Part 18

15 0 0
                                    

Two weeks ko na palang 'di nakikita si Kaelly. Kailan kaya siya ulit isasama ng kuya niya?

Hindi ko alam pero pakiramdam ko, iba na talaga ang nararamdaman ko para sa kaniya habang tumatagal. Hindi ko maipaliwanag pero sa iilang pagkakataon na nagkasama kami nandoon 'yong hindi ko maipaliwanag na kaba at saya. Ito na ba 'yong tinatawag nilang pag-ibig?

Maalala ko, hindi na nga pala ulit nagkrus ang landas namin sa school ni Kaelly. Ni anino niya ay hindi ko nasilayan, nakakapagtakang sa dalawang linggo, ni minsan at hindi man lamang kami nagkabangga ng landas.

Nasa malalim akong pag-iisipan nang may mabibining katok akong narinig mula sa pinto.

"Pasok."

Nang sa ikalawang pagkakataon ay muling kumatok ang nasakabilang panig, wala na akong nagawa kundi ang tumayo at pagbuksan ito. Matapos kong buksan ang pintuan ay walang lingon-likod na bumalik ako sa aking p'westo.

"Mr. President..."

Napalingon ako nang marinig ko ang pamilyar na tinig na iyon pero sa pagtatagpo ng mga mata namin napalis ang inihanda kong ngiti sa mga labi ko nang masilayan ko kung sino ang pinagmulan nito...it was Lhei.

"What brings you here?"

"Ito na 'yong report ng org namin regarding sa nakaraang event. Alam kong sa Friday pa ang deadline, ngunit marami akong aasikasuhing ibang bagay. Hindi ko naman maiasa sa mga kasamahan ko, dahil sa bukod sa alam kong maaari itong magdulot ng trouble, ayoko rin namang masisi mo ako sa huli." Dire-diretso niyang sabmit sabay abot sa akin ng folder na hawak niya.

Somehow, tama naman siya. Isa sa ayoko ay ang iniaasa sa iba ang bagay na sa kanila itinalaga.

"Sigurado ka ba na wala ng kulang dito at areglado na lahat? Alam mong isa sa ayoko 'yong minamadali pero hindi naman pulido ang gawa," wika ko habang iwinawagayway ang hawak kong folder.

"Tingin mo ba ipapasa ko 'yan kung hindi pa areglado 'yan? Isa pa, kung duda ka Mr. President, bakit hindi mo i-check nang magkaalaman tayo."

"You really have the guts...then let see." Gustuhin ko mang makipagtalo pa ay ipinagsawalang bahala ko na lang. I do really find her annoying, yet there's is a guarantee that she's really capable of doing her task and I'm quite impressed.

"Anong masasabi mo?" aniya habang pinasisingkit pa niya ang kaniyang mga mata.

Itong si Lhei, hindi naman kasamahan ang itsura, sadyang nakakaurat lang ang fashion sense niya na tila mo noong panahon pa ni Mahoma. I really wonder how she looks like without those big eye glasses and weird hair style.

"It is quite impressive, mabilis ngunit pulido ang gawa. No wonder why they chooses you over someone to take in charge in this position." Aniko sa seryosong tono. Hindi ko ugaling pumuri ng mga tao sa paligid ko ngunit hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at nasabi ko ang bagay na iyon.

"Salamat, Ant...Mr. President. I'm just doing my job at ayoko rin naman na sirain ang pangalan ko sa bagay na kaya ko namang gawin."

"You have a point at hindi ako kokontra sa bagay na iyon. Siya nga pala, may meeting tayo on Thursday. I know that you already submitted your report, but you still need to attend the meeting."

Oo, alam kong p'wede naman na hindi siya um-attend, but then hindi ko rin alam kung bakit ko nasabi ang bagay na iyon. I know it's quite weird that is something about her that I really want to know.

Hindi ako interesado sa kaniya, alam ko sa puso ko na si Kaelly ang gusto ko. Hindi naman sa pagiging judgemental at hindi rin naman ako tumitingin sa panlabas na kaanyuan ng tao. I've seen a lot of faces mula sa mga ipinakilala at inireto ni ate sa akin mula noon. And it is quite strange that somehow I lost interest in girls the moment that I met Kaelly...and her?

Utak, kalma...si Kaelly ang gusto mo, curious at naa-amaze ka lang kay Lhei.

I don't realize that I am spacing out, napabalik na lamang ako sa realidad nang magsalita salita si Lhei.

"Anton!" untang niya.

"Okay ka lang, Mr. President?" aniya pa.

"I'm okay, may naalala lang akong bigla." Bigla akong nahiya dahil sa nangyari. Bakit kasi bigla akong dinala kung saan ng imahinasyon ko at sa harapan pa talaga niya. Baka kung ano ang isipin niya.

"Weird!" mahinang sambit niya pero sapat na iyon para marinig ko.

"Pardon."

"Ang sabi ko, aalis na ako at may klase na ako. Salamat sa oras, Mr. President." At tumalikod na siya nang hindi man lang hinintay ang sagot ko. Sinusubok ba niya ang pasensiya ko?

Gusto ko sana siyang pigilan pero wala naman akong sapat na dahilan para gawin ang bagay na iyon. I find it quite strange pero pakiramdam ko kailangan ko siyang kilalanin. Sinundan ko na lamang ng tanaw ang papalayo niyang bulto hanggang sa tuluyan na siyang mawala sa paningin ko.



Not a Typical StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon