailangan bang lahat ng gagawin ko, reported sa kaniya?

"Bakit ang tagal mo bago sagutin?" Kita mo itong isang 'to, lagi na lang nakasigaw kaya walang nanliligaw riyan, masyadong tigre. Malamang sa tumandang dalaga 'yan, sobrang sungit din kasi.

"'Di ba puwedeng may ginagawa, kaya hindi agad nasagot?" iritable kong tugon.

"Ano 'ka mo?" Kailan kaya magsasawa si ate, nakakairita na kasi?

"Wala, sabi ko ang ganda talaga ng ate ko." Laging na lang high blood 'tong isang ito.

"Ginagago mo ba ako, ha Karl?" nanggagalaiti niyang wika sa kabilang linya.

Si ate laging ganyan, imbis na mag-thank you, nagagalit pa. Siya na sinabihan ng maganda, ayaw pa. 'Pag sinabihan mo naman ng panget, kotong lagi ang inaabot...mga babae nga naman.

"Heto na naman po kami!" Oops malas lang, 'di ko napigilang isatinig. lagot ako nito mamayang pag-uwi.

Ate Venice is my guardian, mula nang mamatay si Mama, siya na ang tumayong Nanay ko. Si Papa naman, laging busy sa work hanggang sa nag-asawa uli siya at nag-migrate sa ibang bansa kasama ang bago niyang asawa. Actually, gusto ni Papa na sumama ako sa kanila ni Tita, but I refuse kaya ayon naiwan ako sa pangangalaga ng amasona kong ate. Wala naman kasi akong pamimilian, after all 15 years old lang ako that time.

"May sinasabi ka, Karl?

"May sinabi ba ako? Baka guniguni mo lang 'yon." pagkakaila ko.

"Siya nga pala, agahan mo ang uwi mamaya, kundi wala kang allowance for the whole month."

Ano na naman kayang meron? Naman! Lagi na lang panakot ang allowance ko, syempre pagsinabi niyang wala akong allowance, kakambal na noon ang grounded ako for the whole month. Ang unfair talaga, kaso wala naman akong magagawa, sa kaniya bumabagsak ang padala ni Papa. Bukod pa roon, lagi niya pa akong binibigyan ng extra allowance. Pero sa kabila ng lahat, yang si Ate mahal ko yan.

"May pagpipilian pa ba ako?"

"Buti naman at alam mo!"

Hay talaga. Bakit kaya niya ako pinapauwi nang maaga? Anong mayroon?

"Siya sige na. Bye panget, don't be late or you're dead. Alam ko kung anong oras ang uwian mo,"

'Di na 'ko nakapag-react kasi ibinaba na niya 'yong call. Ano na naman kayang drama ng isang iyon? And I am pretty sure, irereto na naman niya ako kung kani-kanino. Mano naman kasing ihanap niya muna ng love life ang sarili niya. Ako kasi kahit 'di maghanap, madami namang nagkakandarapa sa akin. 'Yang si ate, never pang nagka-bf 'yan, may pagka-choosy kasi, 'di naman yummy.

Ang hirap talagang magpalaki ng ate.

Mayamaya pa ay nagdatingan na ang mga kumag kong kasamahan  at sinimulan na namin ang pagbuo ng konsepto para sa nalalapit na school festival.

Not a Typical StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon