Part 14

22 1 0
                                    

Ang tagal naman ng labasan namin, plano pa ata ni Mr. Marquez na mag-over time. Nakakahiya naman kay Kaelly kung siya pa ang maghihintay sa akin sa sakayan ng jeep.

Dyahe nga, kung alam ko lang na sa bahay sila magdi-dinner at kasabay ko pag-uwi si Kaelly, sana pala hiniram ko kay ate 'yong isang kotse. Kainis kasi ayaw pang ibigay sa akin ni ate, para 'di na ako nako-commute papasok. Sana graduation na agad para opisyal nang mapasaamin 'tong kotse.

Nang mag-dimiss ng klase si sir, dali-dali akong lumabas ng room pagkalabas na pagkalabas ni sir. Nagtungo muna ako ng cr para ayusin ang sarili ko at para umihi na rin--bakit kasi kinakabahan akong masyado. Mahirap na, mamaya habang magkasabay kami ni Kaelly saka pa ako magkalat sa kaba.

Malayo pa lang ako, isang pamilyar na bulto na ng babae ang natanaw ko na papasok ng cr ng babae. Parang si Lhei ata 'yon base sa ayos ng suot nito. Pero hindi ko masyadong namukhaan dahil tila nagmamadali rin ito pagpasok.

Matapos kong ayusin ang sarili ko sa loob ay nagmamadali akong lumabas, baka kasi katagal nang naghihintay sa sakayan ai Kaelly. Sa pagmamadali ko, 'di ko sinasadyang mabangga ang isang  babaeng sa may pasilyo

Naku miss, sorry. Hindi kita napansin sa pagmamadali ko." Agad akong yumuko upang pulutin ang aklat niyang nahulog sa lapag nang mabangga ko siya.

"Okay lang, hindi rin naman kita napansin. 'Di sin sana ay umiwas ako," anito habang tumutulong din siya sa pagpulot ng kaniyang gamit.

Nang tangkang iaabot ko na sa kaniya ang mga aklat at nagulat ako nang mapagsino ko ang babaeng nakabanggaan ko, maging siya ay bakas din ang pagkagulat sa kaniyang mukha.

"Thank you Anton," aniya matapos abutin ang kaniyang mga aklat.

"Kaelly..." tokwa, bakit ba ang hirap maghagilap ng salitang sasabihin.

Kung kanina bakas ang gulat sa kaniyang mukha, ngayon naman ay pinagkunutan niya ako nang noo na tila mo ba nagtataka. Teka, 'di niya siguro ako nakilala. Mali pala...hindi niya siguro ako namukhaan. A, basta.

"Kilala mo ako?" anito na tila mo ba nagtataka.

"Ako nga kilala mo, malamang kilala rin kita." Dagukan ko kaya sarili ko, ang gulo ko kausap.

"Malamang, ikaw ang president ng school council kaya hindi nakapagtatakang kilala ka ng nakararami,"saad pa nito

"Sabagay may punto ka. Ngayon alam ko na kung bakit Anton tawag mo sa akin, akala ko pa naman ay na-recognize mo na ako."

"Pasensiya na pres, mauna na ako, may pupuntahan pa kasi ako. Sorry pala at thank you na rin pagtulong." Pagkawika noon ay tinalikuran niya agad ako.

"Kaelly." Habol ko pang tawag sa kaniya pero nagdire-diretso pa rin siya.

"Sino 'yon, Anton?" usisa sa akin ni John, isa sa mga kaklase ko at malapit na kaibigan. Akala ko, nakauwi na ang isang ito. Isa rin siya sa laging unang lumalabas ng classroom.

"Babae mo?" dagdag pa niya.

"Sira. May girlfriend ba ako?"

"'Di ba laging may nirereto ate mo sa'yo," aniya pa.

Hindi lingid sa kaalaman niya at nang ilang malalapit sa akin ang ginagawang pagbebenta este, pagrereto ni ate sa akin kung kani-kanino.

"As if naman na may niligawan o sinagot ako sa kanila. Pinagbibigyan ko lang si ate," paliwanag ko.

"E bakit, hinabol mo ng tawag ang isang iyon?" usisa pa niya.

"Kapatid 'yon ng boyfriend ni ate," nasabi ko na lang kaysa sagutin pa ang tanong niya. Mag-uusisa pa kasi ng todo ang mokong na 'to.

"Naku, maniwala...ate mo may boyfriend? P'wede ba Anton." Puno nang pagdududa nitong saad.

"Gusto mo, tawagan ko pa ai ate, tapos tanungin mo siya." Paghahamon ko. Pero alam kong 'di siya maglalakas loob, takot din kasi kay ate ang isang ito.

"Hindi na kailangan, naniniwala na ako."

"Siya bro, una na ako."

"Ikumusta mo na lang ako kay ate Venice, pasabi na rin na congrats!"

"Makakarating." At naglakad na akong palayo.

Ayoko na ring pahabain pa ang kuwentuhan namin at baka maghintay pa nang matagal ai Kaelly. Lagot din ako kay ate pag nagkataon.

Paglabas ko ng gate ng campus ay natanaw ko na agad sa abangan ng jeep si Kaelly kung saan ko siya hihintayin kahit ang totoo ako talaga ang hinintay niya.

Hindi pa man ako tuluyang nakakalapit, bakas ko na sa maamo niyang mukha ang pagkainip kahit na saglit pa lang naman niya akong hinihintay.

"Hi Kaelly," bati ko sa kaniya nang makalapit ako sa gawi niya.

Isang alanganing ngiti ang itinugon niya sa akin.

"Pasensiya na kung naghintay ka, ang bilis mo kasing maglakad. Ano, tara na?" Aya ko sa kaniya.

Imbis na tugunin agad ang tanong ko, isang makahulugang tingin ang ibinigay niya sa akin.

"Okay ka lang Anton?"

"Naghihintay na si ate sa bahay."

"Bukod pala sa may pagkaterorista ka bilang president ay medyo mahangin ka naman bilang lalaki."

Hindi ko alam kung paanong magre-react sa sinabi niya. Oo, tama siya sa una, pero mali ang ikalawa.

Para 'di na humaba pa ang diskusyon, agad kong kinuha sa bulsa ko 'tong cellphone ko at id-in-ial ang number ni ate.

"Ate kong maganda, ikaw na nga kumausap dito kay Kaelly, mamaya kapag inaya ko pa ulit na sumama sa akin, sabihan pa ako nang k-in-idnap ko siya." Pagkasabi ko noon ay agad kong iniabot kay Kaelly 'tong cellphone nang hindi ko na hinintay ang sagot ni ate sa kabilang linya.

"Ano 'to?"

"Si ate Venice, kakausapin ka raw niya."

Agad naman siyang tumalima at inabot 'yong cellphone ko.

"Opo ate Venice, okay po." Pagkatapos noon ay ibinalik din niya agad sa akin 'yung cellphone ko.

"Pasensiya na Anton, este Karl...hindi kasi kita nakilala. Saka hindi ko rin alam na ikaw pala 'yong kapatid ni ate. Iba kasi 'yong itsura mo noon. Pasensiya na talaga."

Not a Typical StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon