Part 16

17 1 0
                                    

Pansamantala ko munang iniwan sina ate at Kaelly sa labas upang makapagbihis na rin ako.

Grabe 'yong kaba ko kanina, pakiramdam ko magpapakilala ako ng girlfriend kay ate. Kanina lang bago kami sumakay ng tricycle, inisip ko pa kung sasakay talaga kami, kadalasan kasi nilalakad ko lang pauwi sa amin mula sa entrance ng subdivision dahil malapit lang naman ito. Kaso ibang sitwasyon kasi dahil kasama ko si Kaelly. Kung hindi nga lang ako dinadaga sa kaba kanina baka sa loob ako sumakay. Pero naisip ko rin na baka maasiwa si Kaelly kung tatabihan ko siya sa loob.

Ano kayang pinag-uusapan ni Kaelly at ate sa labas? Binebenta ba ako ni ate o sinisiraan? Minsan 'di ko alam kung kapatid ko ba si ate, depende kasi sa topak noon ang pagtrato niya sa akin. Pero magkaganoon man alam ko namang mahal niya ako at mahal na mahal ko siya. Kahit minsan pakiramdam ko ay gusto kong i-trade in si ate.

Agad kong inayos ang sarili ko. Simple lang ang sinuot oo, 'yong pangkaraniwang suot ko kapag nasa bahay. Alam ko kasi na kapag sinapak si ate at nakita niyang nakaporma pa ako, kantiyaw ang aabutin ko roon. Okay na 'to at least safe sa pang-aalaska ni ate. Mas okay na 'yong magalit siya mamaya kaysa naman asarin niya lang ako nang asarin.

Naabutan ko sa sala sila ate at Kaelly na nagkukuwentuhan. Pasimple akong tumikhim upang ipabatid sa kanila ang presensiya ko.

"Sakto, nandito na pala si Karl...halina muna sa komedor para makapagmiryenda kayo," ani ni ate at tumayo ito. Agad din namang sumunod si Kaelly sa kaniya kaya napahinudhod na rin ako.

Ngayong sinusundan ko si Kaelly, bakit pakiramdam ko paliyar ang bulto niya sa akin. Parang nakita at kilala ko na siya dati. 'Di ko lang matandaan kung saan at kailan ko siya nakita.

Dahil sa lalim ng iniisip ko, hindi ko namalayan na nasa komidor na pala kami at bumangga na pala ako kay Kaelly.

"Ayos ka lang, Karl? Ang lalim naman ata ng lipad ng isip mo." Makahulugang wika ni ate.

"Pasensiya na Kaelly."

"Iniisip ko lang 'yong project namin para sa nalalapit na foundation day," pangangatwiran ko.

"Malapit na nga pala 'yon, siguradong late ka na namang mauuwi."

Buti naman at tinanggap ni ate ang alibi ko.

"Kaelly, narinig ko kay kuya mo na isa ka rin sa officer ng  club ninyo," wika pa ni ate.

Officers? Bakit parang ni hindi ko man lamang siya nakikita sa mga meetings? Sigurado naman ako na kilala ko ang lahat ng officers ng mga club. Pero bakit wala akong mahagilap sa alaala ko na na-meet ko na siya

"Opo. Actually, isa po ang booth namin sa inaprobahan ni Mr. President." Sabay tingin niya sa akin na tila pinapaalala ang tungkol sa project nila. Kaso hindi ko talaga maalala kung ano 'yon. Alam kong mula siya sa College of Education kasi 'di ko naman alam kung anong major niya.

"Karamihan naman ng projects ng College of Education ay naaprobahan, saka hindi lang naman ako ang nag-decide ukol sa bagay na iyon."

"Sabagay, kahit naman late you still consider the proposal of every club and give them chance."

Bigla akong natigilan sa sinabi ni Kaelly, hindi ko mapigilang hindi mapalingon sa kaniya. May bigla kasi akong naalala...sabagay kahit naman late deserve nila na maaprobahan ang booth nila dahil mas may sense pa nga ito kaysa sa proposal ng ibang club. And their president even though she's a little bit weird, still she have a brilliant idea.

"Sometimes we need to break some rules, especially if we see some potential in it. And speaking of late, medyo pinasakit ng isa sa president ang ulo ko...though pasalamat siya at maganda ang proposal niya."

"Baka naman valid ang reason niya kaya na-late. Sometimes we need to be considerate and understand their situation." Sagot pa ni Kaelly.

Gusto ko sanang makipagtalo pa pero alam ko naman na may punto rin siya kahit papaano. Pero siguro kung nasa campus kami at iba ang sitwasyon, baka nakipagdiskusyon ako sa kaniya.

"Ang sarap ninyong panuorin at pakinggang dalawa habang nagbabalitak-takan. Siguro kapag naging isang pamilya na tayo, I will see lot of these." Tila napapantastikuhang sabi ni ate.

Hindi ko tuloy maialis sa isip ko ang posibilidad na ganoon...kami bilang isang pamilya at nasa iisang bahay. With that kind of idea, parang nagliwanag ang paligid ko--ako at si Kaelly sa iisang bahay at araw-araw ko siyang makikita.

"Sorry, I'm late."

Bigla akong bumalik sa realidad nang marinig ko ang boses ng kuya ni Kaelly.

Agad ko namang nilingon si Kaelly noon na ay nakalapit na sa kuya niya at niyakap ito habang ginulo naman ng kuya niya ang buhok nito. Si Kaelly at ang kuya niya, parang kami lang ni ate kaso mas sweet sila kami kasi ni ate parang aso at pusa kung minsan.

"Hi Babe!" Mayamaya'y baling naman ng kuya ni Kaelly kay ate at ginawaran ito ng halik sa pisngi.

"Oopps! Sorry ate, nauna pa akong yumakap kay kuya. Pasensiya na, nasanay lang ako."

"Okay lang 'yon. Alam ko naman kung ganoon kayo ka sweet ng kuya mo. Buti pa nga kayo, 'yong isang tukmol kasi riyan, dalawa na nga lang kaming magkasama, lagi pa akong inaaway." Sabay tingin nang makahulugan sa akin ni ate.

"Ako pa ta...opo, sabi ko nga ako." Kokontra sana ako kaso pinanlakihan ako ng mata ni ate kaya di na ako nakakontra pa.

Hirap talagang kontrahin ng boss. Sana this time sa pagdating ni kuya sa buhay niya ay mabawasan ang pagiging tigre niya.

Not a Typical StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon