Part 7

64 3 0
                                    

Nandito na kami ni bibo sa restaurant kung saan namin imi-meet ang babaeng napupusuan niya. Actually, kanina pa kami rito ni kuya,  pero wala pa rin 'yong date niya. Kung ano-ano na ngang napag-usapan namin.

"Bibo, magsi-cr lang muna ako."

"Bilisan mo, nandyan na raw sila," excited niyang wika.

Wait, sila? Ahm. Baka naman kasama niya ang parents niya. Buti na lang pala at 'di na ako nagmatigas pa kay bibo Ken, kasi kung nagkataon, baka negative na siya dahil sa akin.

Kaya naglakad na nga ako papuntang CR. 'Yon nga lang, medyo lutang nang kaunti, iniisip ko kasi kung ano kayang ugali mayroon ang gf ni bibo, maging ang mga future in-laws niya.

Sa layo ng lipad ng isip ko, 'di ko namalayang may makakasalubong pala ako. Mabuti na lang at naging maagap siya, kung nagkataon, baka sa lapag ako pinulot.

"Sorry miss," mahina niyang wika. Kaya naman napatingala ako sa kaniya.

Wait, he looks familiar. Parang nagkita na kami, kaso 'di ko maalala kung saan. Pero sigurado akong kilala ko siya.

"Thank you," mahinang sagot ko sa kaniya, pero sa iba ako nakatingin. Bakit ganoon, heto na naman 'yong kakaibang pakiramdam.

"Excuse." At naglakad na ako papuntang cr nang hindi ko man lamang nilingon ang lalaking nakabungguan ko.

Nang nasa loob na ako ng cr, pilit ko pa ring iniisip kung saan ko nga ba nakilala o nakita ang lalaki na 'yon? Sigurado akong nagkita na kami, pero hindi ko maalala kung saan at kailan. Basta sigurado akong minsan ko na siyang nakita.

Matapos kong mag-cr ay bumalik na ako sa puwesto namin ni bibo, sakto naman at nandoon na rin 'yong gf niya at may kasama itong isang lalaki--kapatid niya siguro. Akala ko pa naman, parents ni ate ang tinutukoy ni kuya kanina.

"Nandyan na pala si Kaely." Narinig kong wika ni bibo nang matanaw niya ako.

Teka, bakit bigla akong kinabahan? Bigla na lang bumilis ang tibok ng puso ko.

Dahan-dahan akong lumapit sa kanila, pakiramdam ko habang papalapit ako sa kanila, lalong bumibilis ang tibok ng puso ko.

Nang makalapit ako sa kanila, agad akong pinakilala ni kuya sa gf niya, habang ang kasama naman nitong binata ay abala sa pagse-cellphone.

"Venice, meet my sister Kaely." pagpapakilala sakin ni kuya.

"Sisi, meet your ate Venice my girlfriend and soon to be wife." Pagpapakilala naman niya sa gf niya.

Nakangiti kong inilahad ang kamay ko sa kaniya.

"At last, I've finally met you Kaely. I've heard lots of thing about you mula sa kuya mo," wika pa niya.

'Di ko alam, tsismoso pala itong si bibo Ken.

"Bibo?" Baling ko kay kuya.

"Ang totoo, wala naman siyang ibang sinabi bukod sa maganda ka na, mabait ka pa, matalino at talented pa." Nakangiti pa rin niyang wika.

Akala ko naman kung ano na.

"Huwag po kayong maniniwala kay bibo Ken." Sabay belat ko kay bibo.

"Siya nga pala, I want you to meet my brother, Karl," pakilala nito sa katabi na tila hindi naman narinig ang sinabi niya dahil bukod sa abala ito sa pagse-cellphone e may headset pang nakapasak sa tenga nito.

Nagulat ako nang biglang tanggalin ni ate Venice 'yong headset ng kapatid niya, sabay pitik sa tenga nito. 'Di ko mapigilang 'di matawa kasi mababasa mo 'yong inis sa mukha ng kapatid ni ate nang humarap ito. Ngunit nagulat ako nang mamukhaan ko ang kapatid niya, siya 'yong lalaki kanina na nakabangga ko nang papunta akong cr.

"Ate naman," inis na baling nito sa kapatid.

"Anong ate naman. Hoy lalaki, narinig mo ba 'yong sinasabi ko?" Ang tapang ni ate kahit mahina 'yong boses niya halatang maotoridad ito--nakakatakot.

"Sabi ko nga po." At umayos na ito na, tila mo ba isang maamong tupa.

"Pasensya ka na Kaely, malakas lang talaga sapak ng isang ito." Sbay ngiti niya sa akin. Hay bipolar kaya 'tong si ate Venice?

Not a Typical StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon